Kabanata XVI: Disastrous Training

1.5K 53 19
                                    

Arya

Pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko mag-aaral ngayon habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway patungong Simulation Room.

Suot ko ang kulay asul na vest na may nakaimprentang logo ng Sleuth's Tournament. Patunay lamang na kabilang ako sa representatives ng aming akademya na sasabak sa giyera-- este sa paligsahan pala ng mga matatalino at matatapang.

Hindi ko rin lubos mawari kung bakit ako nasama sa team. Hindi naman ako matalino at mas lalong hindi rin ako matapang.

Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid at kapansin-pansin na ako nga ang tinitingnan ng mga estudyante. Marahil ay dahil maganda ako. O 'di kaya'y dahil sa ayos ko ngayon.

Kabilang na ako sa team, kaya ganyan sila makatingin.

Bago ko mabuksan ang pinto ng Simulation Room, may lalaking kumalabit sa akin at iniiwan sa aking mga kamay ang isang folded na papel.

Napatingin ako sa papel ngunit nang tatanungin ko na ang lalaki kung para saan ito, wala na siya sa aking harap. Naglaho siya na parang bula.

Binuklat ko na lamang ang papel at ganoon na lamang ang naramdaman kong pagkagulat nang mabasa ang nakasulat dito.

I have the stone.
Prepare for the tournament because I will win this time. See you!
-JDC

Napakasimple ng mensaheng ito ngunit ramdam ko ang pagkabahala. Bahagyang nanginginig ang kamay kong nakahawak sa papel.

Kung na kay JDC nga ang stone na sumisimbolo sa buong akademya, hindi na ligtas ngayon ang image ng paaralang pinapasukan ko. Maaaring gamitin ng isang villain na tulad niya sa masama ang stone. Given the fact that he wanted to destroy the Zyfford, he would start it by destroying their properties and businesses. Kabilang na rito ang akademya.

It would be a great problem for Dave's family, at sa mga estudyante na nag-aaral dito kapag nagkataon.

Hindi ko lang alam kung ano ang pinanghuhugutan ni JDC para gawin ito sa pamilya ni Dave. Was it revenge?

Pero ano ang laman ng sulat?

He would meet us at the tournament? Kasali ba siya? Is he one of the organizers? Ano naman ang ibig sabihin niya sa katagang 'I will win this time'?

This was freaking me out.

"What are you doing here? Why don't you enter?"

Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatayo sa harap ng pinto ng simulation room. Hindi ko rin namalayan ang presensya ng nasa likod ko.

Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali. Ang Ingleserang kaibigan ko ay seryosong nakatingin ngayon sa akin at sa papel na hawak ko.

Wait, si Zanaya ang nasa harap ko?

I let out a shriek when her eyebrows knitted.

Si Zanaya nga!

Napayakap ako sa kanya na kaagad naman niyang tinanggal. Allergic talaga ang babaeng 'to sa skin contact. Tsk.

"Hindi ka ba ma-e-expel? Dito ka pa rin mag-aaral 'di ba?"

"Of course. I won't get kicked out because I didn't do anything wrong. But I have to join you in the tournament."

"Talaga?! Excited na ako, Zanzan!"

Imbes na pantayan niya ang energy ko ngayon, mas lalo pa siyang naging seryoso. Napatingin ulit siya sa papel na hawak ko.

"You received a letter too?"

Base sa tanong niya, hindi na kailangan ang ilang process sa utak para ma-realize na nakatanggap din siya ng letter.

Tease Out the TruthWhere stories live. Discover now