sixteen

14.4K 468 18
                                    

NAGMAMADALI KONG NILAPITAN ang kapatid ko. Tatlong araw mula ng makausap ko siya pinaluwas niya ako ng Manila.

Nagkausap na din kami ni Blaire. Okay na kami, tuloy pa din ang dream wedding niya para samin.

"Kuya Andy!"tawag sakin ni Diwata.

Napataas ang kilay ko ng makita kung sino ang kasama niya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito Tomas?"takang tanong ko sa kasama ng kapatid ko.

"Kasura ka fafa Andy, Tomas ka dyan. Tiffany ang pangalan ko. Kung di ko lang alam na ikakasal ka hinalikan na kita"nanghahaba pa ang nguso nito habang nagsasalita.

Hindi ko nalang siya pinansin at naupo nalang aa harapan nila.

"Asan na ang buyer mo ng lupa?"tanong ko agad sa kapatid ko.

Ang sabi kasi niya may buyer siya ng lupa kaya niya ako dali daling pinaluwas ng Manila.

Noong una si Diwata at Lance na ang nagprisintang bilin ang lupa kong pangsakahan.

Pero tumanggi ako kasi alam ko ibabalik lang din nila sakin. Sasabihin na regalo na samin ni Blaire.

Hindi naman sa pagmamalaki, pero nahihiya ako sa ganon baka sabihin ng ibang tao sinasamantala namin na mayaman ang napangasawa ng bunso namin.

May mahigit tatlong ektarya akong bukid na pinapataniman ko ng palay. Nabili ko iyon sa pag iipon ko mula noong nagsimula akong magpulis.

Sa katunayan magdadalawang taon palang sakin ang lupa. Hindi ko pa bawi ang pinuhunan ko. Pero heto kailangan kong ibenta.

Nanghihinayang ako oo pero mas manghihinayang ako kung pakakawalan ko pa ang pagkakataon na makasama ko si Blaire at maging asawa.

Makakabili pa naman ako ulit ng sasakahin balang araw.

"Pahinga ka naman ng sandali. Pupuntahan natin siya ngayon. Doon na kasi sa bahay niya ang naging usapan namin"

Hindi na ako nag aksaya ng panahon. Pagnagkabayaran na ngayong araw din dederetso ako kila Blaire at sasabihin kong magbabayad na kami para sa mg akakailangnain sa kasal.

Ang laki na ng pagkukulang ko kay Blaire. Puro siya nalang ang umayos ng para sa kasal namin.

"Bakit ba kasama mo ang baklang hitad na ito?"tanong ko kay Diwata ng nasa biyahe na kami.

Si Diwata tumawa si Tomas panay ang reklamo na hindi ko naman pinansin.

"May inayusan kasi siya dito sa Manila para sa kasal ngayong araw. Tapos nagkita kami"paliwanag ni Diwata na tumatawa pa din.

Napailing nalang ako.

Napakunot ang noo ng mapansin ko ang tinatahak naming daan.

Hindi kasi ako ang driver. Nakisakay nalang ako sa sasakyan ni Diwata at iniwanan sa coffee shop ang sasakyan ko.

"Teka, papunta ito kila Blaire"awat ko naman sa driver.

Nakisilip naman si Diwata at Tiffany.

"Oo nga ano"sabi pa ni Diwata.

Napakunot ang noo ko ng lingunin ko siya.

Mukha namang hindi naman siya gulat o nagulat. Para pa nga siyang excited na ewan.

Iyong katabi naman niyang bading kinikilig naman ang tingin ko.

Mas napailing ako, bakit ba naging kaibigan ko ang bading na ito noon.

"Sigurado ka bang may buyer ka Diwata?"nagdududang tanong ko na.

Pero bago pa man siya makasagot huminto na kami sa tapat mismo ng gate nila Blaire.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIREWhere stories live. Discover now