Chapter Eight

2.9K 63 0
                                    


NAGISING si Marie sa amoy ng nilulutong adobo. Napangiti siya. Noah had arrived from work and was already cooking in her kitchen. Madalas na siyang nakakakain ng Filipino food dahil madalas siyang ipagluto nito. Binigyan niya ito ng spare key ng bahay ang boyfriend niya dahil gusto niyang sinusorpresa siya ng lalaki. 
Magmula nang maging opisyal ang relasyon nila two weeks ago, bago pumasok sa opisina, dumadaan si Noah sa bahay niya para magdala o ipagluto siya ng almusal. Pagkatapos naman ng trabaho, sa bahay pa rin niya ito dumederetso at gabing-gabi na kung umuwi.
Bumangon sa couch si Marie at nagpunta sa kusina. Napangiti siya nang makumpirmang nagluluto nga si Noah. He looked so sexy wearing her chekered blue and pink apron. Naka-display ang magandang biceps ng lalaki dahil nakasando na lang ito sa ilalim ng apron. Pero nakasuot pa rin ito ng slacks at sapatos. Ang long-sleeved polo lang ang hinubad ng lalaki dahil naiinitan talaga ito kapag nakasuot ng pormal. 
Ngumiti si Noah nang makita siya. “Hi!”
“Hi!” Lumapit si Marie sa boyfriend at yumakap. Awtomatikong nagtagpo ang kanilang mga labi.
“Pinagod mo yata nang husto ang sarili mo sa pagpa-practice. Tulog na tulog ka kanina nang dumating ako,” sabi ni Noah. 
Magaling na ang injured arm niya. Nang ipaalam niya sa kanyang agent na puwede na uli siyang magtrabaho, tumanggap kaagad ito ng booking. Naka-schedule siyang mag-perform sa isang resort sa Eugene, Oregon sa susunod na linggo. “Hindi naman. Napasarap lang ang tulog ko.”
Binitiwan na siya ni Noah at hinarap ang niluluto.
Yumakap si Marie sa likuran nito. She smelled his scent. “Ang bago naman,” sabi niya, ang hinahalo nitong chicken adobo ang tinutukoy pero nakasubsob siya sa balikat nito. He chucked. “Kumusta ang training mo?” tanong niya mayamaya.
“Halos wala akong natrabaho. I wrote a song again.”
“Really?” nasisiyahang sabi niya.
Noah had written three songs and they were all about her. Pinagtulungan nila iyong lagyan ng melody at ipinarinig sa mga kaibigan nito. Nagustuhan naman ng mga ito ang kanta at balak na isama sa next album ng Osmosis.
“Yeah. I have a melody in mind pero kakapain ko pa lang mamaya. Luto na ‘to. Kumain na tayo.”
Magkatulong silang naghain sa mesa.
Pagkatapos kumain, itinaboy na ni Marie ang boyfriend sa sala para siya na ang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan nila. Alam niyang kating-kati na itong lagyan ng chords ang bagong isinulat na kanta.
Pagkatapos maghugas, dala ang dalawang mug brewed coffee, pinuntahan niya si Noah sa sala. Dinampot niya ang bondpapers sa ibabaw ng coffee table pagkalapag ng mugs at tinabihan ito sa couch. “Akala ko ba you write a song. Bakit tatlo ‘to,” tanong niya at tinabihan ito sa couch.
“Inspired, eh,” nakangising sabi ni Noah at hinalikan siya sa pisngi. Mayamaya, tumunog ang cell phone na nasa bulsa ng suot nitong slacks. Sinagot nito ang tawag habang kalong ang gitara.
Dahil katabi lang ni Marie ang lalaki, hindi niya naiwasang makinig sa sinasabi nito habang binabasa ang nakasulat sa bond paper. Base sa one-sided conversation, kausap nito si Natalie. She had only seen Noah’s sister in pictures. Nagulat siya nang malamang kapatid pala nito ang isa sa mga supporters niya na makulit at walang sawang nagme-message sa kanya sa social media accounts niya. Parang kilalang – kilala na rin niya ang dalagita, may fondness nang nararamdaman dito dahil sa mga nakatutuwang kuwento ni Noah tungkol sa dalagita. Ang sabi pa ni Noah, si Natalie ang nagpabago rito. Kung wala raw si Natalie noong ipinadala si Noah sa Pilipinas, siguro hindi raw ito tumino at naging responsible anak at kapatid. Si Natalie rin daw ang dahilan kaya naging malapit si Noah sa mama nito. Hindi pa nga lang daw sinasabi ni Noah kay Natalie at sa mama nito ang tungkol sa relasyon nila dahil sigurado raw na hindi na siya tatantanan ni Natalie kapag nalaman ang relasyon nila. Pero alam na raw ng mama ni Noah na wala na ito at si Bethany.
“Meron na nga. I have three CDs of Slinggirls with autographs. Ibibigay ko sa ‘yo pag-uwi ko,” sabi ni Noah.
Napangiti si Marie nang banggitin ni Noah ang pangalan ng dati niyang banda. Nang humingi ang lalaki ng CDs ng Slinggirls para sa kapatid nito, malugod siyang nagbigay kahit halos paubos na iyon.
“That was Natalie,” sabi ni Noah pagkatapos ng tawag.
“Nami-miss ka na siguro ng kapatid mo.”
“Yes. Nagsawa na sigurong si Mama lang ang kinukulit. One time, papakausap ko siya sa ‘yo, ha?”
“Sure.” Okay lang sa kanya na kulitin siya ni Natalie. Gusto rin naman niyang mapalapit nang husto sa kapatid ng boyfriend niya. Pero nirerespeto niya ang desisyon ni Noah na huwag sabihin kay Natalie na mag-boyfriend na sila.
“Ikaw, close ba kayo ni Mario?” tanong ni Marie mayamaya. 
“Yes. Defender ko ‘yon, eh. Naalala ko noong mga bata pa kami, sinasalo niya ang mabibigat na trabahong pinapagawa sa akin ni Tita Leonila dahil ayaw niyang napapagod o nasusugatan ang kamay ko dahil nga tumutugtog ako ng gitara.”
Napakunot- noo si Noah. “Wait, are you referring to Bethany’s mom?”
Tumango si Marie. “Sa kanila kasi kami nakatira dati bago kami nag-migrate dito.” Habang nagkakape, ikinuwento niya rito ang naging buhay nila mula nang magkaisip siya pati na ang hindi magandang pagtrato ng mga kamag-anak noong walang-wala pa sila.
“Si Bethany, pinakitaan ka ba niya nang hindi maganda?” tanong ni Noah. 
“Hindi naman. Although hindi talaga kami naging close. Magkaiba kasi kami ng interes kahit halos magka-age lang kami. Si JP ang naging close ko.”
Tumango-tango ang lalaki. “May sama ka pa ba ng loob sa mga kamag-anak mo sa Philippines?”
Umiling siya. “Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob, Noah. At matagal na ‘yon. Isa pa, maganda na ang buhay naming ngayon. At proud na proud pa nga sila sa akin ngayon.”
“Right.” Hinaplos pa ni Noah ang likod niya at hinalikan sa sentido.
“Hey, iparinig mo na sa akin ‘tong isinulat mo,” tukoy niya sa hawak na bond paper. “Gusto ko ‘tong ‘When I met you.’”
Ngumiti si Noah at pinagbigyan siya.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRWhere stories live. Discover now