Chapter 13: Master Smith Apprentice

2.7K 188 14
                                    

"Yun pala ang nangyari, kami na ang bahala sa Swordhaven Empire mag iingat ka" Sabi ni Kate na tinanguan ni Red

Sa oras na malaman ni Red ang kanyang sitwasyon ay agad siyang nag log out sa laro upang ma kontak si Kate sa totoong mundo

Dahil sa world expansion ng World of Weapons ay nabuo ang real-virtual time call isa itong paraan na kong saan ay pwedeng ma kontak ng kahit na sinong nasa tunay na mundo ang nasa loob ng World of Weapons

Nalaman din ni Red ang mga naging sitwasyon sa digmaan sa oras na mapadpad siya sa boundary ng Muspellhiem at Nidavellir

Dahil sa paglitaw ni Blood at Rule ang sugatan ng si Belphegor ay walang nagawa kong hindi ang tumakas sa battlefield ganon paman ay nagawa padin itong masugatan ng malaki ni Blood

Kaya naman matagal pang panahon ang kinakailangan ni Belphegor bago makabalik sa dati nitong lakas

Sa oras ding iyon ay agad namang kumilos ang Swordhaven Church sa pangunguna ni Rosa at walang kahirap-hirap na natalo ang army ni Belphegor habang nahuli naman ang babaeng named devil na kanang kamay ni Belphegor

Sa ngayon dahil sa presence ng Swordhaven Church sa lugar ay mga maliliit at mahihinang demons nalamang ang lumalabas sa dimensional cracked

Ganon paman ay nakahanda padin ang buong Swordhaven Empire kong may papasok pang pwersa ng 7 Prince of Hell

'Master smith' Sabi ni Red sa kanyang isipan habang naalala ang mukha ni elder Kazh

"Nakikita ko sayo ang katangian ng isang master smith kaya naman gusto kong maging master mo sa larangan na ito"

Alam ni Red na sa mga oras na makita niya ang determinadong mukha ng elder ay wala siyang magagawa kong hindi ay tanggapin ang alok nito

"Red tanggapin mo ang alok ni elder Kazh alam mo bang madaming mga dwarves ang gustong maging master si elder Kazh?" Sabi ng elder dwarf na nasa gitna

"Si elder Kazh ay ang dating master ng ngayon ay ang tinatawag na Smith Saint ng Nidavellir!"

"Ang nasa tuktok ng lahat ng mga smith" Sabi nito habang may malaking ngiti sa labi

Sa oras na iyon ay agad na nabuo ang gulat at pagkamangha sa mukha ni Red

Masasabing isa ng Master Blacksmith si Red, ganon paman sa level ito ng mga mortal hindi sa level ng mga Pure Blood Dwarves!

Para sa mga dwarves ang master blacksmith ay isa lamang beginner! Sa mundo ng Nidavellir may dalawang major profession. Smith and Soldiers

At para sa mga Pure Blood Dwarves na ito mas mataas ang katungkulan ng mga smiths.

"Master" Agad na sabi ni Red kay elder Kazh na tinawanan nito

Habang agad namang lumabas sa harap ni Red ang isang notification

Ting! Master - Apprentice Contract has been made!

Agad na naramdaman ni Red ang kakaibang init sa kanyang kamay at dito ay lumabas ang marka ng dalawang hammer!

"Sa oras na ito ikaw Red ay akin ng apprentice"

*****

*ting ting ting*

Sa isang malaking workshop ay makikita ang iba't ibang uri ng mga sandata! At ang lahat ng mga sandatang ito ay gawa lahat ni elder Kazh

Bawat sandata ay may iba't ibang kanikanilang mga pwesto at kong titingnan ng mabuti ay makikita ang kakaibang hiwaga ng mga ito

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora