CHAPTER X

811 81 9
                                    

Suntukin mo sya.

Shaira Zarate Point of View.

Nang humabol ako sa kanila, naabutan ko pa sila sa hall way. Yung mga nakakasalubong naming mga studyamte na walang magawa sa buhay ay nag-bubulungan.

'Di ba yan yung sumampal Quelyn?'

'Oo! Shet! Apat na sampal yun.'

'Ang sakit naman ata non.'

'Bakit naman kaya ginawa ni Julia yon? Sil ana b ani Khennet?'

'Hala, hindi na tayo updated sa buhay nila.'

'Totoo ba? si Julia sinampal si Quelyn?'

'Hindi kapani-paniwala iyon.'

Yeah, it's Quelyn, new student lang dito, pero madaming nag akalang magjowa sila ni Khennet. At mukhang si Julia napaniwala nila.

Pero mukhang hindi lang si Julia ang napaniwala nila, mukhang buong tropa, syempre bukod sa akin at kay Camille.

Alam kong alam din ni Camille na hindi jowa ni Khennet si Quelyn.

Nang makarating na kami sa classroom mahahalata na wala talaga silang alam dahil nagtawanan pa ang mga gago.

"Putcha! Ang laugh trip nung jowa nya."

"Nakakatawa yung itsura nung Jowa nya!"

"LT gagu."

"Napakaliit mong tao, pero napakatapang mo!"

"Wala ng tatalo sayo pandak!"

"Ayaw ko na at hindi na ako makikipag away sayong pandak ka, baka matikman ko ang mag-asawang sampal mo."

"Bumakat agad yung kamay mo nung sinampal mo sya!"

Kanya kanyang sigawan at tawanan nila.

"Sobra naman yung ginawa mo Julia." biglang ni Camille, dahilan para manaimik ang buong tropa at pagtinignan lang sya. Pero yung tingin ni Julia iba, yung tingin na 'what do you mean.' "Sa pagkaka-alam ko walang jowa si Khennet, at hindi din nya jowa si Quelyn." paliwanag ni Camille.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Sam, pero imbis na sumagot si Camille nagkibit balikat lang ito.

"Just say sorry to Quelyn, sobra yung ginawa mo." bulong ko dahilan para muli silang manahimik.

Sa sobrang tahimik naming lahat napaisip na naman ako sa itsura na nakita ko kay Khennet. Kung paano ang pagngiti at kung paano kumislap ang mga mata nya.

Andoon lang namang ang kupal na si Khenneth pero pinapanood nya si Julia na away-awayin yung pinsan nya, wa1lang kwenta.

Nihindi man lang nya magawang lapitan kami at awatin si Julia sa pananakit sa pinsan nya. O baka mali lang ako nang iniisip, lumapit naman sya eh, kaso nga lang nung maka-alis na yung tropa chaka lang sya lumapit.

Pero bakit may mga ngiti at kasiyahan sa kanyang mukha. Iba ang kislap ng kanyang mga mata. Iba ang ngiti niya.

Mukhang masaya sya na nangyari iyon, mukhang masaya sya na nasaktan yung pinsan nya.

"Wahhh!" biglang sigaw ni Camille. "Muntik na ako doon!" dagdag na sigaw nya pa.

Dahil doon napagtanto na naipaikot na pal ani Julia ang bote at dahil sa sinabi ni Camille mukhang muntikan na itong tumuro sa kanya.

"Huy wait lang, before kang magtanong at mag dare." pagpigil ko kay Julia. "Nakita mo ba si Khenneth kanina?" tanong ko kay Julia.

"What do you mean?" sagot na patanong ang ibinalik nya sa akin.

"Kanina kasing nag walk out kayo. Naiwan ako sa Cafeteria, and there I saw Khennet na nanonood lang sa eksena mo. Lumapit lang sya kay Quelyn noong nakalabasa na kayo." sagot ko.

"What the fudge?" gulat na ani Julia.

"Ay jusmiyo marimara Shaira, manahimik ka na, ituloy nyo na lang yang chismis nyo sa gc mamayang gabi, ituloy nyo na yung laro, bilis excited na ako." bulyaw ni Akirah sa akin. Dahilan para hindi na ako magsalita. Sinenyasan ko lang si Julia na pwede nan yang ituloy yung laro.

"Jelly." tawag ni Julia kay Jelly, sya pala ang napili nang bote. "Wala ako sa mood, pero truth then dare. Truth sino ba si Razel sa buhay mo? Kaaway mo lang ba talaga sya mahal mo sya?" tanong nya.

"Ano bang klasing tanong yan? Syempre kaaway ko lang sya, sobrang nakaka-irita yung lalaki na yon!" sigaw na sagot ni Jelly.

"Love your enemy daw!" nakangising sigaw ni Camille. Dahilan para matawa silang lahat, while I just chuckled.

"Totoo ba? Hanggang don lang ba talaga yon, hanggang sa kaaway lang ba talaga?" paninigurado ni Julia.

"Pwede rin naman yung sinabi ni Camille." wala sa sariling usal ni Jelly.

"Gotcha! Now I dare you! Suntukin mo si Razel at sabihin mong. 'Gago ka! Kaaway kita pero bakit feeling ko mahal na kita!?' at tulad ng mga ginawa natin kanina tatakbo na. Your consequence is pupunta tayo sa concert sa kabilang building tapos aagawin mo ang mike sa kung sino man ang may hawak non, tapos kakanta ka ng 'California Gurls' by Katy Perry, tapos syempre dapat may dance step." nakangising pang hahamon ni Julia.

"At nasira na nga ang dignidad nating lahat dahil sa laro na ito." bulong ni Sharamaine.

We just smirked at what Sharmaine said.

Katulad ni Julia kanina, walang sabi sabing nag lakad si Jelly palabas ng room na para bang alam na nya kung na saan si Razel.

"Huy." tawag sa akin ni Jeminah

"Oh." ungot ko.

"Alam ba ng babaitang yan kung nasaan si Razel?" tanong nya sa akin.

"Malamang nasa kabilang building kung saan ginaganap ang program." sagot ko.

"What the." naibulong na lang nya. "At tuluyan nan gang nasira ang napaka ganda nating reputasyon." dagdag nya pa.

Reputasyon pa talaga naming ang naisip nyang dahilan, ayaw nya pang aminin na ayawa lang talaga nyang pumunta sa program. Napaka-bitter talaga ng babaita na ito.

Nang makarating kami sa building agad na bumungad sa amin ang mga studyanteng naglalandian, kanina habang naglalakad kami ang dami na naming nakasalubong, pero mas marami pala dito.

Nakita namin si Jelly na dire diretso lang papunta ng backstage? Ni wala takot na mababakas sa mukha nya.

Consequence yung gagawin nya? Ang duga naman.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod lang sa kanya.Nang makarating kami sa backstage andoon si Razel, na nagp-practice for their concert, andito din si King pero abala ito sap ag-eensayo sa drums kaya hindi na nya nalaman na nandito kami.

Nagulat nalang kami sa susunod na nangyari. Walang pag aalinlangan na lumapit si Jelly kay Razel binigwasan ito.

"Punyeta! Anong problema mo--" natigilan si Razel ng makita nyang si Jelly ang may gawa sa kanya non.

"Wag mo akong ma-punye-punyeta kupal ka! Isa kang malaking gago diba ka away kita? Pero bakit pakiramdam ko mahal na mahal na kitang gago ka?" mabilis na pagsasalita ni Jelly.

Ang buong akala naming lahat ay aalis na pag katapos ng sinabi ni Jelly, pero humirit pa si pokpok at hinalikan ito sa pisngi.

Walang hiya talaga ang pokpok na ito.

Agad na rin naman silang tumakbo after Jelly did the kiss. But my eyes are still on Razel's eyes. Just like Khennet eyes, kumikislap rin ito na para bang nagustuhan ang mga nangyari.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now