NINETEEN: Mahaba, Matigas, Maumbok at Ang Ungol

298 42 6
                                    

"Ayaw ba talagang mabuksan, Marcus?" I asked.

"Ayaw eh," he said and tried twisting the doorknob for several times.

Pumunta ako sa harapan niya at sinubukang buksan ang pinto pero ayaw nitong bumukas. Paano na niyan? We were locked!

"Wait, susubukan kong tawagan si Amber," sabi ko at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

I opened my phone pero nadismaya ako nang mag-appear sa screen ang 'battery low'. It suddenly went black at wala na akong nagawa at ibinalik ito sa aking bulsa.

"Sirain na kaya natin itong pinto?" Ani Marcus at humarap sa akin.

"Ha? Are you crazy? Kung ginawa mo 'yun siguradong maririnig tayo ng kabilang room. Dagdag pa yun sa atraso natin," I stated.

"Then what are we going to do?"

"Pahiram ng phone mo," sabi ko at inilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"Why?" Tanong niya.

"Lend me your phone. Tatawagan ko si Amber para matulungan niya tayong makalabas."

Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at inabot sa akin.

"Password?" I asked as I tried to open his phone but it needed a code.

"0-3-0-9-0-2" isa-isa niyang sabi.

Ginamit ko ang pin na sinabi niya at agaran namang nagbukas ang phone. Pero nagulat ako sa wallpaper niya.

"Marcus. Why did you use this as your wallpaper?" Tanong ko sa kaniya.

"Because you are pretty," sagot niya.

Natatandaan ko, ito yung picture na kinunan niya sa akin nung nasa rooftop kami ng mall.

"I'll change it," sabi ko at sinubukang palitan ang wallpaper niya.

Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko.

"No, maganda ka naman dito eh."

"Maganda? Saan banda? Eh ang laki ng pisngi ko diyan tapos nahangin pa yung buhok ko," sagot ko at nagpout.

"No! If you want picturan mo rin ako, tapos gawin mong wallpaper," aniya at tinaas baba pa ang kilay.

"Tsss." I mouthed.

"Fine! Akin na ulit yang phone mo. Hindi ko pa natatawagan si Amber."

"Baka idelete mo picture mo?" Tanong niya.

"Hayss. Hindi na," sabi ko at inabot ang phone niya.

"Promise me," aniya at tinaas sa kamay niya ang phone na pilit kong inaabot.

"Just give me your phone," agaran naman niyang inabot sa akin ang cellphone niya.

For the nth time bumungad nanaman sa akin yung mukha ko sa wallpaper niya. Pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagpunta sa call application at dinial ang number ni Amber.

Believing Lies Where stories live. Discover now