CHAPTER XXII

677 62 1
                                    

Suntukin Mo Siya Result

Jelly Ibe Point of View

"Para po!" ani ko sa driver nang makita kong nasa footbridge na ako.

Tumigil ito sa gilid, bumaba ako sa sinasakyan kong bus. Pagbaba ko sa bus umakyat ako ng footbridge, nang makababa ako agad na akong nagtawag ng tricycle.

"Saan Ms?" tanong ni kuyang driver nang makalapit sa akin.

"Sa may Pau G Village po." sagot ko sa driver.

Di pa man napapa-andar ni kuya driver ang tricycle may biglang humila sa akin palabas.

"Sino ka?" gulat na tanong ko sa humila sa akin.

"Sumama ka nalang kung ayaw mong masaktan." bulong nya sa akin. "Mag kakilala po kami kuya, may pupuntahan po kami pasensya na po." ani nya doon sa drive, nag-abot pa ito nang asul na papel. Sana all may perang ganoon kalaki.

Sumama sa kanya. Gustuhin ko mang sumigaw di ko nagawa. Ano bang nangyayari?

Kilala akong siga sa school, dahil halos nang lalaki na siga binabangga ko. Ngunit bakit ngayon wala akong laban. Wala akong magawa.

Sumakay kaming dalawa sa nakaparadang van sa hindi kalayuan. Pagsakay namin sa van may nilagay silang panyo sa ilong ko. Fuck Kidnap to!

"Matulog ka muna munting binibini." anang lalaking dumakip sa akin.

Before I can scream I felt dizzy, and everything went out.

Someone's Point of View.

"Kuya andito na kami." anang naka-ngisi kong kapatid sa labas ng pintuan.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nagdilim ang paningin ko nang makita kong buhat buhat niya si Jelly, ng bridal style. Agad kong kunuha si Jelly sa kaniya.

Fuck, bakit ba pag dating sa kanya napaka-bilis kong magselos.

Nang makuha ko na si Jelly sa agad ko syang dinala sa aking kwarto. Pero kung yung kapatid ko bridal style nyang binuhat si Jelly, parang sako ng bigas ang pagbuhat ko sa kanya. Inihilig ko sya sa kama, syempre para mag mukhang kinidnap ko talaga sya tinali ko yung kamay nya sa head board ng kama.

Jelly Salac Point of View.

Nagising akong nasa isang silid na hindi sobrang familiar sa akin. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto na ito. Pinalibot ko ang paningin ko sa buong silid, may ilang larawan pero naka baliktad ang mga iyon. Halatang lalake ang may ari ng kwarto. Sa amoy palang nang silid, at sa kulay nang silid na kulay abo.

Iginalaw ko ang braso ko pero nakatali ako sa headboard ng kamang hinihigaan ko. Nang narinig kong biglang bumukas ng pintuan, agad akong nag kunwari natutulog pa.

'Humanda talaga sa akin itong nilalang na kumidnap sa akin.'

"Ate, basta mamayang pinatugtog ko tong cellphone ko chaka ka punasok sa kwarto at ibigay sa akin yung bouquet of chocolates ha, huwag mong babawasan yon!" ani lalaki na sobrang pamilyar ang boses.

"Don't worry Razel, may chocolates namang uuwi sila mama kaya hindi ko babawasan yon. By the way, hindi ka ba natatakot na baka magagalit yan sayo?" tanong nang babae kay Razel, the girl he's talking to is his sister.

"Natatakot ako na hindi ko masabi, natatakot lang naman kasi ako kung ano ang magiging reaksyon nya ate, pero ganon talaga. I kidnaped her, kung ikaw ang kikidnapin tapos pag gising mo may surprise pala sayo, anong magiging reaksyon mo? Diba magagalit ka? So I'm sure, na ganon din sya. Pero paghahandaan ko na kung ano man ang mga sabihin nya sa akin. Basta magawa ko lang itong plano ko." ani pa rin nung Razel, yung boses nya malumanay lang.

I'm not sure if that's Razel talaga, hindi lang naman kasi nag-iisa ang pangalang Razel sa buong mundo.

Ibubuka ko sana ang mata ko para malaman kung si Razel na mahal ko iyon, pero sa hindi inaasahan na galaw ko ang mga paa ko. Fuck.

"Baka magising na yan. Lalabas na ako. Give me the sign ok?" ani pa nang ate nya bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Narinig ko ang mga mu-munti nyang yabag papalapit sa akin.

"Jelly, alam kong magagalit ka sa akin, pero sana mapatawad mo ako. Ginawa ko lang naman to para i-surprise ka. Sana talaga maintindihan mo ako." ani Razel.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari, Razel kissed me. Hinalikan nya ako sa noo.

Ginalaw ko ang ulo ko para kunwaring magigising palang ako.

"R-razel!?" gulat kunong ani ko.

But to be honest, nagulat talaga ako, dahil napakalapit pa rin sa akin ang mukha nya.

"Alam kong kanina ka pa gising Jelly." naka ngising ani nya. Naramdaman ko na rin ang unti unti niyang pag-alis sa tali nang kamay ko.

"Kanina ko pa alam na gising ka, kasi yung mata mo gumagalaw." natatawang ani nya. "Jelly wala nang paligoy ligoy pa. Can I court you?" tanong nya, dahil sa tanong na iyon napa-awang ang bibig ko.

"Jelly alam kong gulat ka, pero pwede ba akong manligaw sayo? Ngayon lang ako mag coconfess sa isang babae. Jelly simula nung araw na nakita kita, nung araw na naging kaaway kita, nagkagusto na ako sa iyo. I really love to see when you're mad at me, coz you're so cute when you're mad. Kaya lagi kitang inaasar. Pero hindi ko alam na tatamaan pala ako ng pana ni kupido, at sayo pa. Natatakot akong lumapit sayo kasi sino ba naman ako? Si Razel na kina-iinisan mo. Pero nung sinapak mo ako kahapon at sabihin mong mahal mo ako? Kinain ko lahat ng takot ko. At eto na ako ngayon sa harapan mo nag coconfess sa iyo." mahabang pag-amin niya.

"R-razel. D-dare lang yun!" ani ko sa kanya.

"Alam ko. Alam ko yung dare nyong magkakaibigan, nung una kong nalaman yon kahapon nagalit ako, pero nung nalaman kong may truth munang nauna yon, nawala lahat ng galit ko." ani niya sa akin. "Ngayon? Can you answer my question? Can I court you?" tanong nya at humuhod sa harap ko.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now