B2-Malaya Ka Na (Annica_Samonte)

44 2 1
                                    

📗Requester: Annica_Samonte
📘Title: Malaya Ka Na
📙Critique Mentor: Grey MissReferee

-Nakatala sa ibaba ay akin lamang hinuha.
-Magkomento na lamang sa mga hindi maintindihan o kung may dapat linawin.

💥Book Cover:
- Para sa 'kin, 'yong background naman ay cute. Simple lang siya pero ang gaan sa pakiramdam. 'Yong parang kapag nabasa mo 'yong title then makikita mo 'to ay parang konektado sila.

-Hindi lang naging tugma 'yong fonts mo. Too simple at hindi siya nakaka-attract.

💥Title:
-Too common na pero may kanya-kanya naman tayong utak at isip para makabuo ng kakaibang plot na iba sa kanila. Just do your best and be unique.

💥Opening
-A story worth reading?

-Paano mo nasabi? Dapat ang magsasabi niyan ay ang mga readers, why? Kasi sila ang nagbasa, sila ang nakakita ng kagandahan o sabihin nating halaga ng pinaghirapan mo. So, always do your best po. Paano mo nasabing worth? Dapat naglagay ka ng summary or descriptions, mga paunang salang kumbaga. Para maengganyo 'yong mga mambabasa na basahin ang akda mo.

-Synopsis. It is good. Siguro ang thrill dito kapag binasa ay 'yong kung paano niya kakalabanin ang kagustuhan ng sarili niyang ama.

💥Conflict
-Hindi ko pa makita ang conflict, and 'yong mga chapters still not enough para makita talaga 'yon kasi ang naiisip kong conflict ay 'yong ipaglalaban siya ni Travis, then 'yong kasal na nalalapit. Pero kasi nasa last update mo na aayusin na ni Travis 'yong mga katarantaduhan niya. Which is makikipaghiwalay na siya kahit mahal niya si Venice, then 'yong dad ni Venise ay nakakahalata na rin 'so may imbestigahan na mangyayari.'

-So, kung pagsusumahin, ang pwedeng maging conflict dito ay 'yong pagiging sunod-sunuran si Travis sa tatay niya.

💥Setting
-Maayos naman namin itong nabi-visualize kaya wala na akong masasabi pa.

💥Characterization/ Dialogue/ Point of View/ Plot
-Hindi pa masyadong nahubog ang characterization para sa lahat. Si Travis wala pa siyang gaanong part, ang alam lang namin babaero siya. Except d'on sa nagkaroon na siya ng part sa kwento, kaya nag-iwan iyon sa amin ng malaking katanungan. Si Ian naman, hindi ko alam kung anong personalidad ang mayroon siya, especially noong naghiwalay sila nung dyowa niya. Naging emo siya at ngayong nakilala si Venice ay nagbago. So, anong nangyari? Bakit nagkaganoon? Ganoon kabilis?

-And 'yong mga extra lang ay same lang ang napi-feel ko. Nalito din ako kay Cole, actually akala ko babae siya kasi wala ka namang nabanggit na kung ano man para makapagsabi na lalake siya or hindi ko lang talaga nabasa? I don't know, pero remind me please kung mayroon man. May mga names kasi na pwede in both sides, kaya kailangan po nating maging maingat d'on.

-Medyo 'para sa akin ha' hindi naging convincing ang kissing scene nila. Like, oo nga attracted sila sa isa't-isa 'kasi nga, magaganda't gwapo sila' but, ang bilis naman yata? Ano 'yon? Tawag lang ng laman? Naalala ko naiyak pa nga siya n'ong nag-usap sila sa kwarto ni Travis eh. Well honestly, madali ring mapansin sa kwento na malakas ang hatak nitong katawan ni Ian kay Venice. Naaakit siya palagi.

-Nalito lang din ako sa feelings na mayroon siya. Ang bilis niyang maattrack, ang bilis tumulo ng luha niya dahil kay Travis pero nasabi naman na niya na nafell out of love na siya, so anong point ng luha? Medyo okay pa 'yong sa opisina pero questionable na 'yong nag-usap sila kinagabihan sa farm.

-Pero ito talaga 'yon. Mahirap tingnan ang bawat karakter nila kung always the same lang ang typing na'tin. I mean, 'yong way ng narrating mo. Lalo na't THIRD PERSON ang gamit mo, so ang labas pare-parehas lang talaga. Walang spark, kasi kung paano ka magnarrate sa part ni Venice ganoon ka rin sa iba.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2 - FULL]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora