Chapter Nine

353 32 32
                                    

WEIRD ACTIONS

Cristina Villareal

NATATAKAM kong tinignan ang tatlong malalaking tupperware na naglalaman ng Braised Beef Brisket, Crispy Fried Pierogies, at Glazed Salmon habang isa-isa itong inilipat ni Wilder sa mas maayos na lagayan. Kanina pa ako nakakaramdam ng pagkagutom at mabuti na lang talaga dumating agad ito bago ko pa tuluyang mainom ang wine na binuksan ko.

Tinignan ko itong patuloy na abala sa pag-aayos ng mga nakahain sa dining table. Actually this is the first time I saw him acting weird. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero sa lagpas na isang buwan na panunuluyan ko rito sa Villa ay puro lang pambu-buwisit ang alam nitong gawin sa akin. Hindi ko pa siya nakitang nag take-out ng pagkain, o maski itong ginagawa niyang paghahanda ng pagkain sa dining table ay hindi niya ginagawa noon. Ano kayang nakain ng lalaking ito kaya ganito na lang siya kung kumilos?

"Tititigan mo na lang ba talaga ako? Kung sabagay, sa pagtitig mo pa lang sa akin mukhang nabubusog ka na..." Huli na nang mapagtanto ko na nakatingin ito sa akin at ngayon ay nag sink-in sa utak ko ang mga sinabi nito. Kahit kailan ang hangin ng hayop na ito! Ang sarap upakan!

"In your dreams, Wilder." Inis kong sabi at inirapan ito.

Umupo na ito sa upuan. "Ano pang hinihintay mo? Hindi dapat pinapatagal ang pagkain."

Sumunod naman ako at umupo na rin sa isang upuan.

Napansin ko ang pagiging presentable ng dining table. Wala namang kahit anong okasyon ngayong araw pero sa pagkakaisip ko ay para kaming nasa isang restaurant. Naka plating pa ang bawat binili nitong pagkain at naka ayos din ang wine na iinumin ko sana. "Sinadya mong hindi suklayin buhok mo?"

Tumingin ako sa kanya at kunot-noong nagtanong pabalik. "Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa buhok ko?"

"Wala lang. Mas lalo ka kasing pumangit." Sagot niya at tumawa ng mahina.

Konti na lang talaga at kating-kati na ang mga kamao ko na idampi ito sa pisngi niya. Akala niya siguro nakalimutan ko na lahat ng atraso niya ngayong araw!

Hindi ko na ito pinansin pa at nagsimula na sa pagkain nang tahimik. Wala na ako sa mood na simutin ang bawat pagkain dahil ayaw ko na magtagal pa kasama ang lalaking nasa harap ko. Hindi rin naman ito nagsalita pa at tanging tunog lang ng table knife at tinidor na ginagamit namin ang naririnig sa buong kusina.

I was about to get some beef brisket nang agad ako nitong inunahan sa pagkuha ng table knife. He sliced the beef saka agad nilagay sa plato ko. "What are you doing? T-teka sobrang dami na niyan."

"I want you to eat a lot. Masama ang pakiramdam mo dahil sa pag-inom mo nang sobra kagabi."

Kunot-noo ko muli itong tinignan. "Okay na ako, you don't have to worry."

"Really?"

Labis kong ikinagulat ang sunod nitong ginawa. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng aking pisngi. "W-why y-you a-act so weird?"

"Sorry." Tinanggal niya ang kamay niya at inayos ang sarili.

Huminga ako nang malalim at nagsalita. "By the way, bakit nga pala ikaw ang bumili ng pagkain? Where's Manang Belen? Kanina ko pa siya hindi nakikita..."

"I gave her a one month vacation."

"Why?" Pagtataka ko.

"Anong gusto mo hindi ko siya pagbakasyunin?"

Umiling ako. "H-hindi naman sa ganon, biglaan naman ata..."

"May emergency din kaya siya umuwi." Sabi nito

"Edi wala tayong katulong dito?"

"Meron."

"O sino?"

"Ikaw."

"WTH! AYOKO!"

"Gusto mo bang malaman ng mga magulang mo ang kalat na ginawa mo kagabi? I'm just giving you a favor." He smirked.

May favor pa siyang nalalaman bahala siya mamroblema ngayon!

"Edi sabihin mo. Mas okay nga iyon para malaman nila na dahil sa kanila kaya ako nagdudusa ngayon." Nawalan na ako ng gana sa pagkain at ininom na lang ang wine na nilagay ko sa wine glass kanina lang.

"Marami-rami ang atraso mo sa akin," Aba't ako pa ang may atraso? "Sa pagpasok mo sa kwarto ko nang walang paalam, sa pag-tatake advantage mo sa labi ko, sa pagpasok mo sa cr habang naliligo, and now binuksan mo pa ang wine ko ng walang paalam. Ang dami mong nilabag sa mga ginawa mong rules. Akala ko ba may distance tayo?"

Natahimik ako sa mga sinabi niya. Nakakahiya na ako pa talaga ang may ginawa para buwisitin niya ako ng ganito...

"Bakit hindi mo alalahanin lahat ng ginawa mo sa akin kagabi. Pinagsamantalahan mo ako porket lasing ka."

"WTH SERYOSO KA BA TALAGA? H-HINDI YAN TOTOO!"

"Paano mo nasabing hindi totoo?" Natatawang tanong niya.

"W-wala naman akong nararamdaman na kahit ano..." Naiilang kong sabi. Ayaw ko magsabi sa kanya ng tungkol doon...

Naglagay ito ng wine sa kanyang baso at kaagad itong ininom. I raised my eyebrow as he gaved me his playful smile. "Bakit hindi natin i-try pagkatapos para malaman mo kung totoo."

I Own You (Wild Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora