eleven

15.3K 438 13
                                    

HINDI AKO magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa kapatid at bayaw ni Andres.

I didn't know that Diwata is Andres's sister. At to my surprise si Lance ay business partner ni Kuya King at ni Blaze. Small world is in it.

"So, kailan ka pa naging girlfriend ng kuya ko?"takang tanong na naman ni Diwata.

Napakurap-kurap naman ako habang nakatingin sa kanya.

Nakakandong sakin ang anak nilang si baby Isaac.

"Ahh..."alanganin kong sagot.

Tinanong na niya ako kanina kaso hindi ko pa siya masagot sagot dahil para akong nahiya bigla.

I know these couple's love story. Habang tumatagal na kasama ko sila naaalala ko na kung sino ang dalawanf kaharap ko ngayon.

Nafeatures sa isang magazine ang love story ng dalawa. Hindi lang doon pati na din sa national television. Sikat kasing bilyonaryo si Lance that's why.

Nahiya ako kasi walang-wala ang love story namin ni Andres sa kanila.

Dinaan ko lang naman kasi lahat sa mabilisang usapan.

Daig ko pa ang naghahabol na buntis sa nakabuntis sa ginawa kong moves. Well parang ganun din iyon dahil sinabi kong buntis ako.

Bumuka ang bibig ko para sana sumagot ng bumukas ang pinto at pumasok si Andres na nakakunot na naman ang noo.

Nakatingin ito sa kapatid nito na nakalingon din sa kanya.

"Anong ginagawa niyo dito?"takang tanong niti sa mga bisita namin.

Tumingin sakin si Andres. Napataas pa ang kilay nito habang nagpapalit-palit ang tingin sakin at sa pamangkin niyang nakakandong sakin.

"May pinagmanahan talaga iyang anak ko bunso"nang-iinis na puna ni Andres.

"Ayaw mo ba kaming makita ni Isaac. Tumawag ako kila tatay sabi nanditi ka nga daw sa Manila kaya dinalaw ka namin. At anong sinabi mo? Anak ko na naman nakita mo"pagtataray ni Diwata dito.

Si Lance naman pangisi-ngisi lang na tumayo at lumapit sakin para kunin ang anak nito.

"Hep, dyan ka lang bayaw. Ako na mag-aabot sayo ng lintik na batang ito"saway naman ni Andres.

Napataas ang isang kilay ko ng mabilis na nakalapit sakin si Andres at nakuha agad ang bata sakin.

"Sus, nagawa pang magselos sa asawa at anak ko. Ikaw na talaga Kuya"kantiyaw naman ni Diwata dito.

"Tsk!"nakaingos naman na naupo sa tabi ko si Andres.

Like kahapon nakauniform na naman siya ng pampulis. Ang gwapo niya talaga at ang astig tignan.

I can't help it kaya naman napayakap ako sa kanya ng wala sa oras.

"Mamaya ka sakin, may ipapaliwanag ka"bulong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ei! Bakit ka ganyan kuya? Di ka na talaga nagsusungit? Di ako sanay"parang kinikilig na sita samin ni Diwata.

"My queen, we better go. Mukhang nakakaistirbo tayo dito"bulong ni Lance na narinig naman namin.

Without any words tumayo nalang bigla ang mag-asawa at nagsimula ng lumakad palabas. Pero agad silang natigilan ng umiyak ng malakas si Baby Isaac at pilit na kumakawala sa ama nito.

Nakaturo ang mga kamay nito sakin na para bang nagpapakuha sakin.

"Tsk! Iuwi niyo na iyang batang iyan. Mang-aagaw pa ata ng may nobya ng may nobya. Kabata-bata palang, alam na ang maganda"inis na sabi naman ni Andres.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon