Kabanata XVII: The True Villain

1.4K 55 4
                                    

Dave

Hindi kapanipaniwala.

Ito ang nasa isip ng bawat isa sa amin ngayon na nasa loob ng infirmary matapos naming matuklasan na ang salarin sa panggugulo sa aming training ay walang iba kundi si Monica.

I didn't want to believe.

Hindi iyon magagawa ng isang tahimik at mahinhin na tulad ni Monica. I've known her for how many years and I have never ever imagined that she would commit such cruel things. She couldn't do that to Lopez. In fact she's the reason why we were able to get along with the two. Though, there's still a gap between Reign and I, but that's our issue, labas na sila 'dun.

Magkasundo silang dalawa at alam kong kaibigan na ang turing nila sa isa't isa. Kaya nga nakapagtataka na nadawit sa isang insidente ang pangalan ni Monica. At may ebidensya pa sila.

Kung magigising mamaya si Reign, hindi ko na lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

"That's not true!" bulalas ni Chris.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit. He's always calm and composed, but now, he seemed to forget about his principles in life and threw them out of the window like pieces of crumpled paper.

Hindi ko naman siya masisi. Matagal na silang magkaibigan ni Monica.

"I don't want to believe this either, but how can we explain that evidence?" saad ni Prof. Avi at itinuro pa ang panyo ni Monica kung saan nakaimprenta ang pangalan niya rito.

"Call Monica Ruiz now," utos ni Ate Darlene sa mga pulis na naririto.

Kaagad naman silang sumunod at tinungo na ang exit at lumabas.

It couldn't be. There's someone behind this, I'm sure of it.

Habang kami ay nagkakagulo sa labas ng kwarto ni Reign kung saan ginagamot siya, lumabas mula rito si Doctor Robert, ang nakatalagang Physician sa Zyfford Academy.

"Nagtamo si Miss Lopez ng galos sa kanang bahagi ng ulo niya. Hindi naman ito malalim kaya aasahan niyong makaka-recover din siya. Nawalan siya ng malay kanina dahil sa shock at sa dugong nakita niya. Maaari na siyang lumabas kung hindi na siya nakararamdam ng pagkahilo," pagsasalaysay niya sa amin. Matapos niyang ibilin sa amin ang mga dapat gawin ay lumisan na siya.

Pangalawang beses nang nagpabalik-balik sa infirmary si Reign. Paano ba naman kasi, hindi marunong magmasid sa paligid. She's too excited sometimes.

Pumasok kaming tatlo sa loob ng silid, ngunit nagulat kami sa aming nadatnan.

Walang ni isang tao sa loob. Ni anino ni Lopez ay hindi na namin mahagilap. Nasaan siya?

"Mali ba tayo ng pinasukang kwarto?" nagtatakang tanong ni Arya. "O my! Nasaan na si Zanaya my labs?!"

Hindi kami nagkamali ng pinasukang kwarto. Dito nanggaling ang doktor kanina. Imposibleng wala rito si Reign kanina.

Siya ba talaga ang target nila?

"Masama ang kutob ko, Dave," wika ni Chris habang ang kanyang mga mata'y nakamasid sa aming paligid.

"Let's go," sabi ko at sinimulang hanapin ang kahit na anong bakas na makapagtuturo sa amin kung nasaan ni Lopez.

"I-check natin ang CCTV footage ng infirmary. I'm sure, makikita natin 'dun kung saan nagpunta si Zanaya," suhestiyon ni Arya.

Wala kaming pinalagpas na pagkakataon kaya tinakbo na namin ang hallway patungong control room. Kumatok ako ng tatlong beses. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng in-charge sa control room.

Tease Out the TruthWhere stories live. Discover now