Chapter Seven

3K 73 0
                                    


“YOU LIKE him, do you?”
“Ha?” gulat na sabi ni Marie sa sinabi ni Tracy. Nakaupo sila sa bleachers at pinapanood ang mga kaibigan nilang lalaki na naglalaro ng softball, kabilang sina Martin at Noah na teammates pa. Masaya siya sa magkapatid dahil nakakapag-bonding ang dalawa at halatang kapwa nag-e-enjoy.
“Aminin mo na, gusto mo si Noah, ‘no?” pangungulit ni Tracy.
“Paano mo naman nasabi ‘yan?”
“Napapansin kasi namin ni Jared na lagi kang nakatingin sa kanya kapag magkakasama tayo. At ganoon din si Noah sa ‘yo. Madalas din daw magtanong si Noah tungkol sa ‘yo. You like him, right?”
“A lot actually,” pag-amin niya. “But he’s no longer available,” dismayado niyang sabi na sinundan pa ng buntong-hininga.
“Yeah,” dismayado ring sabi ni Tracy.
Nang matapos ang laro, lumapit sa kanila si Jared.
Nadismaya si Marie nang sa kabilang bleachers pumuwesto si Noah, kasama sina Martin. Isang lingo na ang nakalilipas nang una silang mag-practice. Tatlong beses pa silang nagkita ni Noah. Pero hindi siya nilalapitan ng lalaki tulad ng ginagawa nito dati. Halatang iniiwasan siya. Hindi na rin niya nahuhuling nakatingin sa kanya ang lalaki. Which was good actually. Pero siya naman ang hindi nakakatiis na palihim itong sulyapan.
Uminom si Noah sa hawak na bottled water na ibinigay ni Martin. At tulad noong una niya itong nakitang uminom ng tubig, napatanga siya. Wala sa loob na bumuntong-hininga siya at nagbawi ng tingin. Nakita niya ang nanunuksong tingin ng magkasintahang Jared at Tracy.
“Do you know, break na si Noah at ang pinsan mo?” tanong ni Jared.
“Huh?” gulat na sambit ni Marie.
“Yes. Sinabi sa akin ni Noah kanina. Nakipag-break daw si Bethany sa kanya dahil ayaw ni Bethany ng long-distance relationship. Inutos din daw ng parents ni Bethany dahil ayaw nila kay Noah.”
May simpatyang napatingin si Marie kay Noah na noon ay nakikipagtawanan kina Luke. Kaya pala parang mainit ang ulo ng lalaki nang huli silang nag-practice. He looked okay now. Mukhang hindi brokenhearted.
Biglang tumingin si Noah sa direksiyon niya at huling-huli siyang nakatingin dito. Ngumiti ang lalaki sa kanya. Gumanti siya ng ngiti.
“So, puwede na pala kayo ni Noah ngayon.”
Nagbawi ng tingin si Marie kay Noah at bumaling kay Tracy. Hindi siya sumagot pero inaamin niyang masaya siya sa nalaman.
Pagkatapos ng laro, nagkayayan ang lahat na magpunta sa Portland Saturday Market. Isang tourist destination iyon na makikita sa downtown Portland. Bukod sa variety goods, nagkalat din ang mga food cart at food truck na nagtitinda ng variety delicacies from around the world. May musicians din, preachers, magicians, dancers, impersonators at iba pa na umaaliw sa mga tao kapalit ng donasyon.
Habang namamasyal sila, tinabihan ni Noah si Marie at kaswal na nakipagkuwentuhan sa kanya. Nalaman ni Marie na mahilig din pala ang lalaki sa mga festivals tulad niya. Hinuntuan nila at pinanood ang mga nagpe-perform at tinitikman ang mga tinda sa ilang food carts at food trucks.
“Nasaan na sila?” tanong ni Marie habang inililibot ang tingin sa paligid pagkatapos magpasalamat at umalis ang couple na nakakilala at nagpa-picture sa kanya.
“I don’t know,” sagot ni Noah habang nagpapalinga-linga. Dahil sa dami ng tao, hindi na nila makita ang mga kaibigan nila.
“Makikita rin natin sila mamaa. Tara, doon tayo.” Hinawagkan siya ng lalaki sa kamay at hinila papunta sa nagtitinda ng mga trinkets. Nagulat siya sa ginawa nito pero hindi siya nagprotesta.
“Para kay Natalie?” tanong ni Marie habang namimili ang lalaki ng magandang designs.
“Yes. Mahilig siya sa ganito.”
Pumili na rin ng magandang designs si Marie. Naunang natapos si Noah at nagbayad sa tinder. Nang magbabayad na siya sa napili niya, mabilis itong nag-abot ng pera sa tinder.
Hindi na nagprotesta si Marie. Ang toto, kanina pa nila pinagtatalunan ang pagbabayad. Kahit na wala sila sa Pilipinas, dahil ito raw ang lalaki, dapat lang na ito ang nagbabayad. “Let’s have a decent meal later. My treat.”
“Baka mapasubo ka sa akin. Matakaw ako,” biro nito.
“Kanina ko pa po alam,” ganting-biro niya.
Noah laughed softly. “Tara, doon tayo.” Muli siyang hinawakan nito sa kamay at hinila papunta sa mga nagtitinda ng bags.

THIRTY minutes later, nakaupo na sina Marie at Noah sa isang bench sa riverside. Kumakain sila ng elephant ears habang pinapanood ang isang rock band na tumutugtog sa malapit.
“So, it’s open only on Saturday?” tanong ni Natalie habang sarap na sarap sa kinakain. Elephant ears was just fried flat wheat breads that was covered in sugar and cinnamon and other goodies. Medyo sticky at messy lang kainin pero iyon ang pinakamasarap at pinakasikat na pagkain sa Portland Saturday Market.
“Also on Sundays. Ironically, they used to call it Saturday Market. It’s open nine months a year, March to December. And everything you need to know about Portland can be found here. You’re lucky you went here during summer dahil maraming activities at festivals kang mapapanood without getting wet.” Sinundan ni Marie ng pagtawa ang sinabi.
“So, the rumors about Portland weather is true? ‘Sabi nila, lagi raw umuulan dito?”
“Hindi naman. Hindi nga lang madalas sumisikat ang araw. Madalas, cloudy pero hindi naman umuulan. We often have days na maulan sa umpisa and ends up with sunshine and blue skies. Kapag umulan, hindi ganoon kalakas. Just enough to get you wet on the way to the car.”
Tumango si Noah. “Well, I love rain.”
“Talaga? Pareho pala tayo.”
Nagngitian sila.
“I fell in love with this city the first time I went here, even the people, so I settled down here,” pagkukuwento niya.
“I see. Ako rin naman I feel at-home here. Mababait ang tao rito at madaling pakibagayan.”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Marie sa narinig. “Magpa-pierce ka at magpa-tattoo para magmukha ka na talagang Portlander,” biro niya kay Noah. Although maikli pa rin ang buhok, nagsisimula na rin itong magpatubo ng beard na ordinary lang sa karaniwang lalaki sa Portland. Naitago man ng balbas ang cleft chin sa baba nito, attractive pa rin ang lalaki sa kanyang paningin.
“No way. Baka hindi na ako makilala ng pamilya ko.”
Naunang naubos ni Noah ang kinakain. Nilinisan nito ang kamay gamit ang wipe na ibinigay ng tinder kanina. Nang si Marie naman ang makaubos ng pagkain, nagulat siya nang hawakan ni Noah ang kamay niya at nilinisan gamit pa rin ang wipe. Pagkatapos ay kumuha ito ng tissue paper at pinunasan ang bibig niya.
“Thank you,” nahihiya niyang sabi.
Ngumiti lang ang lalaki.
Ilang sandaling pinanood nila ang tumutugtog.
“So, how are you?” tanong niya  rito mayamaya.
Nakakunot-noong tumingin si Noah sa kanya. Pero agad din nitong nakuha ang ibig niyang sabihin. “I am fine.” Tumingin ito sa malayo. “I don’t have plans to win her back. Bethany and I are not meant for each other. I deserve someone na pagkakatiwalaan ako at ipaglalaban ako at ang pag-iibigan namin kahit ano’ng mangyari.”
“Right,” sang-ayon niya.
“Nagyayaya sina Luke sa Oregon Brewers Festival bukas. Sasama ka ba?” pag-iiba nito ng usapan.  
“May checkup kasi ako bukas. Baka humabol na lang ako. Sumama ka sa kanila, masaya ‘yon.”
“Hmm… pagkatapos ng checkup mo, may gagawin ka pa ba? Puwede mo ba akong samahang bumili ng gitara?”
“Puwede naman. Pero saan mo gagamitin ang gitara?”
“May ilang lines ng kanta kasi akong naisulat, gusto ko sanang lagyan na ng cords.”
Natuwa si Marie. “Talaga, nagko-compose ka na uli?”
“Yeah. Sinusubukan ko.”
“That’s good. Pero bakit bibili ka pa ng gitara kung hindi ka naman magtatagal dito. May spare acoustic guitar ako sa bahay. Papahiram ko na lang sa ‘yo para makabawi naman ako sa pag-ayos mo ng laptop ko. Kunin mo na lang sa bahay bukas ng umaga.”
“All right. Thanks!” nakangiti nitong sabi. 

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRWhere stories live. Discover now