Chapter 1: The 7 Prince of Hell

5.7K 271 17
                                    

The 7 Prince of Hell o mas kilala sa tawag na 7 Deadly Sins.

Pride, Envy, Gluttony, Lust, Wrath, Greed and Sloth. The 7 Rulers of Muspellheim!

Ayon kay Leran ang pureblood devil, ang Muspellheim ay ang home of the Fire Giants and Demons at isa itong planetang nababalot ng apoy at lava.

Isa itong planetang walang devil race ngunit nag bago ang lahat sa oras na bigyan ng mga Gods ng Asgard ang Midgard ng mga divinity!

Sa oras na makakuha ang mga humans ng divinity ng Gods of Asgard ay nabuo ang mga Midgard Gods and Goddesses!

Ginawa ito ng Asgard dahil sa buong 9 worlds ang Midgard ang pinakamahina at dahil sa paglitaw ng mga lesser Gods and Goddesses ng Midgard ay agad na lumakas ang kapangyarihan ng Midgard dahilan para maprotektahan nila ang planeta sa iba pang planeta

Naging maayos sa umpisa ang lahat, nabalik ang kapayapaan sa Midgard at nabuo ang tinatawag na Gods Golden Era ganon paman ay hindi din ito nagtagal

7 Midgard Gods ang agad na nagsabing kailangan nang itigil ang pag bigay ng divinity sa mga mortal dahil gusto ng mga ito na wala ng iba pang Gods ang lumitaw at maglakad sa mundo ng Midgard!

Upang makamit ng 7 Gods na ito ang kanilang hanggarin ay may isang paraan at ito ay ang pag patay sa lahat ng mortal!

Ganon paman ay agad na tumutol ang iba pang Gods ng Midgard lalo na ang 7 Gods and Goddesses of Weapons

Dahil dito ay naganap ang Gods War dahilan para bumagsak ang lahat ng mga Gods and Goddesses ng Midgard

Nagalit ang Gods ng Asgard sa ginawa ng 7 Gods at ipinatapon ang mga ito sa Muspellheim! Isinumpa din ng mga Gods ng Asgard ang 7 dahilan para maging itim ang mga divinity nito at mabuo ang bagong race ang Devil Race

Habang mula sa araw na iyon ang 7 Fallen Gods ng Midgard ay tinawag na 7 Prince of Hell

***

Ilang daang taon na ang lumipas simula ng mangyari ang digmaang ito. Ngunit ilang taon lang ang lumipas at agad na nakahanap ang Muspellheim ng isang maliit na dimensional crack!

Gamit ang dimensional crack ay maari na ulit sumugod at bumalik ang 7 Prince of Hell sa Midgard na hindi kinakailangang pang pumasok sa world portal!

Matatandaang may mga restrictions ang lahat ng mga naninirahan sa 9 worlds sa oras na gamitin nila ang world portal, ngunit kong isang dimensional crack ang gagamitin ay mawawala ang restrictions!

Kaya naman sa oras na masegurado ng Muspellheim na patungo nga sa Midgard ang maliit na dimensional crack ay agad itong naghanda nang ilang taon para sa kanilang paghihigante!

"Ngayon sabihin mo bakit mo ito sinasabi sa akin?" Tanong ni Red kay Leran

Hindi lubos maisip ni Red kong bakit ito sinasabi sa kanya ng pureblood devil na ito lalo na't isa siyang royalty ng devil empire!

"May dalawang opposite force na naglalaban sa Muspellheim, una ay ang Demons and Fire Giants Alliance"

"Ang pangalawa ay syempre ang 7 Prince of Hell at kontrolado nila ang halos lahat ng pwersa ng Muspellheim! At iisa lang ang gusto ng 7 na ito, destruction!"

"Kasapi ako sa pwersa ng Alliance at naatasan akong ibigay ang mensahe na ito sa oras na malaman naming mag bubukas ng ilang segundo ang maliit na dimensional crack"

"Bago paman ako makarating sa dimensional crack ay agad kong nakaharap ang pwersa ng 7 Prince at dito ay lubos akong nasugatan, mabuti nalamang at nagawa kong makatawid"

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Where stories live. Discover now