Chapter 8: Foolish Mortals

2.5K 164 9
                                    

Agad na napasakamay sa Heroes Alliance ang buong second wall habang mabilis na naghanda ang lahat para sa magaganap na digmaan

Ang Heroes Alliance ay binubuo ng 13 Guild, 1 Super Guild at 2 Organization

Dahil sa ang Kings Return ang may pinakamaraming member at isa din itong super guild ay sila ang naging leader ng alliance

Habang ilang minuto pa ang lumipas at agad na nagsimula ang unang laban

Hindi katulad ng Black Turtle Legion at White Tiger Legion na defend lamang ang ginawa sa wall ang heroes alliance ay merong cavalry at infantry!

Binubuo ang mga ito ng 20,000 at lahat ng mga ito ay extra! Habang sa likuran naman ng mga ito ay makikita ang 10 full raid party na binubuo ng mga 100 heroes per raid party!

Habang sa taas ng 2nd wall ay makikita ang mga kilalang siege weapon tulad ng catapult, ballista at trebuchet! Meron ding tatlong magic cannon ganon paman ay mas advance ang magic cannon na gamit ng Swordhaven Empire

Sa oras na iyon sa pinakaharap ng 20,000 soldiers ay makikita ang isang kilalang guild leader habang katabi nito ang mga kanyang guild officers at core member

"Attack!" Sigaw nito at agad na nagsimula ang digmaan!

Habang mas bumilis naman ang pag abante ng pwersa ni Belphegor sa oras na maramdaman nila ang mas madaming life force!

"Clank!" Sa isang iglap ay agad na nagkaharap ang dalawang pwersa at mabilis na nagpalitan ng mga atake

"Kill!" Sigaw ng sampung warrior heroes at agad na gumawa ng daanan patungo sa gitna  ng kalaban habang sa likod ng sampu ay nakasuporta ang dalawang healer, tatlong damage dealer na mage at archer

"Earth Form! Landslide!" Sigaw ng mage sa grupo sa oras na makalapit sila sa gitna ng pwersa!

Habang ang tinatayuan ng mga demons at fire giants ay agad na nadeformed at isang malaking biyak ng lupa ang umangat at kasunod nito ay ang pagbagsak nito sa mga kalaban!

"Pagpatuloy lang natin!" Sigaw ng guild leader habang sa ibang parte ng battlefield ay makikita din ang galing at coordination ng 10 full raid party, maliban lamang sa 20,000 extra soldiers na parang ginawa lamang na patapun sa kalaban!

Isang infantry at cavalries? Ihaharap sa mga mas malalakas na demons at fire giants? Massacre! Isang massacre ang magaganap! At iyon nga ang nangyari sa oras na iyon

Walang nagawa ang 20,000 soldiers na ito na parang mga bata sa harap ng isang lion!

Ganon paman ay walang pakialam ang mga guild leader na nakakita nito, after all hindi sila ang nawalan at isa lang itong alliance

"Break!" Sigaw ng isa sa mga guild leader at nagpakawala ito ng aoe sa gitna ng mga kalaban at isang malaking explosion ang gumawa nito

Sa oras na iyon ay pabor ang sitwasyon sa hereos alliance dahilan para mas ganahan ang mga ito ngunit mabilis din itong nag bago sa oras na mag bago ang kulay ng kalangitan at bumagsak ang gray colored snow

***

"Anong nangyayari?" Tanong ni Leo habang makikita ang galit sa mukha nito, ilang minuto lang ang lumipas at kitang-kita niyang nasa kanila ang advantage ng laban ngunit agad din itong naglaho!

Sa isang iglap ay mabilis na nawasak isa isa ang mga full raid party! Sa hindi malamang kadahilanan ay mas bumagal ang kilos ng mga ito at hindi lang iyon kada isang minuto ay hindi nakakakilos ang mga ito sa loob ng 5 seconds!

"Ang gray snow na bumabagsak ay isa pong domain at ito ang dahilan ng pag babago sa battlefield" Sabi ng lalaki kay Leo habang agad na napunta ang kanyang atensyon sa battlefield na nababalot ng gray snows

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Where stories live. Discover now