B2- Smoke City (BangtanFan9513)

56 15 1
                                    

📕Requester: BangtanFan9513
📕Title: Smoke City
📕Critic Mentor: Critic Mentor Kent Teacher_Sage02

➡️Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan.

➡️Nawa'y makatulog ako upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan.

➡️1-5 chapters lang ang pinagbasehan ko ng critique na ito. Wag sanang dibdibin ng sobra.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover

Tatapatin kita. Your cover is not fitted to your story and genre. Napakalayo nito at walang connection. Fantasy ang genre mo, so it means your  cover MUST BE MAGICAL. Plus yung title mo ay smoke city. Parang ordinaryong picture ng gubat ata yan na nilagyan ng fonts para magmukhang cover. Try to find some graphic shop para magawan ka ng cover.

💥Title

Hindi na bago sa akin ang title na ginamit ay yung lugar na pagdadausan ng buong storya. Like mga academy titles. Medyo overused na kasi at minsan nakakasawa na. Remember, ang title ang isa sa mga tinitingnan ng readers sa pagpili ng librong babasahin. Kung may unique kang title, malaki ang chance na piliin na kanila.

💥Opening

I don't get the part about the video. May kinalaman ba yung content non sa storya? Kung wala please remove it. Plus yung way ng pagpapakilala mo sa mga cast. I don't get, why do you need to use first person? Gawin mo na lang formal. Like this:

(Portrayer) as PRINCESS ARRELLE INTAL

Simple as that. Kung may iba pang info na gusto mong iparating sa kanila, let your readers discover it. Matatalino ang mga readers mo, they can figure it out on their own. Plus you don't have prologues. Yung blurb mo naman may medyo nag-revealed na kaagad ng conflict at twist mo. Tanggalin mo na lang yung part na teka... Muling umibig? Bakit? Nabuhay na ba siya dato sa smoke city at umibig? Masyado kasing revealing ang part na iyan. Magkakaroon kaagad ng idea na may reincarnation twist sa story mo.

💥Conflict / Plot

Hindi ko ma-gets ang daloy ng buong storya mo. Yung conflict masyadong matagal ipinakilala. Plus yung pagpapakilala mo pa masyadong mabilis. Pasensya na pero medyo magulo talaga parang wala sa tamang flow.

💥Setting

Hindi mo napagtuunan ng pansin ang part na ito. Nung napunta nga siya sa smoke city parang nasa normal lang sila na lugar. Wala akong maramdamang magical. Kulang patj time pacing hindi ko maintidihan. May part ba first day tapos biglang may part na gagala sila. Tapos nagkaroon kaagad ng groupings.

Sa first week ng school lalo na kung junior high ka pa lang puro mga individual activity yan at iisa pa lang ang teacher. Diyan pa lang kasi fini-fix ang schedules. Madalas din na puro pagpapakilala at mga activity na tungkol sarili. Plus may science quiz bee kaagad? First week pa lang. Dapat mga two months pa aftet ng first day ang science quiz bee. Napaka-imposible nang mga nangyayari kung nasa earth pa sila.

💥Characterization

Masyadong over crowded ang cast to the point na hindi mo na mapanindigan. Wala silang sariling boses. Kung tatanggalin mo yung mga pangalan nila hindi mo na malalaman kung sino ang nagsasalita. Walang pinagkaiba ang bawat character maliban sa pangalan.

💥Dialogue

Para akong nagbabasa ng script. The way how you construct the dialogues are not right. Masakit sa mata. It was not totally consider as a real dialgoues kasi pang-script nga. Try to use "sabi ko, sabi niya. Ani ko, aniya, sambit niya, sambit ko" para maging formal. Pakitanggal din ang dash (-) kasi hindi naman ito script.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2 - FULL]Where stories live. Discover now