Chapter Five

3.4K 68 0
                                    

NANG sumunod na Sabado, nagpunta sa Real Hour Ministries si Marie para dumalo sa worship na ginaganap twice a month. Usually, una at ikatlong Sabado ng buwan tuwing alas-tres ng hapon. Gumagawa talaga siya ng paraan para makauwi sa Portland at makadalo kahit man lang isang beses sa isang buwan. Nitong nakaraang buwan lang niya hindi nagawang makauwi dahil sa Asian at Middle East tour ng Evernation.

Sandali munang pakikipagkuwentuhan si Marie sa mga kaibigan bago nilapitan ang Real Hour choir. She was still a member. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang naroon din si Noah kausap nina Lucas, Rick at Pastor Perry.

Umaliwalas ang mukha ni Pastor Perry nang makita siya. "'Glad to see you again, Marie." Uncle ni Martin ang fifty-five- year old Filipino-American pastor. Ito ang tumatayong worship leader nila at founder ng Real Hour Ministries. Isa rin itong high school teacher.

"Same here, Pastor Perry," nakangiting sagot ni Marie at yumakap dito.

"I'd like you to meet my nephew, Noah," pakilala ni Pastor Perry.

"Magkakilala na kami," nakangiti niyang sabi.

"Hi, Marie," nakangiting bati ni Noah.

"Hello," nakangiti rin niyang bati.

"Right timing ang pagbabalik mo rito, Marie," sabi ni Rick. "Like last year, iniimbitahan uli tayong tumugtog sa isang charity concert kasama ng iba pang church group sa Northwest.

"Talaga? Maganda 'yan. Pero kailan ba? Hindi pa ako puwedeng tumugtog, eh."

"It's okay. You'll just sing. Two weeks pa naman bago ang concert, at pabalik na sina Spencer at Richard," tukoy ni Rick sa magkapatid nilang kaibigan na parehong Hollywood actors at businessmen na miyembro ng Real Hour band.

"Okay." Inabot ng keyboardist nilang si Lucas kay Marie ang setlist ng kakantahin nila.

Tumango-tango si Marie nang makita ang mga kanta. She knew all of the worship songs, ang iba ay mga kanta ng Evernation. Hindi na nila kailangang mag-practice dahil ilang beses na rin nilang kinanta at tinugtog ang mga iyon.

Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang worship. It started with a prayer led by Pastor Perry. Pagkatapos ay kumanta at tumugtog na ang Real Hour band. Nang oras na ng Bible study, winelcome ng lahat si Noah na nakaupo sa silya sa ikalawang row, katabi ni Jared. Winelcome din si Marie na sa wakas ay bumalik na sa Portland. Nakaupo siya sa harap, katabi sina Luke at John.

Mahigit isa't kalahating oras din ang itinagal ng worship. Karaniwan pagkatapos ng worship, hindi pa sila agad umuuwi. Nagkanya-kanya silang ng umpukan, nagkukuwentuhan o kaya nagja-jamming.

Habang kausap ni Marie si Pastor Perry at Tracy, nakita niya si Noah na tumitipa ng gitara. Alam niya ang kantang tinutugtog nito. Nagpaaalam siya sa mga kausap at nilapitan si Noah. "'If You and Me' 'yan, 'di ba?" nakangiti niyang tanong.

Nagtaas ng tingin si Noah at ngumiti. "Yeah. It's your song. Nagustuhan ko siya noong kantahin mo sa concert. It's been stuck on my mind for a month now. It actually changed me in some ways. I became appreciative and thankful to God in everything He does for me."

"'Glad you liked it." Ganoon din ang naramdaman niya nang isinulat niya ang kanta.

"Hey, would you like to sing?"

"Sure. Is it okay kung 'If You and Me'?"

Ngumiti nang maluwang ang lalaki. "All right. 'You and Me.'"

Humila ng silya si Marie at naupo sa tabi nito.

Nag-umpisang tumugtog si Noah. Kumanta si Marie at pagdating sa chorus ay sinabayan siya ng lalaki.

If You And Me Are Meant To Be - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon