CHAPTER XVI

687 69 3
                                    

Kiss Him Result

Mary Joy Pineda Point of View

Napatingin ako sa relo ko, it's quarter two pm na pero nandito pa rin ako sa school, sa room ng kuya ko. Sabi nya kasi hintayin ko daw sya dito, may tatawagin lang daw sya. Yung mga barkada ko naka-uwi na't lahat lahat pero nandito pa rin ako sa University.

Lalabas na sana ako ng classroom nila para bumuli ng makakain dahil gutom na gutom na ako, hindi talaga kami nakakain kanina dahil sa kagaguhan ng marupok—palabas na nga ako ng bahay ng mag vibrate ang cellphone ko. Pero hindi ko pinansin iyon.

Nasa labas na ako caf nang mag vibrate ulit, kaya agad ko nang tinignan kung sino iyon. Si kuya.

Kuya kong marupok.
09551122334
Bilisan mo pumunta ka
na agad dito, para
maka-uwi na tayo agad.
sa room nila Bryan!!

Ang kupal talaga ng kuya ko na to, kung makapag  utos parang sila mama.

Me:
Nasa cafeteria, bibili
muna ako ng makakain
gutom na gutom na
ako!!!

Reply ko sa kanya tapos pumasok na ako sa Cafeteria. Bumili ako ng Mountain Dew at sandwich. Kakainin ko nalang habang  naglalakad. Pero bago ako maka labas ng Cafeteria totoo ba tong nakikita ko?

Si Mark at Akirah, magkasama sa isang table, tapos may sinasabi si Mark tapos hinila nya palabas ng Cafeteria si Akirah. I smell something fishy between this two.

Tulala akong nag lakad papunta sa Building ng Educ. Ni hindi ko man lang nakain yung sandwich na binili ko. Bakit ba kasi inisip ko pa kung saan pupunta yung dalawa na yun.
Nasa second floor na akong may tumawag sa akin.

Kuya kong marupok is calling...
Napaka-mainipin talaga ng kuya ko na to.

"Nasaan ka na ba? Ang tagal mo!" sigaw nya.

"Eto na, nasa second floor na, magintay ka dyan." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pagpatay ko ng tawag atchaka ko lang napag-tanto kung saan ako papunta ngayon, atchaka kung ano ang ginawa kong kalat kanina dito sa Educ building.

Fvck you self.

Kinakabahan ako na excited habang paakyat ako sa third floor, nang may biglang nag abot sa akin ng choco-mucho na cookies. 

Hanggang sa makarating ako sa room bago ang room nila Bryan ang daming nagbigay ng choco-mucho na cookies sa akin. Di ko pa nga nakakain yung sandwich na nabili ko eh!

Hindi na bago sa akin ang ganitong senaryo, napaka-dami kong nakikita na ganito ang ginagawa nilang surpresa sa mga girlfriend nila. Pero ang pinagtataka ko, wala naman akong jowa.

Kung mga kaibigan ko naman ang may pakana sa ganito ganito para sa akin ay lubhang napaka labo.

Baka nagkamali sila ng pinagbigyan, baka dapat sa kabilang hagdan ako dumaan.

Fvck, baka may ibang babae na dapat kukuha sa mga to.

Nang may huling lalaking magbibigay sa akin ng choco-mucho agad ko syang hinrap.

"Hindi ba kayo nag-kakamali ng pinagbigyan nyo?" I seriously asked.

Umiling iling ang lalaking pinagtanungan ko. "Ikaw si Mary Joy Pineda diba?" dagdag na tanong pa ng lalaki.

Napatunga-nga ako sa biglang tanong nya, ibig sabihin para sa akin ang surpresa na ito? Pero paano? Sino ang may pakana? Hindi naman pwede ang marupok, lalo namang hindi pwede ang kuya ko.

Pagbukas ko ng pintuan ng room nila Bryan doon na nasagot ang mga tanong ko, dahil sa biglang pag tapon ng confetti sa harap ko. At may tumugtog na music, Ligaya by eraserheads, favorite music ko.

Hindi ko pa man nailibot ang buong paningin ko may biglang kamay ang pilit na nagpayuko sa akin.

Habang tuloy paring ang pag-saboy ng confetti sa harapan ko ay may umalalay sa akin papunta sa gitna ng upuan kung saan kami dumaan papunta sa harapan. Ayaw nila akong mag angat ng tingin, dahil nga may isang kamay sa ulo ko na pilit akong pinapa-yuko.

Kaya sa baba lang ang nakikita ko, may mga maliliit na kandila sa baba. Nang nasa pinaka harapan na siguro kami ng room binitawan na nang kung sino ang ulo ko.

I was stunned when I saw what's written in the white board.

"Liligawan kita. Hindi ako nag papaalam, sinasabi ko to."

Nang matapos ang music ay may biglang tumugtog na gitara, napatingin ako sa pinang galingan ng gitara, si Bryan.

Shit.

Kinakanta nya yung "Gusto Kita."

"May sasabihin ako sa iyo.
Pero nahihiya akong malaman
Mong laman ng puso ko. Nanana
Gulong gulo ang isip ko.
Ako ngayo'y litong lito.
Kung pano ko sasabihin ito sayo."

Natapos sya sa pagkanta, seryoso syang tumingin sa akin.

"Gutso kita alam mo ba? Gusto kita okay lang ba?" pagbigkas nya sa chorus ng song. "Pagkatapos mo akong halik halikan kanina at sabihin na crush na crush mo ko, iniwan mo nalang ako bigla, ni hindi mo man lang ako pinagsalita. " ani pa nya.

Pakiramdam ko napaka pula na nang mukha ko ko ngayon.

"B-brya--" utal-utal na ani ko pero pinigilan nya parin ako.

"Shh. Manahik ka muna." pagpapatigil nya sa akin. "Mary Joy Chaneco Pineda, gustong gusto kita, matagal na. Hindi ko lang masabi sayo dahil natotorpe ako. At dahil na rin siguro ay pinapangunahan ako nang takot ako, totomboy tomboy ka kasi eh. Pero kaninang hinalikan mo ako sa pisnge at sabihing crush na crush mo ako, nilabanan ko ang torpe ko at eto na yon. Gumawa ako ng surprise para sayo, para sabihin na liligawan kita, hindi ako nag papaalam, sinasabi ko to para hindi ka mailang sa akin." nakangiting ani nya.

"B-bryan, d-dare lang y-yung g-ginawa ko k-kanina." utal utal na ani ko, habang nagpipigil ng iyak.

"D-dare lang yun?" tanong nya at para bang nabahidan ng sakit ang mata nya.

"Dare lang yung ginawa ko pero," tumigil muna ako sandal, huminga ng malalim, "p-pero yung sinabi ko t-totoo, c-crush na crush kita Bryan matagal na." sabi ko at walang pag-aalinlangan sa puso kong yinakap siya. "At isa pa pinapayagan kitang manligaw sa akin." Bulong ko sa kanya.

"

Tama na yan!" sigaw ng kuya ko kung saan, panira talaga ang kulugong ito. "Pano ba yan ma, pa? Babae na si Mary Joy." tumatawang ani nya sa harap ng cellphone. So it means, ka video call nya sila papa at mama?

Fvck this !

Humiwalay ako sa pagyakap kay Bryan at pumunta kay kuya para kutongan sya, bakit ba naman kasi kailangan pang kausap sila mama, nahihiya tuloy ako.

Andami pa naming naging chikahan dahil sa biglaang surpresa ni Bryan. Kilig na kilig ang mga magulang ko, kesyo ganito rin daw si papa kay mama nung kapanahunan nila.

Ganoon ang naging usapan hanggang sa maka uwi, kami.

Syempre hinatid ako ni Bryan.

TRUTH THEN DAREWhere stories live. Discover now