Chapter 14: Wrong Enemy

2.5K 184 20
                                    

"15,000 Pure Gold" Sabi ng Dwarf kay Red sa oras na itanong ni Red ang presyo ng Death Void Bow

"15,000 Pure Gold! Kita mo naman seguro ang lagay ng lumang bagay na ito" Kalmadong sabi ni Red dito habang agad namang tumingin ng masama ang Dwarf kay Red

"Oi mortal kong hindi ka bibili umalis ka nalang sa tindahan ko" Inis nitong sabi habang napakunot naman ang noo ni Red sa oras na marinig niya ito

Racist, ito ang pumasok sa isipan ni Red alam niyang mas mababa ang turing ng mga karamihan sa mga Dwarves sa mga tao ngunit ito palamang ang unang pagkakataon na maranasan niya ito

Ganon paman ay hindi niya maaring iwan nalamang ang supreme weapons sa kanyang harapan

"10,000 Pure Gold" Agad na sabi ni Red habang ngumiti naman ang dwarf dito

"15,000 Pure Gold" Sabi nito at agad na tumayo at nagtungo sa likod ng kanyang shop habang agad namang napabuntong hininga si Red at walang nagawa kong hindi ang itago sa isang sulok ang supreme weapon

'Babalikan kita' sabi ni Red sa kanyang isipan at agad na umalis

***

"Nakikita niyo ang taong iyon? May 10,000 Pure Gold yun, hatian niyo ako" Sabi ng dwarf na kanina lamang ay kausap ni Red habang sa harapan nito ay makikita ang lima pang mga dwarven na nakasuot ng mga itim na kasuotan

"10 percent" Sabi ng mga nasa gitna nito habang wala namang nagawa ang dwarf na may ari ng shop kong hindi ang pumayag

"Move"

***

Madaming mga bagong bagay na nakikita si Red sa bawat shop na kanyang napupuntahan at halos lahat sa mga ito ay mga tunay na items, ganon paman ay mas interesado si Red sa mga artifacts na kanyang nakikita

Marami sa mga artifacts na ito ay galing sa old era ng Nidavellir at lahat ay mga damaged items, ganon paman ay nakikita padin ni Red ang mga dating rankings o rarity ng mga ito

Weapons Name: Mountain Bell (Damage)

Rarity: Legendary

Level: 640

Description: A legendary bell used by the great barbarian dwarf king.

Hindi alam ni Red kong bakit pero lahat ng mga artifacts na gusto niyang bilhin ay nagiging doble ang presyo sa oras na kanyang itanong ang presyo nito

'Mukhang mababa talaga ang tingin nila sa mga tao, kong ganon ay wala na akung dahilan pa para magtagal sa lugar na ito'

Sa oras na iyon ay agad na binaybay ni Red ang kaninang daang kanyang linakaran upang makabalik sa hotel

Ganon paman ay agad na napansin ni Red ang limang mga dwarves na nakasuot ng itim na damit at base sa instinct niya ay patungo ang mga ito sa kanya

"Ang black axe"

"Kawawang mortal mukhang siya naman ang trip ng black axe"

Ito ang rinig ni Red sa kanyang paligid habang agad namang nakalapit sa kanya ang limang dwarves

"Ibigay mo ang lahat ng gamit mo kong ayaw mong masaktan" Sabi ng isa sa mga ito habang agad naman siyang pinalibutan ng mga ito

Sa oras na iyon sa malawak at punong daanan ng High Street ay agad na nabuo ang isang bilog at sa bilog na ito ay makikita si Red na pinapalibutan ng limang dwarves

Agad namang napangiti si Red ng makita ang mga ito

"Daylight robbery" Sabi ni Red

Habang agad na naglabas ng mga sandata ang lima at itinutok ito kay Red

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Where stories live. Discover now