Chapter One

616 49 62
                                    


NO PRIVACY (SPG)

Cristina Villareal

HINDI ko aakaling aabot ako sa puntong mas pipiliin ko na maging mapag-isa na lang kaysa manatili rito sa bahay at ipagkakasundo sa taong hindi ko naman mahal o kilala. I can't believe that all of these shits just happened in one snap!

"Cristina, saan ka pupunta?"

Hindi ko pinansin si mom at nagpatuloy pa rin sa pag-iimpake. I don't have any choice but to leave this place. Bahala na kung saan ako mapunta basta ayaw ko na sa pamamahay na ito!

"Ano hindi mo ba ako kakausapin, Anak?" Tanong niya ngunit hindi ko ito kinikibo.

I don't want to stay here! I don't tolerate this kind of bullshit!

"Cristina!" Sigaw niya.

I'm frustrated!

Lumingon ako at tinignan siya nang malalim. She looks so worried. Halos maluha na ang mga mata niya dahil sa sitwasyon namin ngayon. Pero kung alam lang nila kung gaano ako ka dismayado sa kanila ni Dad!

"I'm leaving. It's for my own sake. Don't worry kaya ko na ang sarili ko." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Alam kong mali itong ginagawa ko pero wala naman akong ibang choice! Ayaw kong magpakasal sa kung sino mang lalaking iyon! My goodness kinikilabutan ako!

Nang matapos mag-impake ay dali-dali akong lumabas sa kuwarto bitbit ang aking mga maleta. Nakita ko si dad na nagbabasa ng newspaper at hindi man lang nito pinapansin ang presensya ko. Mukhang wala talaga siyang balak na pigilan ako . . .

Bumaba na ako ng hagdan at agad nagtungo sa kinaroroonan niya. "Dad, I'm sorry but I——"

"Leave now." Nagulat ako nang marinig mula sa kanya ang salitang iyon.

"Dino, don't let her leave!" Agad itong lumapit kay dad at pilit itong kinukumbinsi. "Ipapasara ko ang lahat ng bank accounts mo kaya wala kang makukuha na pera mula sa amin. You choose to leave, so leave now!"

"Dino . . ."

Tumalikod ako sa kanila bago tuluyang pumatak ang luha mula sa aking mata. Dali-dali akong lumabas sa pamamahay na iyon bitbit ang aking mga maleta. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi na magbabago ang desisyon ni Dad.

Hindi ko gustong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal! Hindi ko pa nga iyon nakikita ng personal!

At isa pa, may boyfriend ako!

"Ma'am Cristina! Yung dad niyo po . . ." Napatigil ako sa paglalakad at nakaramdam ng tensyon nang marinig ang sigaw ni Manang Fe.

Lilingon ba ako? Paano ang happy ending ko kasama si Rylan?

"Ma'am Cristina!" Agad akong lumingon at dali-daling tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako kay dad na kasalukuyang hirap na hirap sa paghinga. "Manang yung Inhaler. Please pakidalian!" Utos ko rito at agad na inalo ang likod ni dad.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam nang pagsisisi sa sarili. Kung hindi ako nagbalak ngayon umalis 'di sana inatake si dad ng hika. "Dad naman kasi e!"

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now