CHAPTER II

1.4K 96 11
                                    

Relationship Status

Shaira Zarate Point of View

Pag ka-irap sa akin ni Sharmaine ay sya namang pag-papa-ikot nya sa bote.

Habang umiikot ang bote, kaming lahat ay naka-tutok dito. Pabagal ng pabagal ng pabagal ito papunta sa pwesto ko! Napatingin ako kay Sharmaine naka ngisi sa akin.

Pumikit nalang ako dahil ayaw ko pang sumagot sa truth at gawin ang dare, lalo na't si Sharmaine to, for sure gagantiahan nya ako sa ginawa ko.

At pag pikit ko biglang tumili itong katabi ko.

"Yah! Bat nalipat sa akin!?" napatingin ako kay AKIRAH! Sya pala an katabi ko.

Napakawala ako nang mababang hininga dahil, muntik na yon, kung ako ang nature ng bote na iyon paniguradong pagti-tripan din ako ni Sharmaine.

"Dapat kay Shaira yon eh!" reklamo ni Kirah.

"Sorry Kirah, ikaw nagustuhan ng bote eh. Wala tayong magagawa." naka-ngising ani ko sa kanya.

"Wahhh! Ang duga naman nang bote na yan" naka simangot na ani nya.

"Sorry Akirah, same tayo bet ko din na sana si Shaira nalang para makaganti sana ako, kaso ikaw tinuro eh, wala tayong magagawa. Simple lang naman ang tanong ko. So my question is. Boyfriend mo na ba si Mark?" tanong ni Sharmaine.

Mali ba dinig ko? Si Akirah boyfriend si Mark? Eh halos kaka-break lang ni Akirah atchaka ni Aristotle eh.

"Ang daming pwedeng itanong bakit yan pa? Sharmaine naman eh." reklamo ulit ni Akirah.

"Na-hot sit ako kanina, kaya ngayon ikaw naman." tumatawang usal ni Sharmaine.

Yung tawang parang baliw! Putcha! Lumipat na ata sa kanya sapi ko..

"Lumipat na ba sayo ang sapi ni Shaira?" tanong ni Lhonriz kay Sharmaine.

"Lumipat nga, pero sobra naman ata yung sapi na lumipat sa kanya. Mas nakakatakot yung kasi yung tawa nyang gaga na yan, kaysa sa tawa ni Shaira" natatawang usal ni Julia. Kaya nag tawanan din kami.

"Heh! Mag si tahimik kayo! Hindi na sumagot tong Akirah na to oh." sigaw na Sharmaine habang nakaturo kay Akirah. "Sumagot ka ng babae ka, kung hindi ako mismo mag tatanong kay Mark!" pangha-hamon ng sira-ulong Sharmaine.

Hindi naman nya kayang gawin, hanggang salita lang tong babaitang ito eh.

"As if you can." naka-ngising usal ni Akirah kay Sharmaine.

"Dare me. Haha.." tumatawang ani Sharmaine.

"I dare yo--" natigilan si Akirah sa pag sasalita ng mapasukan ang bibig nya crampled paper.

"Shut up Akirah, ako ang mag de-dare sayo. Pero sagutin mo muna ang truth, kung jowa mo na ba si Mark!" bulyaw ni Sharmaine kay Akirah, natahimik sya dahil sa crampled paper na nasa bibig nya.

"Pwe!" dinura ni Akirah yung papel. "ang sama mo ate Sharmaine!" kunwaring nai-iyak na usal ni Kira.

"Hays. Shut up Akirah, sagotin mo nalang kasi" nai-irita ng usal ni Sharmaine.

"Oo nga Krang di mo pa sagutin." si Arianne.

"Sagutin mo na nga kasi." si Samantha.

"Oo nga Kirah, walang hiya na ngayon yang si Sharmaine dahil sa ginawa nyang pag tatag kay Khevin. Haha..." si Jemina

"Hays.." bumuntong hininga si Akirah. "Hindi pa kami. Nanliligaw pa rin sya sa akin." pag tatapat nya sa amin.

"Shit." bulong ko.

Hindi ko man lang nalaman na nanliligaw na pala ang lalaki na yon. Masyado na akong nahuhuli sa balita sa buhay nang mga ito. At mukhang hindi lang ako nag iisa.

"Oww pakshet." bulong ni Jelly.

"Walang halong biro?" di makapaniwalang tanong ni Mary Joy.

"Luh kelan pa?" tanong ni Camille.

"What the freak? kelan pa Kira?" nakangangang tanong ni Frances.

"Heh! Isa isa lang!" sigaw ni kirah. "2 weeks na syang nanliligaw. Sasabihin ko na dapat sa inyo, kaso lang natatakot ako. Pero nahuli kami ni Sharmaine na magkasama sa mall last week kaya sya una naka alam."

That's explain why I don't know.

"Ok ok. Tama na, sa Dare na tayo.. Mamaya na paliwanagan." naka ngising usal ni Sharmaine. "I dare you Akirah, to tag Mark in a Relationship status." seryosong mukha nya.

"Lah! Seryoso!?" hindi makapaniwalang tanong ni Kirah.

"Mukha bang hindi?" si Sharmaine.

"Lah! Sasagutin ko muna sya bago ko gawin yung dare." reklamo nya.

Kahit kelan talaga nako.

"Consequence is co-contact-kin namin si Aristotle at hahalikan mo sya." naka-ngising ani pa ni Sharmaine.

Freaking Hell, ang gago talaga ni Sharmine.

Aristotle is Akirah's ex boyfriend. Halos apat na buwan palang ata silang break, pero ang alam ko ay gusto pa din ni Aris si Kirah kasi nag bubulag bulagan lang sya.

"Ok fine. Gagawin ko na!" sigaw ni Akirah tapos may pinindot sa cellphone.

A couple of minutes.

May nag notify na naman sa mga cellphone naming.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung ano ang nag notif.

"Akirah Quinto is in a relationship with Mark."

"Nagawa na nya." walang ganang ani ko.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now