EIGHT: The Empty Room and The Possesive Kisser

501 91 0
                                    

Nasa harapan ako ngayon ng salamin at pinagmasdan ang aking mukha. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang inaayos ang aking sarili. Habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon ay nadapo ang tingin ko sa aking labi. Hinawakan ko ito gamit ang aking daliri. Hindi parin mawaglit sa isipan ko ang ginawa sa akin ni Marcus. Hanggang ngayon ay nararamdaman parin ng labi ko ang labi niya. Ipinikit ko ang aking mata at pinipilit na tanggalin sa ala-ala ko ang nangyari. Pero mas lalo lang itong lumala. Dahil tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang imahe niya.

Kinuha ko ang nakasampay kong uniform sa aking walk-in closet. Inilapag ko ito sa kama at nagsimulang magbihis.

I'm now wearing a white long-sleeves blouse with navy blue vest and tie, matched with my navy blue skirt and black shoes.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. Sa kusina, nadatnan ko si mommy na nagbabasa ng magazine at si Sofie naman ay abala sa pagkain ng kaniyang pancakes, yung ibang syrup nagkalat sa mukha niya. Napangiti nalang ako. Humalik ako sa pisngi ni mommy at ni Sofie bago umupo sa mesa kug nasaan ang mga pagkain.

Habang kinakain ang aking pagkain, nag ring ang ipad ni mommy. Tinignan ko ito at nakita ang pangalan ni Daddy. He's calling. Kinuha ni mommy ang ipad at itinayo ito sa mesa. Pinindot niya ang tawag at nag flashed sa screen ang mukha ni Daddy. Lumipat ng pwesto si Sofie at nagpunta sa tabi ni mommy. Ganun rin ako, tumayo ako sa aking kinauupuan at humarap sa camera ng ipad para makita si daddy.

"Hi daddy. I really, really miss you na po," sabi ni Sofie at nag pout.

"I miss you too baby. Kamusta na kayo diyan? Kamusta na ang tatlo kong angels? Miss na miss ko na kayo," sagot ni daddy mula sa kabilang linya.

"Okay naman kami honey. Ikaw, kamusta ka na diyan? Hindi ka ba nagkakasakit? Alagaan mo 'yang sarili mo ha lalo pa't wala kami diyan para alagaan ka," sagot ni mommy.

"Oo nga daddy. 'Wag puro trabaho dapat magpahinga ka rin po," sabi ko at nginitian si daddy.

"Daddy kailan ka uuwi dito sa bahay? Miss na talaga kita," sambit ni Sofie, tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang pagkaulila.

"I have a good news. Next week we are going on a trip," sabi ni dad na may kagalakan sa kaniyang boses.

"Paano daddy? Hindi ba? So? Uuwi ka daddy? Oh my G! seryoso ka dad?" Nabuhayan ako ng loob at nasayahan sa sinabi ni daddy.

"Sigurado ka bang uuwi ka honey? Paano na ang work mo dyan?" Tanong ni mommy.

"Nag leave ako sa work for vacation at sa susunod na linggo na ang flight ko papuntang Pilipinas. Inihahanda ko na pala ang trip natin. Napagplanuhan ko na dalhin kayo sa boracay."

"Boracay? Yessss! We are going to the beach," sabi ni sofie na tumatalon na ngayon sa kaniyang lugar.

"By the way kailangan ko nang magpaalam, tatawag nalang ako ulit need ko na kasing pumasok sa work. Mag-iingat kayo diyan ha. Bye," Pamamaalam ni daddy.

Nagpaalam rin kami, si sofie ay kumaway pa at nag flying kiss kay daddy. Natawa naman kami at pagkatapos ay pinatay ang tawag.

.....

"Kamusta ang date niyo ni Marcus my lovely friend?" Sambit ni Amber na ikinagulat ko dahil bigla-bigla nalamang siyang sumusulpot sa aking harapan.

"Baliw." Binatukan ko siya."Hindi nga sabi kami nag date. Gumawa lang kami ng project sa bahay nila."

Napahinto siya sa paglalakad.

Believing Lies Where stories live. Discover now