Twelve

15.2K 488 23
                                    

PAGGISING ko nakatulala lang ako sa puting kisame ng kung saan mang kwartong naroroon ako. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong walang malay.

May ilang minuto na akong gasing, nakatulala lang.

Malalim akong napabuntong hininga mukhang wala akong kasama ngayon. Wala kasing nakapansin na gising na ako.

Hindi man lang ako magawang bisitahin at tanongin ni Andres kung...

Nanlaki bigla ang mata ko sa pagkakaalala ng huling nangyari sa buhay ko bago ako nawalan ng malay.

Napabangon ako bigla ng wala sa oras.

"Andres!"sigaw ko sa pangalan niya.

Naalala ko pinasok ang bahay ni Andres ng mga hindi namin kilalang nga lalaki.

Nakalabas si Andres nang tumalon siya sa may bintana. Nang susunod na ako sa kanya may biglang humatak sakin.

Sinampal ako at sinuntok sa sikmura ko.

Gising ako pero nakapikit lang ang mga mata ko kahit na gusto kong manlaban di ko magawa dahil hinang hina ako sa ginawa niya sakin.

Ramdam ko ang paligid ko, maging ang kahayupan na ginagawa ng lalaking nasa ibabaw ko. Pati ang pagpasok ni Andres, lahat ng nangyari pinapakiramdaman ko.

Nakarinig ako ng pitok ng baril na nasundan pa ng ilan. Pati ang paghila at ang sunod sunod na putok na naman ng baril.

Pero hindi iyon ang nakapagpagising sakin. Naimulat ko ng bahagya ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha ni Andres na puno ng inis pero may kahalong takot.

"I'm sorry Blaire, hindi kita na protektahan. Mahal na mahal kita"bulong nito.

Kita ko ang pagpikit niya ng mariin hababg yakap yakap niya ako ng mahigpit.

Sunod ko nalang na narinig ang putok ng mga baril at nawalan ako ng malay.

"Thanks God your awake now, Blaire"boses iyon ng nanay ko.

Paglingon ko sa paligid ko nandoon ang buong pamilya ko. Kompleto mula sa mga magulang at mga kapatid ko.

"Si Andres 'Nay?"naiiyak kong tanong dito.

Bumuntong hininga ito bago umiwas ng tingin sakin.

Binalingan ko ng tingin ang tatay ko pero ganon din ang ginawa nito, umiwas din ng tingin sakin.

Si Blaze ang sunod kong tinignan.

"Don't you dare Blaze try not to face me"banta ko sa kanya ng akmang iiwas din ng tingin sakin.

"Ate"lumapit sakin si Angel at niyakap ako.

"Ano ba?! Bakit hindi niyo ako sagutin?"napipikon kong sigaw sa kanila.

Tahimik lang silang lahat walang gustong magsalita.

Akmang sisigaw ako ng pumasok si Kyle.

Napakunot ang noo ko ng makitang nakangiti ito habang nakatingin sakin.

Pero makikita sa mukha nito na madungis at puno ng pasa at may bakas pa ng dugo ang katawan. Sa tingin ko din may tama siya ng baril dahil naka-arm support ang kanang kamay nito.

Ang ipinagtataka ko lang bakit nakangiti ito samantalang ang buong pamilya ko hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig.

"Damn, why is that I feel strange in here? Sinong namatay?"takang tanong ni Kyle ng mapansin ang ambiance sa loob ng kwarto ko.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIREWhere stories live. Discover now