fifteen

13.7K 437 19
                                    

KULANG NALANG magdikit ang kilay ko sa kakatitig sa bill estimate para sa kasal namin ni Blaire.

Hindi naman ako, gutom o pagud para sana naduduling lang ako.

"Something wrong Andy?"masuyong tanong sakin ng biyanan to be ko.

Napipilitan naman akong ngumiti dito.

"Wala po nanay to be"nakangiting sagot ko.

Sabay lingon ko naman kay Blaire na katabi ko ngayon.

"Pwede bang mag usap tayo mahal kong prinsesa"baling ko sa kanya.

Nakangiting tumango naman ito sa kanya.

Napailing naman siya, hanggang ngayon hindi pa din nahuhubad ni Blaire ang suot na gown.

"Di ka ba nabibigatan dyan sa suot mong gown. Parang isang daang kilo iyang suot mo"hindi ko na napigilang itanong.

Tumingin naman ito suot nito alanganin na tumawa.

"Wait, mahal I'll finish the fitting okay. Then we'll talk"paalam nito sakin.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Wala pa akong pahinga, mula ng huling nakita ko si Blaire bigla akong pinatawag sa probinsya namin para sa isang trabaho.

Simula noon pinakamatagal ko na yatang tulog ay tatlong oras. Minamadali kong matapos ang iniimbistigahan naming pagawaan ng iligal na sumpak o baril.

Kaya tuloy napabayaan ko na ang preparation ng kasal nmain ni Blaire.

Kahit pa alam ko naman na aayusin lahat ni Blaire. At talagang pinaiwanan ko din ang nanay ko sa Manila para kasa-kasama ni Blaire sa pag-aayos.

Ngayon nga pagkagaling ko sa operasyon namin kagabi. Pagkahuling pagkahuli pa lang mga gumagawa ng iligal na baril agad ako lumuwas ng Manila.

Ngayon ang araw ng fitting namin pati na din ang pagconfirm ng venue ng reception.

Halos napapapikit na ako sa paghihintay ko na matapos sukatan si Blaire.

"Mahal"masayang bungad nito ng lumabas sa fitting room.

Hindi naman ako nagsalita basta nalang akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng boutique kung nasaan kami.

Sabi ni Blaire, sa mama niya daw ito at sa mga kaibigan at ate nito.

"Anong pag-uusapan natib at kailangan pa nating lumabas?"takang tanong nito.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya harapin.

"Magkano ang damit mo?"simula ko.

Nakita ko siyang magsasalita sana pero inunahan ko na siya.

"One million?"ako na ang sumagot ng sariling tanong ko.

"Eh ang reception? Kulang kalahating milyon? Ang guest, wow nahiya ako ang konti ha. One thousand, sayo palang ata iyon. Kasi konti lang naman sakin."nag iinit kong turan.

Naningkit naman ang mata ni Blaire habang nakatitig sakin.

"Blaire, ikakasal lang tayo. Pero mamumulubi ako sa gusto mong mangyari"inis ko pang dagdag.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na ikaw ang magbabayad ng gown ko?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ba kami nagkaintindihan ng babaeng ito.

Pero naalala ko, mayaman nga pala ang angkan nito. Para dito barya lang ang isang milyon.

Naiinis na tumawa ako, bigla parang napagod ako. Iyong ilang araw na wala akong pahinga ngayon ko naramdaman ang pagod.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIREWhere stories live. Discover now