CHAPTER XIX

672 62 2
                                    

Call Him Result

Arianne Shene Cas Bantay Point of View

*Kinabukasan.*

"Shene Arianne Cas Bantay! Wala ka bang balak bumangok dyan!? Anong oras na!? Papasok ka pa!!!" sigaw ng magaling kong pinsan, si Ate Lovella. Pero dalawang buwan lang ang tanda nya sa akin kaya mdalang ko lang syang tawagin na ate.

Ate as in pinsan, wala akong ate na kapatid. Sya yung kasama ko dito sa apartment na tinutuluyan ko. Medyo malapit lang sa school ito, isang sakay lang ng bus, tapos motor, tapos nasa school ka na. Mabilis ang byahe kung hindi traffic.

"Arianne Cas!!!" sigaw nya pa. Kairita talaga ito.

Lumabas na ako ng kwarto ko, baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.

"Morning." bati ko sa kanya.

Halatang halata namang sa mukha nya ang pagkagulat.

Pano naman kasi, naka bihis na ako. Handa na akong pumasok, habang sya hindi pa nakakapag ayos nang sarili.

Six-twenty-two palang, ang pasok namin ngayon ay mamaya pang ala-siete imedya. Pero dahil excited ako, maaga akong gumayak. May chika daw yung barkada tungkol kay Mary Joy eh. Actually it's not all about Mary Joy. Halos lahat may chika sa mga love life nila.

"Naka gayak ka na pala lahat lahat tapos di ka pa lumabas ng kwarto mo para mag handa ng agahan eh no?" ani nya.

"Yun na nga sana ang gagawin ko, ang kaso bigla kang nageskandalo eh ang aga aga pa. Chaka kabibihis ko palang, magulo pa nga buhok ko oh." ani ko habang naka-turo sa buhok ko.

"What ever! Magluto ka na ng itlog chaka ham, may pan panaman dyan, yun nalang agahan natin. Tapos magtimpla ka na rin ng hot choko, dyan at ako'y maliligo na." ani nya tapos dumiretso sa banyo.

Sinunod ko na lang ang mga inutos nya. Kung wala lang talaga kaming schedule sa pagluluto hindi ko naman gagawin ito. Nag luto ako ng itlog at ham tapos naglabas ako ng ketchup. Tapos nilabas ko na rin yung pan.

Yung hot choco nilagay ko palang yung powder sa tasa at lalagyan ko nalang ng maiinit na tubig mamaya.

Paglabas ni Lovella sa banyo naka uniform na ito. At syempre tapos ko na ang pinagagawa nya, kaya nilagyan ko na ng tubig yung hot choco namin.

Tapos masaya kaming nag agahan.

Pagkatapos naming kumain napatingin ako sa wrist watch ko. It's already six-fourty-eight na. Inaya ko na syang pumasok, para naman kahit ngayon lang ay maaga kami.

Pag dating namin sa school as usual no I.D no Entry. College na kami oh! Height lang namin ang pang highschool.

Pagkatapos kong makalapag sa guard nagpaalam ako kay ate na aakyat na sa room.

At dahil Med student ako, mag aattendance lang ako dito at pupunta na ako sa hospital Clinic. Laging sa Clinic ang first class namin.

Pero dahil maaga pa makikichismis muna ako. Nag chat ako sa GC namin pero ang sabi nila nasa mga bahay pa daw sila. Yung mga Law students naman mamaya pang ten am ang pasok. Vacant ko yun! Shete naman, sana all hindi maaga ang pasok. Pero si Shaira panigurado andito na yon. Dalawa ang course nang babaita na iyon eh.

Wala na akong ibang magagawa kundi mag attendance at pumunta na sa clinic. Kahit na matagl akong mag-hihintay ayos lang. Sa sobrang hayok ko sa chismis, naka-pala ako.

Pag dating ko palang sa Med Building, may nagbigay sa aking ng chocolates?

Anong meron?

Bawat madadaanan kong students binibigyan ako ng chocolates! Hanggang sa makarating ako sa room kung saan ako mag aatendance.

Tapos na ang Valentine's Day, bakit ngayon lang nila ako naisipan na bigyan ng ganito.

Pumasok ako sa room, at pag pasok ko, nga nga ako sa gulat. May nagpasabog ng confetti. Tapos may tumugtog na Gitara? I'm not familiar to the song pero ang ganda nyang pakinggan.

Hinanap ko kung saan nanggaling yung tugtog. Dinala ako ng mga mata ko sa teacher's table! And there I saw the man I love.

Si King ang nag gigitara, this is new ang alam ko ay hindi siya marunong mag-gitara. Hindi ito kumakanta, sadyang nagigitara lang sya. Hindi tulad sa mga nababasa at napapanood ko.

Itinigil nya ang paggigitara at may kinuha sa drawer.

Box?

Box ng sapatos, ni hindi man lang nag-effort, box talaga ng sapatos.

"Hi Arianne for you nga pala." sabi ni King nang makalapit na sa akin. Iniabot nya yung box.

Kinuha ko yung box, at akma ko itong bubuksan ng pigilan nya ako.

"Bago mo buksan yan, ano muna ang nag tulak sayo para sabihin sa akin na mahal na mahal mo pa rin ako." tanong nya kaya natigilan ako.

Nalaglag ang panga ko sa tanong nya, sasabihin ko ba na dinare lang ako. O sasabihin kong mula sa puso ko yun. Kung ang una paniguradong masasaktan ko sya.

"K-king ang t-totoo nyan. D-dare lang yun." naka yukong ani ko. Gusto kong sabihin na mula sa puso ko iyon, pero natatakot ako.

"D-dare!?" galit ang tono nya, pero may bahid iyon na lungok. "Dare lang ang lahat ng yon,Yung sinabi mo sa akin!? Dare lang yon!?" sigaw nya, pero bahid ang lungkot sa boses nya.

Gusto kong mag-paliwanag sa kanya, pero walang salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.

"Putcha naman Arianne, akala ko mahal mo pa ako. Kaya gumawa ako ng gantong surprise para makipagbalikan sayo! Tapos sasabihin mong dare lang yung mga sinabi mo sa akin over the phone!?" nangingilid na ang mga luha nya.

"K-king." iyan lang ang kayang kong sabihin.

"Arianne, sorry. Sorry kung inabala pa kita, sorry kung umasa ako na mahal mo pa talaga ako. Kasi akala ko may puwang pa ako dyan sa puso mo eh. Pero mukhang wala na talaga. Sorry kung nasigawan kita ngayon, nadala lang ako ng emosyon ko. Pero wag kang mag-alala Arianne, simula sa araw na ito, mag mo-move on na talaga ako, hindi na ako aasa na mag kakapuwang pa ulit ako dyan sa puso mo. By the way, sayo na pala yang box chaka yung nasa loob ng box." sabi nya tapos nag walk out.

Naiwan akong nakatulala dito, ako nalang mag-isa. Punyeta ka King ni hindi man lang ako pinag paliwanag! Susundan ko sana sya pero di ko alam kung saan sya nag punta kaya hindi na ako umalis dito sa room.

Tinignan ko kung ano ang laman ng box. Mga pictures namin nung kami pa. Punyeta, bakit biglang nag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Lalo pang tumulo ang luha ko nang mabasa ko ang naka-sulat sa isang papel.

'Hi Arianne. Alam mo bang crush na kita mula pa ng nakita kita. Ewan ko kung love at first sight ba yon. Pero sa tuwing nakikita kita kumpleto na ang araw ko. Pero lalo akong sumaya nung pinayagasn mo akong manligaw at naging tayo. Pero gumuho ang mundo ko ng makipag-hiwalay ka sa akin. Pero doon sa narinig kong sinabi mo over the phone? Pakiramdam ko yung mundo kong gumuho untu unti ulit nabuo dahil don. Kaya Arianne mahal na mahal kita.'

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now