Chapter 12: Fallen Human

2.7K 169 15
                                    

"Nasaan ako"

Mahinang sabi ni Red habang hindi niya makita ng maayos ang lugar na kanyang kinalalagyan dahil na din sa malalang mga sugat sa buo niyang katawan. Ang alam lang ni Red ay nasa isang madilim at mabasang lugar ang kanyang kinalalagyan

"Argh!" Agad na napahawak si Red sa kanyang ulo dahilan para siya ay muling matumba, hindi alam ni Red kong gaano katagal ngunit mabalik-balik nalamang ang sakit sa kanyang ulo na tela ay binibiyak ito

Critical Level

Ito lamang ang naririnig ni Red sa kanyang tenga habang nakikita niya ang red warning sign sa kanyang hp, ganon paman ay hindi niya magawang makakilos dahil sa sakit ng kanyang katawan at lalo na ng kanyang ulo

'Log out' Sabi ni Red sa kanyang isipan

Ting! You cannot log out!

Ikinagulat ito ni Red ng mabasa niya ito ganon paman ay hindi niya na agad ito napansin ng sumakit ulo ang kanyang ulo!

'Tulong' sabi ni Red sa kanyang isipan habang agad siyang nawalan ng malay

***

"Dito nanggagaling ang kakaibang enerhiya" Sabi ng isang malalim na boses

"Mag ingat kayo sa paglapit, hindi natin segurado kong ligtas ang lugar" Sabi pa ng isa

Sa oras na iyon isang grupo ng mga maliliit na tao na may mahahabang buhok at malalaking katawan ang napadpad sa kinaruruunan ni Red!

"Doon nanggagaling!" Sigaw ng isa sa mga ito habang itinaas ng isa sa mga ito ang hawak niyang ilaw dahilan para mag liwanag ang tinutukoy na lugar na kasama nito

Sa oras na iyon ay tumambad sa grupo ang isang sugatang katawan at walang malay na si Red

"Isa ba siyang Devil?" Tanong ng isa sa mga ito

"May pakakaparehas, nararamdaman kong mahina na at mamatay na ang life force ng nilalang na iyan, lalapitan ko" Sabi naman ng isa sa mga ito at walang takot na lumapit sa kinalalagyan ni Red

Dahil sa dugong bumabalot sa buong katawan ni Red at sa parang sunog na balat ay tela ay isang devil oh high rank demon ang anyo ni Red

Ganon paman sa oras na makalapit ng maliit na tao kay Red at makita ang buong anyo nito ay agad na makikita ang hindi makapaniwala nitong mukha

"Isang tao!"

***

Sa isang maliit na bahay na gawa sa metal at kahoy ay matatagpuan ang nakahigang si Red na sa mga oras na iyon ay nababalot ng golden light na nagmumula sa isang uri ng mineral

"Elder ano sa tingin mo?" Tanong ng maliit na tao sa isang matandang ka uri nito

"Walang dudang isa siyang tao at base sa mga itim na kulay sa kanyang katawan ay isa siyang fallen" Sabi ng elder na pinagtaka ng maliit na tao at ng iba pang nasa lugar

"Ang fallen ay mga nilalang na nakatanggap ng tinatawag na fallen cursed" Sabi ng elder habang agad naman itong umupo sa isang sulok

"Lahat ng nilalang na ipinanganak sa 9 worlds ay natural na nakakatanggap ng natural energy sa kanilang mga mundo dahilan para nagagawa ng mga ito na lumakas at maging makapangyarihan sa kanilang sariling mundo"

"Ganon paman sa oras na ang nilalang na ito ay mahaluan ng ibang enerhiya lalo na ng enerhiya na hindi galing sa 9 Worlds ay agad itong magreresulta ng isang event at ito ang tinatawag na Fallen"

"Dati ang lahat ng mga masasamang nilalang sa buong 9 Worlds ay pinapatapon sa Muspellheim at ito ay sa pamamagitan ng Fallen Cursed, sinimulan ito ng mga Gods ng Asgards  hanggang sa maging natural prison ang buong Muspellheim ng mga nilalang na ito, ganon paman sa buong mga Fallens ang 7 Prince of Hell ang pinakamalakas" Paliwanag ng elder sa lahat

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon