Chapter Four

3K 62 0
                                    

"KILALA mo rin pala si Marie, pare," nakangiting sabi ni Jared.

"Yes," sagot ni Noah, nakatingin pa rink ay Marie. "Pinsan siya ng girlfriend ko."

"Really?"

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Marie habang nakatingin kay Noah. Halatang hindi siya nakilala ng babae. Mayamaya ay biglang nagliwanag ang mukha nito. "Noah?"

"Yes, it's me."

"What happened to your hair?"

Napangiwi si Noah. "Well, I decided to cut it short." Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Bethany. Nakita kasi siya ng isa sa mga pinsan nito sa Evernation concert at sinabi kay Bethany. Nagtampo ang girlfriend niya. Tulad ng hinala niya, hindi nito nagustuhan na pinagbigyan niya si Natalie na manood ng concert samantalang nauna itong nagyaya at ilang beses pa niyang tinanggihan. Dumagdag pa sa inis nito nang inamin niyang balak niyang ilihim ang tungkol doon.

Kahit anong suyo ni Noah, hind siya pinapansin ni Bethany. Hanggang sa magbigay ito ng kondisyon na mapapatawad lang siya kung papagupitan niya ang kanyang buhol. Labag man sa kalooban, pumayag siya. Nagpa-clean cut siya pero halata pa rin ang pagkakulot ng buhok niya. Sana lang, hindi magtampo ang buhok niya at humaba agad. Mas gusto niyang long hair siya dahil mas nai-express niya ang sarili bilang artist.

"Bagay sa 'yo. You look younger," sabi ni Marie.

Ngumiti si Noah. Marami ngang nagsasabi niyon sa kanya. So far, nagugustuhan na niya ang bagong hairstyle. Dahil doon ay madali siyang nakilala ni Jared. Ganoon kasi ang hairstyle niya noong high school sila. Halos hindi naman niya nakilala si Jared dahil malaki ang ipinagbago nito. May makapal na beard ang kaibigan tulad ng mga lalaking kaibigan nito. "Thanks. Ano'ng nangyari sa braso mo?" tanong niya kay Marie.

"Thanks. Ano'ng nangyari sa braso mo?" tanong naman niya nang mapansing nakabenda ang kaliwang braso nito.

"Nalaglag ako sa kabayo, eh. Pasok kayo," yaya ng babae at nilakihan ang bukas ng pinto.

"LET ME HAVE THAT."

Bumaling si Marie sa kanan nang marinig ang boses ni Noah. Bago pa niya maiangat ang tray ng maruruming baso, nabuhat na nito iyon at nauna na sa pagpunta sa kusina. Napasunod na lang siya sa lalaki.

Nagulat talaga siya nang muling makita si Noah pagkalipas ng dalawang buwan mula ng mag-concert ang Evernation sa Pilipinas. Common friend pala nila si Jared. Naroon si Noah sa Portland para mag-training.

Sa umpisa, nakaramdam ng pagkailang si Marie. Bumalik kasi ang atraksiyong naramdaman niya sa lalaki noong una niya itong nakita. Lalo itong gumuwapo dahil sa bagong hairstyle. Pero nang makapag-usap na sila kasama sina Jared habang nananghalian, naging at ease na siya kay Noah. Para silang matagal nang magkaibigan na muling nagkita.

Noah was charming and friendly. Magaling makisama. Nakapalagayang-loob agad nito ang mga kaibigan ni Marie kahit ayon kay Tracy, pangalawang beses pa lang ng mga itong nakasama ang lalaki.

Pagdating sa kusina, dumeretso si Marie sa refrigerator at naglabas ng bottled water.

"Tapos na naming palitan ni Jared ng lock 'yong pinto ng CR," imporma ni Noah pagkapatong nito ng tray sa tabi ng lababo.

"Thank you," sabi niya at isinara ang refrigerator.

Pagkatapos kumain, inumpisahan na ng mga kaibigan ni Marie ang paglilinis at pagkukumpuni ng ilang sirang gamit. Nagkalat ang mga ito sa buong kabahayan, sa harap at likod ng bahay. Ang iba ay nagba-barbecue sa lawn dahil may drinking session pa mamaya.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRWhere stories live. Discover now