TWENTY THREE: The Prankster and The New Lovers

229 24 7
                                    

Mabilis akong pumanhik pababa ng hagdan. Nakita ko si mommy na nasa dining table, naghahanda ng pagkain.

"Anak saan ka pupunta? Dinner's ready," wika ni mommy.

"Mum, K-kailangan ko pong pumunta sa kaklase ko. We need to finish our report tonight," pagsisinungaling ko at patakbong naglakad palabas ng gate.

Tinakbo ko ang daan palabas ng subdivision namin at nagtawag ng tricycle sa tabi ng kalsada. Malapit lang ang condo ni Marcus mula rito sa subdivision kaya mabilis lang akong makakarating ro'n.

Nang makarating ako sa harap ng building ng condo ni Marcus ay patakbo akong nagpunta sa elevator at pinindot ang floor ng room niya.

Sinusubukan kong tawagan yung number na tumawag sa akin pero hindi siya sumasagot. Ibinulsa ko ang phone ko at lumabas sa elevator nang bumukas ito ng malaki.

Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ng room ni Marcus ay pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa loob. Wala rin akong kasiguraduhan kung ayos lang ba siya. Dahil sa kaba, ay hindi ko na maiwasang maluha sa mga bagay na iniisip ko.

Pinunasan ko ang mga luhang nagbabadya sa mata ko at humarap sa pintuan ng condo ni Marcus. Wala akong lakas ng loob para buksan ang pinto. Nanatili lang akong nakatindig sa harapan ng pintuan at pinakalma ang aking sarili bago ito katukin ng malakas.

Ilang ulit kong kinatok ang pinto hanggang sa marahan itong bumukas. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin ang madilim na kwarto ni Marcus.

Bago pa man ako humakbang papasok ay may humila sa dalawa kong kamay at nilagyan ng piring ang mata ko. Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong mabigat ang mga kamay nila.

"B-bitwan niyo ako!" Pagpupuniglas ko sa mga nakahawak sa akin.

Pinaupo nila ako sa isang upuan at hinawakan ako sa balikat para hindi ako makawala.

Itim lamang ang tangi kong nakikita dahil sa piring na nasa mata ko. Sinusubukan kong tumayo pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin.

"M-marcus? A-ayos ka lang ba?" Wika ko. Pero walang sumagot.

"Saan niyo dinala si Marcus?!" Sigaw ko. Pero wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

"M-marcus!?" Pagtawag ko. Hindi ko na napigilan ang mata ko na magbuhos ng mga luha dahil sa kaba at takot.

Hanggang sa napansin ko ang pagtindig ng isang lalaki sa harapan ko. Unti-unti niyang kinalas ang piring na nasa mata ko pero nanatili lamang akong nakapikit.

"Open your eyes," wika ng malamyos na boses sa tenga ko.

Unti-unti kong binuksan ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Marcus.

Mabilisan akong tumayo sa pagkaka-upo ko at niyakap siya... ng mahigpit. Ibinaon ko ang mukha ko sa kaniya at nagpakawala ng mga hikbi.

"A-ayos ka lang ba Marcus?" Tanong ko. Hindi parin ako kumakawala sa pagkakayakap sa kaniya.

Habang yakap ko siya ay bigla nalamang siyang tumawa ng malakas. Tinignan ko ang mga lalaking nasa gilid namin at nagpalakpakan silang lahat.

"A-ano 'to M-marcus?" Tanong ko dahil naguguluhan parin ako.

At siyaka ko lang napagtanto ang lahat. Set up lang ba ang lahat ng ito?

"M-marcus sinet up mo lang ba ako?" Lumayo ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinaghahampas siya sa  kaniyang dibdib.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang walang nangyaring masama sa kaniya.

"Boys, Open the lights," sabi ni Marcus sa mga lalaking nasa gilid namin.

Believing Lies Where stories live. Discover now