B2- Teen Lust (Amyltary)

82 17 6
                                    

📕Requester: Amyltary
📕Title: Teen Lust
📕Critic Mentor: Critic Mentor Kent Teacher_Sage02

➡️Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan.

➡️Nawa'y makatulog ako upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan.

➡️1-5 chapters lang ang pinagbasehan ko ng critique na ito. Wag sanang dibdibin ng sobra.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover

Maganda ang ambiance ng cover mo. Bagay sa plot, bagay sa personality ng character at bagay sa napili mong genre. Kaso yung font parang hindi bumagay sa ambiance ng cover. But I think, okay lang naman kasi may mga dark secrets din naman yung apat kumbaga it symbolize their dark side.

💥Title

Yung gamit mong title ay medyo 50/50 ang desisyon ko kung cliche ba o hindi. May aspect kasi na maaaring unique siya at may aspect na hindi. Parang doble meaning kasi ang impact niya sa akin

💥Opening

Okay, I'm a bit curious to your opening. Maganda at kaakit-akit basahin (lol 😂😂) maikli lang pero malaman. Kaso nga lang sana pinaghiwalay mo yung sa first part which is yung disclaimer at yung mismong prologue mo. Maganda rin yung part na isa-isa silang may sinabi doon.

💥Conflict

Okay, umiikot ang storya mo sa apat na lalaking may iba't-ibang katangian. At ang mga sumasalamin sa kabataan ngayon. I get the conflict. Nakakatuwang basahin kasi napaka-relatable ng bawat scene.

💥Plot

Bago sa paningin ko ang ganitong storya. You're quite good in humor. Napaka-natural ng daloy ng plot at unpredictable ang susunod na mangyayari.

💥Setting

Medyo nawawala ito sa buong storya mo. Hindi mo napapagtutuunan ng pansin. Kailangan mong i-describe ang itsura nang lugar hindi yung sasabihin mong nasa bahay siya ni ganyan, nasa school sila at what. Ang tanong anong itsura ng school? May garden ba? May gymnasium ba? May statue ba sa gitna katulad ng sa up? May malawak na field? Yung bahay ng kung sino man sa apat. Malaki ba? May garden? May garahe? Anong kulay ng bahay? Yung ambiance?

Dapat mo itong pagtuunan ng pansin para makadagdag sa imagination ng readers mo.

💥Characterization / Dialogue / Point of View

Madali kong malaman kung sino si Wil, si Vander, si Jeth, o si Herly ba ang nagsasalita. May sari-sarili kasi silang mannerism, personality at way ng pagpasok ng dialogue kaya madali lang ma-identify ang bawat character.

💥Show versus tell / Format of the text / Grammar and spelling

Nabasa ko na ito 2 months ago (I think?) At masasabi kong may nag-improve sa way ng pagkakasulat niya. Nag-edit ka ba? Pansin ko kasi na yung dati mong mali (capitalization and punctuation) ay napaltan. Hindi ko na ito i-elaborate since napaka-minimal lang ng mga technicalities mo at maayos ang grammar mo.

💥Style

Hanga ako sa'yo. Mahirap gumawa ng humor story. Na-try ko na once pero sumuko ako dahil sobrang pilit kung babasahin. Parang natural lang ng mga humor mo. Napapatawa pa ako at minsan ngingiti na lang habang nagbabasa. You're quite good in making humor stories so good job.

💥Conclusion (strenght and needs improvement):

Yung settings mo lang talaga ang problema at mga misspelled pero over all masasabi kong maganda ang storya mo.

💥Rating 4.5

5 Excellent
4 Above Average
3 Average
2 Below Average

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from critic mentor Kent.

Pasensya na kung natagalan ang critique na ito. Medyo busy kasi yung critic mentor na napili mo. At pinaki-usapan niya ako dito. Medyo busy rin ako nung nakaraang linggo kaya sorry. I hope makatulong.

Posted by:
¤Founder Seb.¤

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2 - FULL]Where stories live. Discover now