Chapter 16: Getting Famous

2.6K 194 21
                                    

1 week ang lumipas simula ng makapasok si Red sa White Stone Academy at mula noon hanggang ngayon ay hindi padin lumalabas si Red sa kanyang sariling workshop maliban nalamang kong kakain na at kaunting pahinga

Ganon paman sa mga araw na iyon ay mas naunawaan ni Red ang Way of Smithing at nakatapak na din siya sa Grandmaster level!

Ting! Congratulation you're now a Grandmaster Smith level, early stage!

You can now create a normal item with 100 percent success rate (early-late tier)

You can now create a unknown item with 100 percent success rate (early-late tier)

You can now create a unique item with 100 percent success rate (early-late tier)

You can now create a epic item with 100 percent success rate (early-late tier)

You can now create a legendary item with 80 percent success rate (early tier) 60 percent success rate (mid tier) 40 (late tier)

Agad na napangiti si Red ng makita ito, hindi naging madali ang ginawa ni Red sa mga araw na iyon

Masasabing ang smithing ang pinakaboring na profession ganon paman ay hindi sumuko si Red hanggang sa matapos niya ang lahat ng mga ipinagawa sa kanya ni elder Kazh!

Failure after failure ito ang laging nakikita ni Red hanggang sa ang failure na ito ay napalitan ng Success!

Sa oras na iyon ay agad na tumayo si Red mula sa kanyang pwesto at lumabas sa workshop

"Master tapos ka na po?" Agad na sabi ni Gana sa oras na mapansin niya si Red habang agad namang lumaki ang mata nito sa oras na mapansin at maramdaman nito ang sobrang lakas na aura sa katawan ni Red!

"Gra~grandmaster level! Master nagawa mo!" Masayang sabi ni Gana habang makikita ang gulat at excitement sa mukha nito

Alam ni Gana na hindi pangkaraniwan ang kanyang master ganon paman ay hindi niya inaasahan na may tinatagong ganitong potensyal ang kanyang master!

"Kailangan ko munang mag pahinga Gana, pa linis nalang ng workshop ko" Sabi ni Red dito at agad na pumasok sa kanyang kwarto habang nakatitig lamang si Gana sa likod nito

Sa mga araw na magkasama ang dalawa ay madaming nalaman si Red kay Gana 

Nagmula si Gana sa isang merchant family at hindi lang basta pangkaraniwang merchant family dahil ang pamilyang ito ay isang Human family!

Natagpuan si Gana ng mag asawang tao sa isa sa kanilang paglalakbay sa tabi ng daan at simula noon ay naging parents niya na ang dalawang tao

Dahil dito ay agad na napagtanto ni Red kong bakit ganito ang anyo ni Gana, pinalaki siya ng tao

Habang agad namang nag log out si Red sa World of Weapons

Mabilis na nagtungo si Gana sa workshop ni Red at sa oras na buksan niya ang pintuan ay bumungad sa kanyang harapan ang isang golden gauntlet at sa tabi nito ay matatagpuan ang isang note

"Regalo ko sayo bilang apprentice ko" -Red

Hindi alam ni Gana sa mga oras na iyon kong anong dapat na ireaksyon, ganon paman sa huli ay kinuha niya ang gauntlet at sinuot ito

Item name: Golden Destroyer Gauntlet

Rarity: Legendary (Growth Type)

Description: A mighty gauntlet made by a human in the world of Nidavellir for his sole apprentice

"Thank you master ~"

*****

"Anong meron?" Tanong ng isang outer student ng mapansin niya ang isang signboard

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Where stories live. Discover now