Chapter 19: The Challenge

7.3K 376 303
                                    

"Chosens"

Sabi ni Red habang agad niyang naalala ang sinabi ni Heza sa kanya

"Sa buong White Stone Academy merong active 7 Chosens at ang pinakabata sa mga ito ay 35 years old"

"Mahirap silang makita sa loob ng Academy sapagkat merong mga karapatan ang mga ito na katulad ng mga professors at mababa lamang ang mga ito sa mga Elders"

"Bawat Chosens ay nagmula sa mga student factions at dalawa sa mga active ngayon ay nagmula sa aking faction. Ganon paman bilang mga chosens ay wala na silang pakialam sa mga factions at nasakanila nalamang iyon kong tutulong sila"

"Ngayong magsisimula na ang Academy War ay seguradong hindi papayag ang mga Chosens na ito na hindi mapabilang sa mga ipapadala ng White Stone Academy"

Mahabang sabi ni Red

"Kong ganon ay walang kaseguradohan kung mapapasama tayo sa ipapadala" Sabi ni Red na tinanguan ni Heza

"Sa totoo lamang ang dating batas ay ipapadala lamang ang mga faction leaders ng top 3 faction sa Academy ngunit dahil sa reward ay gusto nading sumali ng mga Chosens" Sabi ni Heza na naunawaan ni Red

Kahit sino ay sasali sa oras na marinig  ang mga posibling reward sa Academy War!

"Kong ganon anong kailangan nating gawin?" Tanong ni Red na nginitian ni Heza

"Challenge!" "Chosen Challenge!"

Agad na sabi ni Heza na ikinuot ng noo ni Red

"Dahil isa kanang Grandmaster Smith ay maari mong ichallenge ang sinumang Chosens sa Academy!"

"Bilang challenger wala silang magagawa kong hindi ang tanggapin ang iyong challenge at ikaw ang maaring pumili kung anong klase ng laban ang iyong gusto" Nakangiting sabi ni Heza na naunawaan ni Red

"Anong maitutulong mo?" Tanong ni Red

Habang ngumiti naman si Heza ng marinig ito "Kilala ko lahat ng mga active Chosens mula sa kanilang professions level at kakayahan" Sa oras na sabihin ito ni Heza ay agad na nagliwanag ang mga mata ni Red

"Kong ganon goodluck sa atin" Sabi ni Red habang nakataas ang kamay

"Goodluck sa atin"

*****

"Principal may napili na po ba kayo para sa mga ipapadala natin sa Academy War?" Tanong ng secretary ng Principal na inilingan nito

"Kong ganon bakit hindi nalang nating ipadala ang mga Chosens" Sabi ng secretary na nginitian naman ng Principal

"Maghintay pa tayo ng dalawang araw segurado ay may magandang mangyayari" Sabi ng Principal habang may ngiti sa labi

*****

"Narinig niyo ba?"

"Ang mysteryosong faction leader ng White Killer ay gusto hamunin sa isang laban ang isa sa mga Chosens!"

"Ang The Killer?"

"Tama! Usap-usapan ito ngayon!"

"Pero diba isa lamang core student ang The Killer?" Tanong ng dwarf sa harap nito

"Isa ngang core student ang The Killer ngunit ayon sa batas hanggat sakto ang profession level mo ay maari mong hamunin ang sino man sa mga Chosens!" Agad na sabi ng nasa harapan nito na dwarf

"Kong ganon ang the killer ay isang Grandmaster level!" Gulat na sabi ng dwarf na tinanguan naman ng nasa harapan nito

Habang sa mga oras na iyon ay hindi lang sa lugar na iyon masasaksihan ang ganitong pangyayari dahil ang buong White Stone Academy ay nakarinig na sa balitang ito!

World of Weapons Book II "The Nine Worlds"Where stories live. Discover now