TWENTY NINE: I Miss My Dad

145 41 1
                                    

"Y-your dad, Riley."

"What happened to dad, mom? Why do you have to leave urgently?" I asked, confused.

Mum took a deep sigh and wiped her tears. She faced me and started to talk, " K-kailangan kong umalis ngayon anak dahil kailangan ako ng daddy mo sa france. M-may cancer and daddy mo at kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya. A-ayaw ko namang hayaan na mag-isa lang ang daddy mo roon anak."

"C-cancer?" Hindi ko maipinta ang reaksyon na nabuo sa mukha ko. I was astounded. Hindi ko namalayan na may umaagos na palang likido sa aking mata.

"M-mum s-sasama ako," sambit ko at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto para sana kumuha ng gamit. Pero hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Anak. Sorry pero kailangan niyong maiwan ni Sofie. Ayaw ko namang maudlot ang pag-aaral niyo. Lalo ka na, buwan nalang at graduate ka na. 'Wag mo na akong alalahanin dahil kaya kong alagaan ang dad niyo. Ang yaya niyo muna ang bahala sa inyo, ibinilin ko na kayo kay Aling Susan."

"Pero mun," I stated but she cut me off.

"Anak, babalik rin ang mommy. At sa pagbalik ko maayos na ang kalagayan ng dad mo. Huwag kang mag-alala, magiging ayos rin ang lahat. Kasama natin ang panginoon."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko si Mum... ng mahigpit.

"Mag-iingat ka po mum. Ipagdadasal ko po ang kaligtasan niyo at ang agarang paggaling ni Dad."

Humiwalay si mommy sa yakap at pinunasan ang aking mata.

"I have to go. Maiwan ko na kayo, anak. Alagaan mo ang kapatid mo habang wala ako ah at tatagan niyo ang loob niyo. Iwasan niyo rin ang magkasakit dahil wala ako para alagaan kayo. Mahal na mahal ko kayo," ang wika ni mum at pilit na ngumiti.

Nakalipad na si mum papuntang france at dalawa nalang kami ni Sofie ang naiwan dito sa bahay, kasama ang mga katulong namin.

Dahil wala si mum, sa kwarto ko natulog si Sofie. Pagkagising ko ay ginising ko na rin ang kapatid ko para makapag-ayos na siya sa pagpasok niya. Patuloy parin ang pagtatanong niya kung saan nagpunta si mum at ang dahilan ko nalang ay pinuntahan niya si dad para tulungan sa business namin. Hindi ko sinabi ang totoo dahil ayaw kong mag-alala rin ang kapatid ko.

"Bakit umalis si mum? Hindi man lang niya ako ginising kagabi ate," tanong ni Sofie habang naka-pout ang kaniyang labi.

Yumuko ako para pantayan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian.

"Huwag ka na mag-alala baby Sofie. Pinuntahan lang ni mum si Dad para tulungan siya sa business natin. Siguro sa susunod na araw nandito na ulit si mommy. Ayaw mo ba 'yon? Pagdating niya may pasalubong tayo. Maraming-maraming chocolates."

"Talaga ba ate? Sabihin mo rin kay mommy na bilhan niya ako ng toys ha."

"Oo naman. Kaya ikaw magbihis ka na at magpakabait ka sa school para pagdating ni mommy ay may pasalubong ka." Nginitian ko siya at pinirmi ang sarili ko na 'wag bumigay dahil kabaliktaran ng mga sinasabi ko kay Sofie ay ang nangyayari kay dad.

Kahit na mahirap, pinilit kong magpakatatag at pinagdasal ko nalang ang kalagayan ni dad. Gustuhin ko man siyang puntahan pero tama si mum, priority rin namin ang school at pag-aaral.

Nang makabihis, ay si Aling Susan na ang sumama at naghatid kay Sofie sa school. Habang ako naman ay napagpasyahan kong mag-bus nalang.

Pagkabukas ko ng gate ay isang motorsiklo ang bumungad sa aking harapan. Hindi ko inasahan ang pagdating niya dahil sa pinagkasunduan namin na hindi kami pwedeng magkita, dahil iyon ang parusa niya.

Believing Lies जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें