CHAPTER XIII

773 73 9
                                    

Tagged Him Result

Sharmaine Natividad Point of View

Almost past lunch na rin nang matapos kami sa paglalaro. Nag hiwa hiwalay na rin kaming lahat after the game.

Ayaw ko pa sanang umalis sa tabi ni Shaira pero pilit nya parin kaming pinapalayo sa kanya. Nagpapanggap pa rin syang masaya sa harap naming lahat kanina. Kahit alam na alam naming nasasaktan sya.

Nang maka-uwi ako sa bahay, wala man lang akong kasama. Wala pa rin si mama at papa. Kung sa bagay maaga akong naka-uwi ngayon. Kadalasan three or four akong umuuwi.

Sa ngayon halos kaka-uwi ko lang sa bahay, and it is quarter two pm. At sa ngayon nandito na ako sa kwarto ko, naka higa sa malabot kong kama.

Actually taga Pampanga talaga kami, kaso lumipat kami dito nang ibenta nila papa yung bahay don. Pero hindi pa kami lumilipat friends na kami ni Shaira at Jeminah. Nakilala ko nalang yung iba dito.

Habang nag de-day dream ako, nakaramdam ako nang pagka-gutom. Ni hindi pa ako nag lunch dahil sa mga marupok kong tropa.

Tinatamad man akong tumayo, ngunit wala rin akong nagawa kundi pumunta sa kusina.

May kanin na—kaninang umaga pa ito—may kanin nga wala namang ulam. Sana pala kumain muna ako sa school bago umuwi.

Nangalkal ako sa mga cabinet kung may makikita akong delata, ngunit wala ni isa. Bukas palang siguro mamamalengke si mama.

Nang buksan ko ang ref, may nakita pa akong tatlong pirasong donut.

"I think this will be my lunch for—" I stop my self talking when I realized that I have a San Marino in my closet.

Dali dali kong kinuha sa kwarto sa kwarto ang San Marino at bumalik sa kusina. Kumuha ako ng mangkok para lagyan ng San Marino at pinggan na rin para sa kanin. Nilabas ko na rin yung donut.

After kong i-ready ang mga pagkain ko, dali dali akong humarap sa tv at binuksan iyon.

At dahil alas dos palang ng tanghali, showtime ang panoorin sa ABS-CBN at Eat Bulaga naman sa GMA..

Medyo sawa na ako sa dalawa kaya kinuha iniwan ko ang pag kain ko sa sala at umakyat ulit sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Ang pagod ng buhay ko, mas nakakapagod to kesa sa laro naming kanina.

Naka connect naman ang cellphone ko sa T.V namin. Buti pa sila may connection samantalang kami wala. I hate my life.

Pagbaba ko sa sala agad kong kinonek yung cp ko sa tv at dahil naka open Wi/fi ang daming notification ang agad na lumabas.

Syempre dahil nga connected na sa tv ko na nakikita. Lahat ng notification ay doon sa post ko. Puro negative comments dun sa status na naka tag kay Khevin. Tapos puro angry react. Pero mas lamang pa rin naman ang mga hearth reacts.

Pero isa lang talaga ang nakakuha ng pansin ko.

*Khevin Barretto comment on your status click to see it.*

Ni hindi na ako nagdalawang isip na pindutin iyon.

*Loading*

*Loading*

*Connection lost*

*Tap to load again*

"What the fuck?" nasabi ko nalang. Pero pinindot ko ulit iyon.

*Loading*

*Loading*

*Loading*

Sharmaine Natividad••• with Khevin Barretto.

I Love You Babe!! Stay Strong sa atin! Mwuah!
•••       •••      •••      •••
React.     Comment.     Share.

Khevin Barretto ••• 15 Minutes Ago.

I Love You Too babe, don't worry magtatagal tayo.
•••      •••      •••      •••
React.     Reply.   Report.

"Ow fuck!" sigaw ko. "Fucking hell!" sigaw ko ulit.

Nag I love you too sya sa akin!

Alam kong hindi dapat kasama yung stay strong sa atin pero sinama ko lang. Trip ko eh, pero nagreply si Khevin, I ca't believe this.

*Oink Oink!*

May notification ulit ako.

*Khevin Barretto Tagged You In A Relationship Status. Click to see it.*

"What the fuck." ani ko sa sarili ko at nabitawan ang kutsang hawak ko.

Punyeta, ti-nag nya ba talaga ako sa relationship status?

Fucking Hell. 

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now