CHAPTER XXIV

649 54 12
                                    

Sabihin mo sa bakla result

Shaira Zarate Point of View.


Umiyak ako sa mga narinig ko kahapon, pero hindi yon dahilan para mag mukmok ako dito sa kwarto ko.

Lalo na ngayong may chika sila Ate Jem, Mary Joy, at yung iba pa. Samantalang ako, wala. Ni katiting na balita kay Kennedy wala ako jusko.

Pasado alas otso na, kaya nasa school na ako. Ang malibog na Camille nakita ko kanina hila-hila sya ni Ryde.

Tinanong ko si Vincent kung bakit hila ni Ryde si Camille, halata naman kasi na alam sya, sinabi naman niya na aamin na daw si Ryde sa kanya.

Pota, ede sana all.

Sa amin atang labing dalawa ako na lang. Ni hindi ko pa naka usap si Kennedy kahapon, kaya mukhang wala talaga siyang balak mag confess, even tho sinabi niya kahapon na nagpanggap siya para makalamit.

Sa bagay pasado nayon na confession, pero hindi sapat. Hindi naman niya sinabi lahat sa akin eh.

Kaya ako nalang ang mag k-confess sa kanya. Yun naman talaga ang balak ko noon pa man, sadyang natatakot ako dahil bakla siya. And isa baka masira pa pagkaka-ibigan namin.

Sabi ko noon sa sarili ko, kapag naging lalaki na si Kennedy ako mismo ang manliligaw sa kanya, wala akong pakialam kung pagtawanan ako. Atleast nasabi ko kay Kennedy ang nararamdaman ko.

Nag pabigay lang ako kay Ate Jem ng excuse letter kasi hindi ako papasok sa mga subjects ko ngayon, pero nasa loob ako ng campus hindi lang talaga ako papasok sa mga klase ko.

Nagpa-alam na ako kay Vincent at dimiretso na sa music room dito ko kasi gagawin yung surprise ko para kay Kennedy. Nakapag-paalam naman na ako kanina kay dear at chairman, gawin ko na daw ang gusto ko basta siguraduhin ko lang daw na makakapag-confess na ako kay Ken. Pabor na pabor ang dalawa na yon para maging kami ni Ken. 

Pag dating ko sa music room agad akong napa-ngiti, mabuti naman at walang tumatambay nang ganitong oras dito.

Tinatansya ko ang laki ng music room kung kakayanin ko mag-isang ayusin to. Nang masigurado kong hindi ko kakayanin mag-isa agad kong ibinaba ang mga gamit na dala ko and inilabas ang cellphone ko para tawagan ang mga kaibigan ko.

I called Shene first, alam ko vacant nya ngayon, pero ang ogag hindi sumagot.

I also tried to called the others, pero wala talagang sumagot sa mga ogag, porke masasaya na sa mga love life nila kinalimutan na nila ako. Sumimangot ako at nag start na sa pag-gawa, ako lang mag-isa ang gagawa ngayon. Nice.

Nag-umpisa na ako sa pag-ayos ng stage, hindi naman ganoon ka bongga ang pagka-ayos. Ayos dito, ayos doon, nakakapagod man pero hindi ako huminto. This is for my love after all.

May mga lobo na nasa sahig ng stage tapos meron ding mga nakatali sa mga upuan. May scented candles na may parang bahay na maliit sa mga hagdan. May cartolina sa stage na may mga picture namin ni Kennedy, may mga ilaw din na naka-shaped heart sa gitna non may isang upuan, nakung saan naka patong ang gitara na regalo sa akin ni Ken. Hindi naman ako marunong mag-gitara pero may kaunting kaalaman naman ako.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now