SEVENTEEN: Walang Kasal na Magaganap!

296 33 0
                                    

"M-marcus," pagtawag ko sa pangalan niya. Ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Kanina habang naglalakad ako ay bigla nalamang sumulpot ang prisensya ni Marcus sa harapan ko at hinila ako hanggang sa makarating kami sa rooftop ng isang building sa school. Hindi siya nagsalita, at nagulat nalamang ako nang bigla niya akong hinila papalit sa kaniya at niyakap... ng mahigpit.

"M-marcus," I spoke again, voice was merely soft. Pero hindi parin siya lumalayo sa pagkakayakap sa akin.

Masasabi ko na kahit papaano ay napagaan ng nakayakap na katawan ni Marcus ang katawan ko. Bahagyang nawala ang lamig sa sistema ko at napalitan ito ng init.

"Just let me hug you for a moment," He said. Pero bakit parang may lungkot sa boses niya?

"A-are you okay?" Tanong ko sa kaniya.

He just nodded. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin. Hinayaan ko lang siya.

"Okay lang ako, Riley. Hayaan mo lang akong yakapin ka sandali," saad niya at mas ibinaon ang mukha niya sa balikat ko.

Ilang sandali pa at lumayo na siya sa pagkakayakap sa akin. Tinignan ko ang mukha niya at bakas sa kaniya ang lungkot. Nababasa ko mula rito na may problema siya. Pilit siyang ngumiti sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.

Sa kanang mukha ni Marcus, sa itaas na bahagi ng pisngi niya, napansin ko ang isang pasa.

"Napano 'yang mukha mo, Marcus?" Sinubukan ko itong hawakan pero inilayo niya ang kaniyang mukha at hinawakan ang kamay ko.

"Wala ito," pagsisinungaling niya. Alam kong may dinadala siya sa loob niya na hindi niya mailabas.

"Marcus, tell me. Makikinig ako," sabi ko at hinawakan siya sa kamay.

He closed his eyes and took a deep sigh.

"Fuck it all!" He yelled. His expression began to changed. Sinusubukan niyang ilabas ang galit niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Riley. They fooled me. It was all lie," sabi niya. His eyes began to grow red as he tried to fight back his emotion.

"A-ano bang nangyari?" Tanong ko sa kaniya, my soft voice spoke my concern to him.

Pagabsak siyang umupo sa bench na nasa likuran namin. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at napansin ko ang sugat sa bukong, sa likod ng kaniyang kamay. Namamaga ito at halatang ginamit niya itong pansuntok sa matigas na bagay.

Lumapit ako sa kaniya at tumabi sa kinauupuan niya.

"Tell me," sabi ko at hinawakan ang likuran niya para pakalmahin siya.

..............................................

Marcus' POV

Pagkalabas ko sa pintuan ng CR ay tumunog ang cellpone ko na nasa ibabaw ng sofa. Itinigil ko ang pagpunas sa aking buhok at sinabit ang twalya sa balikat ko.

Binuksan ko ang cellphone at tinignan ang notifications ko. I scrolled down until I saw my dad's name on the screen.

Ano nanamang kailangan nito?

Umupo ako sa sofa at binuksan ang message niya.

Dad- 6:15 pm
How are you son?
I hope you are doing great.

Pumunta ka dito sa bahay mamayang 8:00. We will have a dinner tonight.

Don't tell your mom.
I need your presence, I have a very special and important announcement later.

Believing Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon