Prologue

9.2K 102 3
                                    

PUMARA si Marie ng taxi paglabas niya ng arrival area ng Ninoy Aquino International Airport. Nang huminto iyon, binuksan niya ang pinto sa backseat, ipinasok ang traveling bag at sumakay. "Manong, sa Saint Francis General Hospital ho tayo. Pakibilisan lang ho," sabi niya sa driver at malakas na hinila pasara ang pinto.

"Okay, Ma'am," magalang nitong sagot at pinaandar na ang taxi. Sumandal si Marie sa kinauupuan at bumuntong-hininga. Ibinabaling niya ang tingin sa labas ng bintana.

Ilang buwan pa lang nakalilipas nang huli siyang umuwi sa Pilipinas kasama ng banda niya para sa isang one-night concert. Hindi niya inaasahang babalik agad siya sa bansang sinilangan sa taong ding iyon. Pero iba dahilan niya ngayon. Umuwi siya dahil gusto niyang damayan ang taong mahal na mahal niya at sobrang pinahahalagahan kahit pa posible itong mawala sa kanya, si Noah.

Naka-confine sa ospital ang kapatid ni Noah na si Natalie at iyon ang dahilan kung bakit kinailangan nitong umuwi sa Pilipinas at iwan siya. Nag-chance passenger siya pauwi sa Pilipinas para damayan ang boyfriend niya; sinuwerteng nakasakay agad siya.

Nang maipit sila sa traffic, inilabas ni Marie ang cell phone at tinawagan si Noah. Hindi pa nito alam na nasa Pilipinas siya. Pero "out of coverage" ang number nito. Dismayadong bumuntong-hininga siya at itinago ang cell phone.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago nakarating si Marie sa ospital. Nagbayad siya sa driver at bumaba ng taxi. Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa revolving doors. Matapos maimpeksyon ng detector ang traveling bag niya, dumiretso na siya sa information desk. "Miss, ano'ng room number ni Natalie Lafferty?" tanong niya sa babaeng nakapuwesto roon.

Sandaling natigilan ang babae pagkakita sa kanya, parang namukhaan siya.

"For awhile, Ma'am." Tinignan nito ang monitor ng computer sa harap. "I'm sorry, Ma'am, pero wala hong naka-admit na Natalie Lafferty dito."

"Are you sure?"

"Yes, Ma'am. Baka po hindi iyon ang full name ng pasyente."

Sandaling nag-isip si Marie. "How about Natalie Dizon?" Naalala niyag half sister lang ni Noah si Natalie at magkaiba ang ginagamit na last names ng dalawa. Muling ibinaling ng babae ang tingin sa monitor. "714, Ma'am," sabi nito mayamaya.

"Thanks," relieved niyang sabi. Pagkatapos mag-iwan ng ID, sumakay na siya ng elevator at sinabi sa operator ang floor niya. Pasimple siyang sinusulyapan ng mga nakasabay sa elevator, bakas sa mga mukha ang pagkamangha. Pero walang nagtangkang magpa-picture o nagtanong kung siya ba ang Filipino-American singer at musician na si Marie Hautesserres.

Nang bumukas ang elevator sa seventh floor ay lumabas si Marie, hila ang traveling bag. Hinanap niya ang room number na sinabi ng receptionist. Napahinto siya nang makita ang lalaking nakasandal sa silya sa labas ng isang silid, nakatingin sa kawalan at parang may malalim na iniisip. Bakas sa guwapo nitong mukha ang pagod at puyat. Napangiti siya nang mapansing clean shaven na uli ito.

Humakbang si Marie palapit sa lalaki, huminto ng ilang dipa mula rito. "Noah," mahina niyang tawag.

Tumingin ang lalaki sa kanya, rumehistro sa mukha ang pagkagulat. Halatang hindi nito inaasahan na nandoon siya ngayon sa Pilipinas. Nang makabawi sa pagkagulat, agad itong tumayo at niyakap siya nang mahigpit. "Thanks for coming," parang maiiyak nitong sabi.

Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap. She missed him so much. Iyon ang isinisigaw ng puso at isip niya habang nakakulong siya sa mahigpit nitong yakap. "Hey, everything will be fine," bulong niya habang hinahagod ang likod nito.

"Yes, everything's gonna be fine," relieve nitong sang-ayon.

Natigilan si Marie nang biglang maalala na posibleng mawala si Noah sa kanya. Lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa lalaki. She probably would lose him soon but she would fight for him no matter what happened.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRWhere stories live. Discover now