Seven

14.6K 447 20
                                    

TATLONG ARAW mula ng matapos ang kasal ng anak ni Aling Krising. Nagpaalam si Andres na bababa ito sa bayan para makipag usap sa chief nito.

Pero dalawang araw na ang nakakaraan hindi pa din siya bumabalik. Nag-aalala na ako at the same time iniisip na baka iniwanan na niya ako dito.

"Blaire"tawag sakin ni Nina.

Kapitbahay namin, na naging close ko na. Hindi kasi kami nagkakalayo ng edad na dalawa.

"Nina, wala pa din ba ang asawa mo?"nag-aalalang tanong niya dito.

Ang asawa nito kasi ang kasama ni Andres na bumaba sa bayan.

"Wala pa, baka mamaya o bukas pa uuwi ang asawa ko. Kailangan kasi niyang mabenta lahat ng paninda naming uling at mga gawang basket bago umuwi"sagot nito.

Napasimangot naman ako, wala naman kasing dalang kahit na ano si Andres ng umalis dito. Kaya walang dahilan para magtagal ito sa baba ng bundok.

"Namimiss mo na asawa mo?"pang aalaska sakin ni Nina.

Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Hindi ah!, wala lang kasi akong kasama sa bahay, walang magluluto ng pagkain ko, at maglalaba ng mga damit namin."tanggi ko naman.

"Tsk!"agad akong napalingon  ng marinig ko ang palatak na iyon.

Mas nanlaki ang mata ko ng makitang si Andres iyon. Pailing-iling habang nakatitig sakin. Nailang naman akong bigla kaya nag-iwas ako ng tingi.

Shit naman bakit ba ako kinakabahan?

Nilagpasan lang ako ni Andres na hindi ako kinausap. Ung kaba ko kanina nawala, napalitan ng inis sa ginawa niya.

"Hoy! Andres"tawag ko sa kanya habang di pa siya nakakalayo.

Mas nainis ako dahil di man lang ako nilingon nito. Dere-deretso lang siyang naglakad pauwi sa tinutuluyan namin.

"Dalawang araw akong nawala ganito ang dadatnan ko dito"inis na bungad nito ng nakapasok na kami sa bahay.

Napataas ang kilay ko sa pagsusungit niya. Ano naman kaya ang nangyari at biglang nagsusungit na naman ang lalaking ito.

"Problem?"di ko napigilang tanong dito.

But the man did not care to answer me. Sarap sipain ng damulag na ito.

Nagtititigan lang kaming dalawa, walang gustong magpatalo sa titigan namin. Kung ako hindi ako papayag na matalo sa tutugan challenge na ito. Ako pa ba, dito ako expert lalo na kung sa tatay ko ito gagawin.

"May mga taong nakapaligid sa buong bayan. Maging sa nga exit papuntang ibang bayan, ang nakakapagtaka mga pulis din ang nakatokang magcheck point. Hindi nga lang taga ditong mga pulis"anito na hindi ko maintindihan kung para saan.

Nakatitig lang ako sa kanya, not saying anything. Pero alam ko gets naman niya ang gusto kong mangyari.

"Malamang mga taong naghahanap sayo ang may pakana nito"sabi na naman nito.

Napakunot noo naman ako, ang gulo kasi. Bakit involve ang mga pulis.

"Teka nga, hindi ko kasi ma-digest ang mga sinasabi mo sa totoo lang"hindi ko na napigilan na sabihin.

Bumuntong hininga naman ito bago lumapit sa lalagyan ng tubig namin at kumuha ng maiinom. Inubos muna nito ang laman ng basong hawak nito bago siya lumapit sakin.

"May lead na sila Dela Larra sa kaso mo. Hindi pa nga lang nila magawang kumilos dahil bigating personalidad ang babanggain nila"simula nito.

Mataman naman akong nakikinig sa kanya at hindi nagsalita.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIREWhere stories live. Discover now