METAMORPOSIS

9 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Noong nabubuhay pa sila Mama at Papa, hindi tayo naghihirap ng ganito," anang JamieJoy. Abala silang magkakapatid sa pagtutuhog ng mga bulaklak ng sampagita at ilang-ilang. Ibinibenta nila ito sa liwasan tuwing linggo. "Ang trabaho ni Mama'y isang stewardees at si Papa nama'y isang embalsamador. Pag umuuwi si Mama, binibilhan ako ng mga books. Aywan kung bakit binibilhan nya ko ng gano'n?"

"JamieJoy, gusto lang ni Mama na pag-aralan mong basahin ang mga iyon. Narinig ko sa kanya kasi, gusto nyang makapaglakbay ka rin sa ibang lugar,"anang Vander.

"Pero kuya, napakarami namang books ang kanyang binili, samantalang grade-three pa lang ako! Ang bagal ko ngang magbasa."sabi nitong muli kay Vander.

"Pag-ensayohan mo na lang ng maige. Upang ang pinapangarap ni Mama sa iyo ay makuha mo. Aalalayan kita kahit ganito lang tayo . Nagpapatuloy ka pa rin sa pag-aaral. Lumipad man si Mama kasama ng eroplanong kanyang sinasakyan. Hindi natin alam kong saang lupalop ng bundok sila napadpad. Pero andito pa rin tayo, umaasang isang araw ay makikita pa natin siyang nakangiti na dala ang kwento ng kanyang magandang paglalakbay."

"Pero kuya, napakahirap namang basahin ang mga salitang nasa aklat. Kailangan pa ang taimtim na pag-uunawa sa mga nakasulat. Nakakapagod na. Nandito pang kumakayod tayo habang nag-aaral. Ang iba nga d'yan, nagpapakasaya dahil nasa kanila na ang lahat. Di napapagod sa maghapong paghahanap-buhay. Mga mamahaling paaralan at pagkaing masasarap ang kanilang natatamasa."

"Joyjoy, kapatid ko. Sa buhay nating ito, puno tayo ng mga problema ngayon pero darating din ang araw na tayo'y makararanas ng tunay na kaligayahan. Kailangan lang nating pagtyagaan ito. Sa huli ay mararating natin ang ating mga hangarin. Ikaw, pagbutihin mo pa ang iyong pag-aaral at sikapin mong mabasa ang mga aklat na binigay sa iyo ni Mama. Upang sa gayon ay magamit mo ang kaalamang natutuhan sa darating pang mga araw ng iyong buhay."

"Pero kuya, boring naman ang gusto ni Mama eh! Ang gusto ko ay ang ginagawa ni Papa. Masaya pong makatulong sa mga tao. Kahit sa kanilang huling hantungan ay maayos pa rin ang kanilang hitsura. Marangal naman ang gawaing ito ni Papa. Sayang nga lang at hindi na niya ako nabigyan ng chance na maturuan. Maaga kasi siyang nawala dahil sa atake-de-corazon."

"Kapatid ko, buong buhay nila'y walang sinayang na sandali upang tayo'y magabayan. Ang mabuhay tayo't matuto sa sarili'y tinatanaw kong isang malaking ambag nila sa atin. Kaya sana, habang buhay pa sila, matutunan na natin silang pasalamatan. Sa gayon, malaman nila ang taus-puso nating pasasalamat. Huli na, kung kaylang wala na sila ay tsaka pa natin naisipan ito. Sundin natin ang kanilang kagustuhan dahil ito ay nakabubuti sa atin. Walang mga magulang ang naghahangad na mapahamak ang mga anak. "

"Pero kuya, huli na pala ang lahat kung ngayon pa ako magpapakita na sinusunod ko ang kanilang kagustuhan?.."

"Hindi Joyjoy, simula pa noong sila'y nabubuhay. Napaligaya mo na sila. Sa simple mong mga ngiti't yakap ay isa na 'yong pasasalamat. Ipadama sa kanilang minamahal mo sila. Patuloy mo pa ring pahalagahan ang mga bagay na ibinahagi nila sa iyo."

"Sige po kuya, mula ngayon ay babasahin ko nang maigi ang mga aklat. Mga aklat ng karunungan naman po ito. Upang sa paglaki ko, maabot ang aking pangarap na maging gaya nila. Lalakbayin ko ang mundo na gusto ni Mama at mapapanatili ko ring maayos ang magiging hantungan ng mga namayapa. Upang sa pagdating nila sa kaharian ni Papa-God ay malugod silang tanggapin."

"Mabuti, kapatid ko. Kaya tayo na, nakahanda na ang ating ibebenta. Bilisan natin para umabot tayo ng maaga sa liwasang kaharap ng simbahan. Dadaan pa tayo ng ilog at kasukalan."

"Tayo na po kuya, handa na po ako. Isusuot ko po itong sumbrerong bigay ni Mama. Pati rin ang buslo na bigay ni Papa. Isisilid ko dito ang mga sinulid at bulaklak. Kung sakaling maubusan tayo ng paninda, madali akong makagagawa ng kwentas! "

"Sige sumunod ka na lang. Mauuna na ako sa'yo upang makarating ng maaga."Dali-daling umalis si Vander, habang si JamieJoy ay nakasunod.

Magiliw nitong iniisip ang nabasang kwento ng pakikipagsapalaran ni Mariposa, isang paru-paro. Na kung saan, habang naglalakbay ito bilang uod. Sa kabila ng maraming balakid, nandoong natatakot itong masila ng ibon, butiki, langgam at iba pang mga insekto. Nakarating pa rin ito sa patutunguhan, ang makapag-metamorphosis. Hanggang sa dumating ang araw na maging napakagandang mariposa ito. Pinapangarap ni JamieJoy ang maging ganon.

Samantala, nang dumaan si Vander sa tabing-ilog na katabi ng isang malabay na balite. Walang anu-ano'y natuklaw ito ng ahas. Doon mismo'y binawian ito ng buhay. Sa dakong kinaroroonan ni JamieJoy, may nakita itong kuwago na naipit sa sanga. Mabilis nya itong tinulungan. "Nakakaawa ka naman...mabuti na lang at 'di ka nabalian!"

"Salamat sa'yo at ako'y agad na natulungan."ayon sa ibon nang makalagan ito sa pakakaipit.

Bahagyang nagulat si JamieJoy sa kanyang narinig. Ngunit dahil sa mga nababasa n'yang ganitong pangyayari'y 'di na ito natakot.

"Ay! Cute mo naman at nagkakaintindihan tayo!" Tuwang-tuwa ang bata.

"Kaibigan, kalmahin mo ang iyong isip. Alam kong marami kang alam mula sa iyong binasa. Magagamit mo ito! Ang kuya mo'y natuklaw ng ahas. Bilis! Upang maabutan mo pa itong buhay!"

"Ha! Kuwago, tulungan natin s'ya!"madali itong tumakbo habang kasunod si kuwago." May maitutulong ba ako upang di mawala si kuya?"

"Oo JamieJoy, isipin mo ang mga nabasa mo!"

"Alam ko na! Gagawin ko ang ginawa ni Mariposang-paruparo!"

"Magagamit mo rin ang gusto mong maging, gaya ng Papa mo!"

"Kuya! Huwag kang bibitaw! Mabubuhay ka pa! Kuwago bilis, hawakan mo ang sinulid!"

"Eto na JamieJoy !"

"Babalutin kita gaya ng ginawa ni Mariposa. Magmi-metamorposis ka kuya!"

Biglang nagising ang kuya ni JamieJoy. Kasama nitong nakatunghay ang Papa't Mama na nakangiti sa kanyang kapatid. Nasa ulohan nito ang mga aklat.


VANDERSWORD (code:8:58-3:14:15) EIGHT WORD Reveal.Where stories live. Discover now