Chapter Ten

3.4K 67 0
                                    


UMASIM agad ang mukha ni Noah nang pumasok si Walter sa recording studio ng Stoneroot Music Philippines, ang record label ng Osmosis.
Napatigil sila sa pagre-rehearse ng kantang ire-record nila.
Nilapitan siya ni Walter. “What is the meaning of this?” salubong ang mga kilay nitong tanong at initsa sa harap niya ang resignation letter na ipinasa niya sa Queen Tech Philippines. 
“Malinaw naman kung ano’ng nakasulat diyan,” salubong din ang mga kilay niyang sagot. Halatang kababalik lang ni Walter mula sa kung saang conference na dinaluhan dahil noon lang nito nalamang nag-resign na siya sa trabaho.
“Pare naman, hindi naman natin kailangang umabot pa sa ganito.”
“Sana naisip mo ‘yan bago mo ako tinraidor,” asik niya.
“I never did that. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?”
“Really? Kaya pala nakita kayo ni Natalie na magkasama sa mall.”
“Nagkataon lang na nagkita kami,” paliwanag pa ni Walter. “Ang mali ko lang, hindi ko sinabi sa ‘yo na ex ko si Bethany.”
“Noah, pare, totoo ang sinasabi ni Walter,” singit ni Fraimond na kaibigan na ni Walter mula pa pagkabata. “Ako lang ang nagsabi sa kanya na break na kayo ni Bethany at nagpursige na pormahan uli niya si Bethany. High school pa lang kilala na namin si Bethany at may past sila ni Walter. Nag-pretend si Bethany na hindi niya kami kilala kaya naki-ride on na lang kami.”
Hindi nakasagot si Noah sa rebelasyon ni Fraimond.
“Pare, patawarin mo na si Walter at mag-ayos na kayo. Ang hirap na nagkakagulo tayo,” sabi naman ni Mico.
“Ano’ng patawarin? Hindi ko nga tinraidor si Noah,” nandidilat ang mga matang asik ni Walter kay Mico.
Hindi napigilang mapangiti ni Noah. “Do you really love her?” tanong niya kay Walter.
“Yes,” walang gatol nitong sagot. “Nang malaman kong break na kayo ni Bethany, hindi na ako nakatiis. I want to win her back because I still love her.” May kislap pa sa mga mata nito nang sabihin iyon. He must really be in love with Bethany.
“All right.” Noah understood and he believed him. 
“Am I forgiven?”
“Akala ko ba wala kang kasalanan sa akin? So, bakit kita kailangang patawarin?”
“Wala nga. Thank you, pare!”
Hindi nakakilos si Noah nang bigla siyang yakapin ni Walter. Natatawang tinapik-tapik na lang niya ang balikat ng kaibigan.
Dinampot ni Walter ang resignation letter niya na nalaglag sa sahig at nilumukos. “So, itatapon ko na ‘to sa basurahan? Babalik ka na sa Portland at tatapusin mo ang training mo.”
Umiling si Noah. “Resigned na talaga ako, pare.”
“Pare naman, I thought we’re okay.”
“Yes, we’re okay.”
“The company needs you. And we’ve invested in your training already. Puwede kang makasuhan.”
“You’re now the CEO. Gawan mo na lang ng paraan.” Napabilis ang promotion ni Walter nang biglang nagkasakit ang daddy nito at maagang nagretiro. Tinignan niya ang mga kaibigan. “I have other plans. Babalik ako sa Portland and it will be for good.” Sinabi niya ang kanyang mga plano. Nagulat ang mga ito. Ang iba ay tumutol pero sa huli, naindintihan din siya.

“HEY, CHEER UP. Babalik din ‘yon.”
Isang matipid na ngiti ang isinagot ni Marie kay Luke. May worship sila nang sa araw na iyon pero wala siyang kasigla-sigla. She missed Noah badly. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang bumalik ito sa Pilipinas. Halos araw-araw naman ay nag-uusap sila pero hindi pa rin iyon sapat sa kanya. She wanted to see him in person and be with him again.
Kung kailan babalik ang boyfriend niya, hindi niya alam. Wala itong sinasabi at ayaw naman niyang magtanong. Alam niyang hindi ganoon kadali para kay Noah na bumalik sa Portland at iwan ang ina at kapatid nito, kahit pa sabihing dadalawin lang siya.
Matiyaga na lang niyang hihintayin ang pagbabalik ni Noah tulad ng ipinangako nito.
Pagkatapos ng worship, sumama pang mamasyal si Marie sa mga kaibigan niya. Kahit paano ay nalibang siya. Gabi na siyang umuwi.
Nagulat siya nang madatnan si Noah sa loob ng bahay niya. Ngumiti ito at agadna bumangon sa couch nang makita siya. Hindi niya napigilan ang sariling sugurin ito ng yakap.
“I’ve missed you. I’ve missed you so much!” paulit-ulit na bulong nito sa tainga niya habang mahigpit siyang yakap.  
“I’ve missed you more.”
Nagtagpo ang kanilang mga labi at matagal na naghinang.
“Bakit hindi mo man lang sinabi na ngayon ang balik mo?” tanong ni Marie pagkatapos ng halik.
“Gusto kasi kitang sorpresahin.”
“Well, you did.”
They kissed again, longer and deeper. Then Noah carried Marie to her room. At doon ay mas malaya nilang ipinadama sa isa’t-isa ang pagka-miss sa isa’t-isa.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz