CHAPTER XV

713 71 5
                                    

Buntis Ako Ikaw Ama Result

Frances Annn Calma Point of View

Isang malaking sumpa ang paglalakad lakad sa university kapag ganitong may programa and skuwelahana. Napakadaming studyante ang mga naglalandian, ang mga freshmans pa talaga ang mga makikita mo.

Yes, I am still in university, nagsisisi akong hindi ako sumabay sa marupok, but at the same time hindi rin. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng bahay ng hindi kasama si Kuya, paniguradong malalagot ako kila mama kung sakaling umuwi ako na hindi kasama si Kuya.

Nang makarating ako sa harapan ng classroom kung saan kami naglaro kanina, agad akong pumasok doon at umupo sa isa sa mga upuang nakatabi sa gilid, and start scrolling. Wala namang mga chismis na nakita sa facebook, sadyang mga kalandian lang mga studyante and nakita ko.

Marami ang mga message ko, pero hindi ko muna pinansin ang mga iyon. Lalo na nang makita ko ang isang message na nagtatanong kung totoo bang buntis ako.

Fuck this life.

I'm still scrolling at my news feed when I heard a dribol sound. Bakit napadpad dito ang mga kopal na players nato? Ang narinig ko kanina nagsipag uwian ang iba dahil sa ginawa naming kalat.

I'm really fucked up kung makikita nila ako dito. Mabuti nalang at may malaking cabinet ang classroom na ito, pwede akong makapagtago.

"Andyan kaya si Ann?" tanong ng isang basketball player sa isa pang kausap nito. "Bro mukhang wala ng tao." pagkaka usap nya pa sa kasama nya.

"But we heard something in here. " ani pa ng isa.

"Atchaka ang daming nagturo kanina na nakita nila si Ann dito." ani pa rin ng isa.

"Pabayaan nyo na bro, baka pumunta na rin naman kami mamaya sa kanila, lalo na't narinig din nila mama ang sinabi nya kanina.." ani ng isang pang lalaki na pamilyar ang boses sa akin.

Bahagya akong sumilip, and there I saw Dexter, with three more guy. Shit pupunta sila sa bahay...

That means, hindi nagloloko sila Shaira at Camille na nandoon ang parents nya kanina.

I am really fucked up.

"Pano ba yan bro, tatay ka na. " naka-ngising ani ng isa nyang kamasa.

"Ninong ako ah?" ani pa nang isa, kung hindi ako nagkakamali si James iyon.

"Totoo ba to bro, hindi kaya't nananaganip lang ako." Hindi maka paniwalang tanong ni Dexter.

"Kung panaginip to, gusto mo pa bang gumising?" tanong naman ni Tristan.

"Hindi na bro, kasi dito sa panaginip na ito nabuntis ko ang babaeng matagal ko ng gusto. Kahit na hindi ko matandaan na may nangyari sa amin." ani Dexter na may napakalaking ngiti sa kanyang mga labi. "Tara na nga bro, uuwi na ako para namang makapag paliwanag ako ng maayos kila mama, sobrang nagulat sila kanina eh.." ani pa nya bago sila magmarsta palabas ng classroom.

" kasi dito sa panaginip na ito nabuntis ko ang babaeng matagal ko ng gusto."

" kasi dito sa panaginip na ito nabuntis ko ang babaeng matagal ko ng gusto."

" kasi dito sa panaginip na ito nabuntis ko ang babaeng matagal ko ng gusto."

Ilang beses na nag paulit-ulit sa akin ang mga salitang binitawan nya.

'kasi dito sa panaginip na ito nabuntis ko ang babaeng matagal ko ng gusto.'

I think it is good news that he likes me, pero paano kung malalaman nyang dare lang iyon? Fuck.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now