Chapter 4: Captured

2.7K 179 16
                                    

"Sugod!"

"Ito ang hinihintay naten!"

"Ilan kaya mapapatay ko?"

Mula sa first wall ng Dessert Sun Eternal Tribe, sa oras na magsimulang mag paulan ng mga holy arrows ang White Tiger Legion ay agad na nag bagsakan sa langit ang mga natamaang sleeping demons

Dahil dito ay agad na sumugod ang mga extreme heroes at mabilis na pinatay ang mga buhay pang sleeping demons!

Easy exp!

Ganon paman ay agad din itong nag bago sa oras na makalapit ang pwersa ng mga one eyed fire giants sa first wall!

Kaunti lamang ang epekto ng holy arrows sa matibay na katawan ng mga ito!

Habang agad namang umatake ang mga extreme heroes sa mga one eyed fire giants

Dahil dito ay agad na nakahanap ng pagkakataon ang mga archers at mages ng dalawang legion sa taas ng first wall upang umatake!

"Hanga ako sa tapang nila" Sabi ni General Klayton na tinanguan naman ni General Thorn

Walang matatawag na formation ang mga kasali ng extreme heroes bagkus ay purong lakas lamang ang gamit ng mga ito! Wala silang pakialam ang alam lang nila ay sumugod hanggat kanilang makakaya!

Dahil din dito ang 400+ extreme heroes na ito ay agad na naglaho sa kamay ng mas malakas at organisadong army ng kalaban!

Ganon paman ay gumawa ito ng pagkakataon upang mangalahati ang buong pwersa ng kalaban!

"Mukhang siya ang commandant ng unang pwersa na ito" Sabi ni General Thorn habang nakatingin sa babaeng devil

"One eyed! Pakitaan niyo sila!" Sigaw ng babaeng devil habang ang mga one eyed fire giants na matatagpuan sa likuran ay agad na nagpakawala ng mga umaapoy na mga bato patungo sa first wall!

"Block!" Sigaw ni General Thorn at agad na ini-activate ng mga Black Turtle Legion ang kanilang bronze wall!

Habang agad namang nag materialize sa harap ng first wall ang isang bronze shell ng Black Turtle

"Boom!"

Dahil sa bronze shell ay walang kahirap-hirap na nagawang mapigilan nito ang atake ng mga one eyed fire giants habang makikita naman ang galit sa mukha ng babaeng devil

Ganon paman ay hindi pa naglalaho ang bronze shell ng sunod namang umatake ang White Tiger Legion!

"Holy Arrows!"

"White Tiger Purifications!"

Dahil sa mga puting atake na ito ay parang naging umaga ang gabi habang wala namang nagawa ang harapan ng mga kalaban sa oras na dumating ang atake!

"Fck! Mga walang kwenta!" Sigaw ng babaeng devil habang agad na nagliwanag ang kamay nito at lumabas dito ang isang fiery crystal na agad niyang binasag!

"Roaar!"

Sa oras na iyon ang aura ng mga one eyed fire giants at sleeping demons ay mabilis na nagbabago at palakas ng palakas!

"Roar!!!"

'Berserk?' Tanong ni General Thorn sa kanyang sarili habang agad na nagbago ang anyo ng dalawang kalaban!

Ang kaninang mga sleeping demons ay mabilis na nawalan ng pakpak at agad na nagkameron ng mga mata! Habang ang kanina nilang mga pakpak ay naging isang mahahabang mga kamay!

Habang ang one eyed fire giants ay agad na mas lumaki at mas lumakas ang apoy na bumabalot sa mga ito!

"Atake!" Sigaw ng babaeng devil habang agad namang sumugod ang mga ito sa first wall nang walang mga takot!

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon