Chapter Eleven

6.4K 120 11
                                    

NAKANGITI at tahimik na pinapanood ni Marie ang reconciliation ni Noah at ng daddy nito.
Habang nasa biyahe sila kanina, ikuwento sa kanya ng boyfriend niya kung bakit bigla nitong ginustong makipagbati sa ama. Noong gabing ipinaalam daw ni Noah sa mama nito ang tungkol sa kanya at sa business proposal ni Jared, nagkaroon daw ng pagkakataon ang mag-inang pag-usapan si Mr. Lafferty.
Nalaman dawn i Noah na hindi naman pala ito tuluyang pinabayaan ni Mr. Lafferty noong ipinadala ang boyfriend sa Pilipinas. Ang akala ni Noah, tumigil sa pagsustento si Mr. Lafferty at ang mama nito ang mag-isang nagtaguyod dito at kay Natalie. Iyon pala, tumigil lang sa pagsustento si Mr. Lafferty noong pinagbawalan ito ng mama ni Noah dahil naka-graduate na ang huli. Si Mr. Lafferty rind aw ang bumili ng bahay ng mag-iina. At noong matagal na naospital si Natalie, tumulong din si Mr. Lafferty.
Pagkatapos humingi ng tawad sa isa't-isa ang mag-ama, pormal na ipinakilala ni Noah si Marie sa daddy nito bilang girlfriend. At mainit namang tinanggap ni Mr. Lafferty si Marie.
Nagsalo sila sa masagana at masayang hapunan pagkatapos.
Nagkakape na sila sa sala nang isang tseke ang iniabot ni Mr. Lafferty kay Noah. Tulong daw nito para sa negosyong bubuksan ni Noah at ni Jared.
"Tanggapin mo na, Kuya. Tinulungan din naman ako ni Daddy noong buksan ko ang Submarine," panghihikayat ni Martin nang magdalawang–isip si Noah. Tinanggap na lang ni Noah ang tseke.
Umalis din ng gabing iyon si Martin para magpunta sa New York. Habang sina Marie at Noah ay doon na nagpalipas ng gabi. Kinabukasan, isinama naman ni Marie si Noah sa bahay ng parents niya. Tulad ni Mr. Lafferty, mainit din ang pagtanggap ng mga ito kay Noah.
"I thought my daughter was a tomboy," biro pa ni Mr. Hautesserres.
"Daddy naman, eh," maktol ni Marie at yumakap sa baywang nito. Pero nagulat siya sa sunod na sinabi ni Noah.
"With due respect, Sir, Ma'am, I would like to marry your daughter when the right time comes," buong tapang nitong sabi. 
Nagulat din parents ni Marie. Pero ngumiti ang mga ito at ibinigay ang basbas kay Noah.
Buong araw na nanatili sa LA sina Marie at Noah. Namasyal sila kasama ng parents ni Marie. At pagsapit ng gabi, bumiyahe na sila pabalik sa Portland.
Sa pagkadismaya ni Marie, inilipat ni Noah ang mga gamit nito sa bahay ni Martin. Tinanggap pala nito ang alok ni Martin na tumira sa bahay ng kapatid.  Naibigay na ni Martin ang susi kay Noah bago nagpunta sa New York.
The following days were smooth sailing. Walang araw na hindi sila masaya at halos palagi silang magkasama ni Noah. Pero pagkalipas ng isang buwan, umalis uli  si Noah at iniwan si Marie. Nakatanggap kasi ang lalaki ng long-distance call mula sa mama nito. Nasa ospital daw si Natalie at malubha ang kalagayan.  

AWANG-AWANG hinaplos ni Noah ang pisngi ni Natalie. His sister looked pale in her sleep. Hindi maganda ang kondisyon ng kapatid niya. According to her doctor, she needed a heart surgery.
Ang kuwento ng mama nila, tila nagrebelde si Natalie dahil sa pag-alis niya. Ilang concert at matataong lugar ang palihim nitong pinuntahan. Nalaman lang iyon ng mama nila nang ikuwento ng kaklase ni Natalie. Ang nasabing kaklase ang kasama ni Natalie nang mag-collapse ang kapatid niya sa isang mall habang nanonood ng mall show ng paborito nitong artista.
Hindi niya maiwasang ma-guilty ni Noah dahil sa ginawang pag-iwan sa kapatid niya.
Mayamaya, dumilat si Natalie. Agad namasa ang mga mata nito nang makita siya. "Kuya, I'm sorry, hindi ako nakinig sa utos mo," sabi nito sa mahinang tinig.
"Hey, huwag ka nang umiyak. Maakakasama 'yan sa 'yo." Pinahid niya ang mga luha nito. "Be strong, okay? Nandito kami ni Mama para sa 'yo."
Tumango si Natalie. Tinitigan siya nito. "Mukha ka nang monster, Kuya."
Napahawak si Noah sab albas. "Hindi ba bagay sa akin? Ang sabi ni Marie, guwapo pa rin naman daw ako, ah."
Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya. "Ang sabi ni Mama, close na raw kayo ni Marie. Totoo ba 'yon, Kuya?"
"That's true. In fact, she's my girlfriend."
"Weh?"
"I'm not joking." Inilabas ni Noah ang cell phone para ipinakita sa kapatid niya para ipakita ang mga video at pictures nila ni Marie.
Ngumiti si Natalie nang maluwang nang makimpirmang totoo ang sinasabi niya. Bigla itong sumigla at sunod-sunod na ang pagtatanong tungkol sa kanila ni Marie.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHROnde histórias criam vida. Descubra agora