Chapter Nine

2.9K 62 2
                                    


NAGSISIMULA na ang practice game ng Real Hour Ministries team at Wild Branch Church sa isang softball field sa Portland nang dumating si Marie sakay ng  bisikleta.
Nagulat si Jared nang makita siya. “What are you doing here? Hindi mo ba ihahatid si Noah sa airport?”
“Ha? Ano’ng gagawin ni Noah sa airport?”
“He’s going home to the Philippines. Hindi mo ba alam?”
Umiling siya. “Wala naman siyang sinabi sa akin kagabi.” Although, napansin niyang tahimik ang boyfriend niya habang pauwi sila kagabi mula sa gig niya sa resort sa Eugene. Mukhang may gumugulo sa isip. Pinili niyang hindi mag-usisa dahil nagsasabi naman ito sa kanya kapag may problema.
“He just called me up this morning. May kailangan daw siyang asikasuhin sa Philippines kaya bigla siyang uuwi,” sabi ni Jared.
Sumama ang loob ni Marie sa narinig. Nagawang magpaalam ni Noah kay Jared pero sa kanya ay hindi? Tinawagan niya ang boyfriend. “Where are you?” mataas ang boses niyang tanong nang sagutin nito ang tawag.
“I’m on my way to your house. I want to see you before I go.” So, totoo pa lang aalis na ito. “Where are you?”
“I’m going home now.” Dali-dali siyang umuwi sakay pa rin ng bisikleta.
Naabutan pa ni Marie na paalis ang taxi na sinakyan ni Noah nang dumating siya. Her boyfriend was standing in front of her house. “Bakit biglaan naman yata ang pag-uwi mo?” walang kangiti-ngiti niyang tanong habang ipinapasok ang bisikleta sa bakuran. 
“May kailangan lang akong asikasuhin.”
Pagkatapos maiparada ang bisikleta sa gilid ng bahay, hindi tumitingin na   nilagpasan ni Marie ang lalaki at naglakad papunta sa front door.
Hinawakan siya ni Noah sa braso. “Hey, galit ka ba?” nag-aalala nitong tanong.
Hindi sumagot si Marie.
Pinahid ni Noah ang luha sa mga mata niya- hindi niya namalayang umiiyak na pala siya – at niyakap siya. “Hey, stop crying. I’ll be back, I promise,” sabi nito habang hinahagod ang likod niya.
Yumakap na rin siya nang mahigpit dito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang bahagya na siyang kumalma ay kumalas siya sa lalaki. “Kailan ba ang balik mo?”
“I-I don’t know yet.”
“I’ll wait for you no matter how long it takes,” determinado niyang sabi. 
Bumaba ang ulo ni Noah at hinaliakn siya sa mga labi. Pagkatapos ay niyakap uli siya nang mahigpit.
Ramdam ni Marie na ayaw pa siyang bitiwan ng lalaki. Pero kailangan na nitong umalis kaya siya na ang kumalas dito. “Ingat ka sa biyahe,” bilin niya.
Tinalikuran na niya ang lalaki at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay bago pa uli siya mapaiyak.

“MARIE, kailan ba ang balik ni Kuya rito?” tanong ni Martin nang ibaba sa harap niya ang in-order na takeout iced coffee.
“Wala pang exact date, eh. Nagre-record pa raw sila ng mga kaibigan niya para sa upcoming album ng Osmosis. Hindi ba nagpaalam sa ‘yo si Noah nang umalis siya?”
“Nag-text lang. Tinanggihan na pala niya ang offer ni Jared.”
Nagulat siya sa narinig. “Paano mo nalaman?”
“Nabanggit ni Jared nang magpunta siya rito kahapon.”
“I see,” dismayado niyang sabi. Dinampot niya ang kape, isinukbit sa balikat ang bag at tumayo na. “I’ll go ahead,” paalam niya.
Tumango si Martin. “Good luck mamaya,” sabi nito.
Magpe-perform si Marie mamayang gabi kasama si Rick at ilang local artists sa isang annual music festival na gaganapin sa Tom McCall Waterfront Park o mas kilala sa tawag na Waterfront Park. Madalas iyong pagdausan ng mga event sa Portland.
“See you.” Lumabas na siya ng Submarine. Nagpunta sa Waterfront na walking distance lang mula roon. Magre-reherse pa sila ni Rick na backup guitarist niya kaya kailangang maaga siya sa venue. Naabutan niyang isine-set up na ni Rick ang mga gitara nang dumating siya.
“Hindi pa ba babalik si Noah?” tanong ni Rick matapos nitong tanggapin ang suhol niyang kape; ito kasi ang ipinagdala niya ng kanyang gitara.
Umiling si Marie at sinabi ang mga dahilang sinabi rin niya kay Martin.
“Sasali kasi ang Real Hour team sa Labor Day Weekend Softball Tournament sa Vancouver. Kailangan siya ng team,” sabi ni Rick.
Bago pa siya nakasagot ay tumunog ang cell phone niya na nasa loob ng bag. Iyon ang ringing tone na in-assign niya sa boyfriend. Mabilis niyang inilabas ang cell phone at sinagot ang tawag. “Hello?”
“Marie, honey?”
“It’s him,” sabi niya kay Rick. Nakangiting tumango si Rick at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Hi,” bati niya kay Noah habang naglalakad papunta sa isang sulok ng venue.
“How are you? I miss you.”
“I miss you, too. Hinahanap ka na nina Martin at Rick. Kailan ka ba babalik dito?”
“Hindi ko pa alam. Magre-record na kasi kami ng new album ng Osmosis.” Sandali itong tumigil. “And… ano kasi, nag-resign na ako sa Queen Tech.”
“What?” gulat niyang bulalas. “Pero bakit?”
Bumuntong-hininga si Noah bago sumagot. “Tinraidor kasi ako ni Walter. Pinormalahan niya si Bethany habang wala ako. Hindi ko kayang magtrabaho kasama ng isang ahas kaya nag-resign ako.” 
Natahimik si Marie. So, si Bethany pa rin pala ang dahilan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos. Alam na niya ngayon kung saan nakuha ni Noah ang nakita niyang sugat nito sa bibig nang mag-video call sila. Siguro ay nakipag-away ito kay Walter.
“Hey, it’s not what you think. Wala na akong nararamdaman kay Bethany,” defensive nitong sabi sa biglaan niyang pananahimik. 
Sandali siyang na-relieve sa sinabi nito bago inis na nagsalita. “Tinanggihan mo ang offer ni Jared. And now, nag-resign ka sa trabaho? Tell me the truth, Noah. May balak ka pa bang bumalik dito? Magkikita pa ba tayo?”
“Of course. I’m going back there for you. Hey, galit ka ba?”
Napatingin si Marie kay Rick na nai-set up na ang mga gitara. “I gotta go. Magre-rehearse na kami ni Rick para sa performance namin mamaya,” paalam niya.
“All right. I’ll call you again later.”
Hindi na siya sumagot at tinapos na ang tawag.

DISAPPOINTED na bumuntong-hininga si Noah nang makitang wala pa ring reply si Marie offline messages niya sa Skype. Alam niyang kasalukuyan itong abala sa rehearsal ng Real Hour pero nasasabik na uli siyang makausap at makita ito kahit sa video call man lang.
Hindi niya akalaing mahirap pala talaga ang long-distance relationship tulad ng sinabi ni Jared. To think na mahigit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas magmula nang umalis siya ng Portland. Mabuti na lang, hindi tuluyang nagalit sa kanya si Marie nang sabihin niya rito na nag-resign siya sa trabaho. She was the most understanding person he had ever met. Sandali lang na nagalit ito pero later on, naunawaan din siya. Bukod doon, marunong din itong rumespesto sa nararamdaman niya. Hindi ito nagtangkang kumbinsihin siya na makipag-ayos sa daddy niya kahit na halatang gustong-gusto nitong makipagbati na siya. Dahil doon ay lalo niyang minahal ang girlfriend.  
Aminado si Noah na naging impulsive siya sa desisyong biglang umuwi at pagbitiw sa trabaho. Nagulat kasi siya at sobrang nasaktan sa ginawa ni Walter na itinuturing na niyang kapatid. Pero hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. He just did not know what to do next with his life. Pero isa lang ang sigurado siya: babalik siya sa Portland para muling makita at  makasama si Marie. Kung kailan ay hindi pa niya alam. Marami muna siyang kailangang ayusin bago bumalik sa Portland.
“Nakahilata ka na naman diyan. Nakapagluto ka na ba?” biro ng mama ni Noah pagpasok sa bahay, bitbit ang groceries na pinamili.
Dahil wala nang trabaho si Noah, siya raw ang gagawa ng lahat ng gawaing -bahay ayon kay Natalie; ipinagkibit- balikat lang niya iyon. “Nakasalang na, ‘Ma.” Tumayo siya sa pagkakahiga sa sofa at nagmano sa mama niya. Kinuha niya ang mga pinamili nito.
“Si Natalie?” tanong nito habang papunta siya sa kusina.
“Nasa kuwarto, gumagawa ng assignment.”
Habang inaayos ni Noah ang groceries sa kusina, biglang pumailanlang sa living room ang isang kanta ng Evernation. Nakasanayan na ng mama niya na patugtugin ang paborito nitong CD ng Evernation kapag dumarating sa bahay.
Napangiti siya nang marinig ang magandang boses ng girlfriend niya. Kung dati ay bale-wala lang sa kanya kapag naririnig ang kanta, ngayon ay sinasabayan pa niya iyon. “You’re my Savior. Oh oh oh…” pagkanta niya.
“You already knew the song,” amused na sabi ng mama niya pagpasok nito sa kusina. Nakapagpalit na ito ng damit-pambahay. 
“You have played that song a thousand times, ‘Ma. Natural lang na makabisado ko,” katwiran niya.
Pumunta ang mama niya sa stove at tinignan ang niluluto niyang nilagang baka. 
“Matagal pa ‘yan, ‘Ma. Gusto mo muna ng kape at sandwich?”
“Sige nga. Na-miss ko na nga ang pagtitimpla mo sa akin ng kape,” sagot nito at naupo sa dining table.
Mabilis na kumilos si Noah. Inuna niyang gumawa ng tuna sandwich. “‘Ma, baka umagahin na ako ng uwi bukas. Magre-record na kasi ng new album ang Osmosis. As usual, tutulong kami sa grupo.”
“Okay. Kasama n’yo ba si Walter?”
“I don’t know.”
“Sana magkabati na kayo. Sayang naman kasi ang pinagsamahan n’yo kung tuluyang masisira dahil lang sa isang babae.”
Hindi siya kumibo. Nang umuwi siyang may black eye at putok ang bibig pagkatapos makipag-away kay Walter, sinabi niya sa mama niya ang nangyari.
Inilapag ni Noah sa harap ng mama niya ang ginawang sandwich.  Lumapit siya sa cupboard at kumuha ng tasa. Habang nagtitimpla ng kape, naisip niya si Marie. She was a coffee lover. Gustong-gusto ng girlfriend niya na siya mismo ang nagtitimpla ng kape nito. He missed waking her up, kissing her with a cup of coffee at the side before he went to work. Bumuntong-hininga siya. Hanggang kailan pa kaya siya makakatiis na hindi nakikita, nahahawakan at nahahagkan si Marie?
“‘Ma, kung sakali bang sa Portland na ako tumira, magiging okay ba kayo ni Natalie dito?” tanong niya nang inilapag sa harap nito ang kape. Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito pero hindi nagsalita. “Jared has offered me a partnership in his prospective business. And I’m thinking of accepting ito,” paliwanag niya.
Bumuntong-hininga ang mama niya pagkalipas ng ilang sandali at ngumiti.  “May sarili kang buhay, Noah. Hindi naman puwedeng habang-buhay ay magkakasama tayo. Kung gusto mo talagang umalis, maiintindihan ko. At huwag kang mag-alala kay Natalie. She will be fine. Hindi ko siya pababayaan.”
“Thank you, ‘Ma,” relieved niyang sabi. Lumapit siya rito, niyakap at hinalikan sa noo.
“Pero iyong business lang ba talaga ang dahilan?” tanong ng mama niya nang kumalas siya rito. “Napapansin ko na lagi kang tulala mula ng dumating ka rito. Baka naman may naiwan kang girlfriend sa Portland, hindi mo lang sinasabi sa amin?”
“Actually, I have,” nakangiting sabi niya. 
“Oh, really, may bago ka nang girlfriend agad?” amused na sabi ng mama niya. “Filipino din ba siya? Ano’ng pangalan niya?”
Tumingin muna si Noah sa pinto ng kusina, sinigurong wala roon si Natalie bago sumagot. “Marie Hautesserres.”
“Si Marie ng Evernation?” gulat nitong sabi.
Tumango siya. “Pero, ‘Ma, huwag mo munang sasabihin kay Natalie. Alam mo naman kung gaano kakulit ang babaeng iyon. Baka hindi na niya tantanan si Marie kapag nalaman niya. Saka ko na lang sasabihin sa kanya kapag ipapakilala ko na si Marie sa inyo.”
“O-okay, pero paano ba kayo nagkakilala?”
Naupo si Noah sa isang silya at nagsimulang magkuwento.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRМесто, где живут истории. Откройте их для себя