seventeen

15.7K 441 13
                                    

NAGISING AKO na para bang may kumikiliti sa may ilong pati na din sa tenga ko.

Ilang ulit kong tinataboy ang kung ano mang nangingiliti sakin pero makulit talaga.

Napamulat nalang ako, at kitang kita ko ang nakangising salarin.

"Good morning mahal na hari"masayang bati nito sakin.

Ang ganda ng umaga ko.

"Ei! Andres"tili naman ni Blaire.

Bigla ko kasi siyang niyakap at pinagpalit ang posisyon namin.

Kanina kasi siya ang nasa ibabaw ko ngayon ako naman.

"Good morning mahal kong Reyna"ganting bati ko sa kanya.

Hinalikan ko siya sa labi. Palalalimin ko pa sana ang halik ko sa kanya kaso itinulak niya ako.

"Bakit?"takang tanong ko naman sa kanya.

Namumula ang pisngi niya at hindi siya makatingin sakin ng deretso. Parang alam ko na kung bakit.

Nakangisi ko naman pinaglakbay ang kamay ko sa katawan niya.

Pero natigilan ako ng nasa may dibdib na ng asawa ko ang isang kamay ko.

"Wala kang bra?"manghang tanong ko sa kanya.

Nahihiya naman siyang tumango.

"Wala ding panty"halos di ko na marinig ang huli niyang sinabi.

Pero kahit gaano man kahina ang sinabi niya sapat lang para mag-init ko.

"Grrr! Ang asawa ko nahihiya pa. Nakita ko na lahat sayo. Nakita mo na lahat sakin mahihiya ka pa"bulong ko sa kanya habang pababa ang labi ko mula sa pisngi niya papunta sa leeg niya.

Kanina kasing madaling araw nagising ako.

Hindi ko inaasahan na nakatulog pala ako. Hindi naman marami ang nainom ko.
Kahit naman papaano malakas akong uminom. Di nga lang katulad ng bunso namin na panglaban sa inuman.

"Andres"

Sa banggit ni Blaire sa pangalan ko na paungol lalo akong nag-init.

"I love you mahal kong reyna"paanas kong bulong bago ko siya hinalikan sa labi niya.

Muli naging isa ang aming mga katawan.

...............

"FIVE THOUSAND"

"Hindi three thousand lang"

Kanina pa kami nagtatalo ni Andres. Wala pa din kami magkasundung dalawa.

"Three thousand? Ano lang mabibili noon?"reklamo ko.

Pinagtatalunan namin ni Andres ang budget namin sa grocery para sa loob ng isang buwan.

"Blaire madaming mabibili ang tatlong libo, maniwala ka"pangungumbinsi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sige kung three thousand okay. Basta kasama ka kapag naggrocery ako"sabi ko nalang.

Naisip ko, kung kasama ko siyang mamimili at least makikita niyang mataas na ang bilihin ngayon.

"Sige"kibit balikat niyang sagot.

"How about the cooking sinong gagawa?"tanong ko naman.

"Ako, meron pa bang iba?"manghang sagit ni Andres.

Sinimangutan ko siya. Nagtanong pa kasi ako, alam naman ni Andres na hindi ako marunong magluto.

"How about kumuha tayo ng makakasama natin dito sa bahay"suwesyon ko.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIREWhere stories live. Discover now