Chapter Three

430 41 21
                                    


FIRST HEARTBREAK

Cristina Villareal

MABILIS akong bumaba sa sinakyan kong taxi at dali-daling pumasok sa Condo. Agad akong nagpunta sa front desk clerk at kinausap ito. "I'm Cristina Villareal. I will visit Rylan Gomez at room 303." Nakangiting wika ko rito.

"Ma'am nag-check out na po kagabi pa iyong nag-stay sa 303," Napatigil ako at nakaramdam ng kaba. Nasaan naman nagpunta iyon?

"Pero ma'am meron siyang ibinilin sa amin, ibigay daw po namin ito sa inyo." Inabot nito sa akin ang isang sobre na naglalaman ng isang sulat. Kunot-noo ko itong binuksan at binasa.

To my love,

           Yeah I know, I am not the perfect guy for you in the first place. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban ka sa simula palang. I'm so sorry kung naging duwag ako at ngayon ay iiwan kita. I love you but now I choose to do what's right and what's good for us. Sa simula alam kong mahihirapan ka pero kailangan mong maging matatag love.

           I decided to go somewhere for a while. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at humarap sayo kapag okay na ang lahat. I'm very sorry for hurting your feelings. Ito na ang oras para putulin natin kung ano mang mayroon sa atin. Hindi na tama ito, at kasal kana. I love you, but I will end this for us to move on. I'm sorry Cristina...

Sincerely yours,
Rylan Gomez

Agad kong pinunit ang sulat at mabilis na umalis ng Condo. Dinial ko ang number niya at agad na tinawagan. Hindi ko napigilan ang sarili at tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo. "The number you have dialed is now unattended or out of coverage area, please try and call later." Fuck!


"Please answer my call Rylan..." I didn't expect na iiwan niya ako ng ganon-ganon nalang! Pero bakit kung kailan handa ko nang suwayin sila Dad saka siya aalis at iiwan ako nang ganito? Sobrang sakit! Hindi ko kaya...

Dad is calling...
Answer|Decline

Mabilis ko itong sinagot at pinakinggan ang nasa linya. "Cristina where are you?!" Rinig kong sigaw ni Dad sa kabilang linya.


"Why? Ano nanaman ang kailangan mo?"

"Kailan kapa natutong magreklamo sa akin Cristina! Hindi mo ba alam na lagi kitang pinapa man-manan kung saan ka nagpupunta!"

So kaya pala ganun nalamang ang narinig ko sa sinabi niya kanina na malandi ako? Tonta? At hindi marunong sumunod sa kanya? Kaya pala ganon na lamang siya makapag react dahil nalalaman niya na nakikipagkita pa rin ako kay Rylan. Kasalanan niya ang lahat ng ito!

"You know what, this is all your fault! Kung hindi mo ako ipinagkasundo sa lalaking iyon edi sana kasama ko pa rin si Rylan! I hate you! I hate you! I hate you! Hinding-hindi na ako makikinig sa inyo kahit kailan!" Sigaw ko at agad pinatay ang tawag.

Totoo naman diba? Siya ang makasalan kung bakit ako nagkakaganito. Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para matuwa siya sa akin kahit pa kapalit n'on ang pagiging masaya ko kay Rylan. Kasalanan niya kung bakit hindi ako masaya! And now, iniwan ako ni Rylan nang dahil sa kanya...

Kasalanan bang mahalin ko ang taong nauna? Wala namang kahit anong nararamdaman sa akin si Wilder. Sigurado rin naman ako na mayroon din itong mahal na iba kaya bakit pagdating sa'min ni Rylan bawal?

"Ma'am pinapasundo na po kayo sa akin..." Agad akong napatingin sa nagsalita at napagtantong isa ito sa mga driver ni Wilder.

"Inutusan ka niya?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha na pumatak aking mukha.

"Opo." Sagot nito.

Agad din naman akong sumunod dito at sumakay na sa sasakyan. Nang makarating sa bahay ay agad kong ikinulong ang sarili sa kwarto at napahagulgol muli sa pag-iyak nang maalala ang binigay na sulat ni Rylan.

For almost 3 years na magkasama kami, ayon na siguro ang pinakamasaya sa lahat. Wala kaming pino-problema na kahit ano at masaya lang na kasama namin ang isa't-isa.

Pero simula nang mag 21 ako, ipinagkasundo ako sa bunsong anak ng Del Hiego at ikinasal, nasira ang pag sasama namin ni Rylan.

Nag baka sakali pa rin ako at patuloy pa na kino-kontak si Rylan. "Rylan please..." Nagmumukha na akong tanga sa pagmamakaawa na baka sagutin nito ang tawag ngunit nabigo ako. Mabilis kong kinalat ang lahat ang mga gamit ko sa kwarto sa sobrang pagka frustrate. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong wala na akong ibang karamay. Iniwan ako ng taong napapagsabihan ko ng problema. Iniwan ako ng taong mahal ko...

"Ma'am Cristina ano pong nangyayari riyan?" Nag-aalalang tanong ni Manang Belen sa labas ng pintuan.

"Leave me alone, please! Gusto kong mapag-isa!" Sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.

Gusto ko munang makalimutan ang sakit kahit ngayon lang. Gusto kong ilaan muna ang sarili sa pag-iyak dahil sa pag-iwan ni Rylan.

Ito pala ang pakiramdam ng 1st break up? He's my first love, and I thought he will be my forever. Para parin akong batang nagmumukmok dahil sa mga nangyayari...

"You need to move on Cristina. Si Rylan ang nang iwan kaya dapat hindi mo sisihin ang sarili mo." Sabi ko sa sarili at agad na kinuha ang cellphone. Pinalitan ko ang name ng contact number niya at tinext ito.

To: Rylan Mang-iiwan

     Masaya ka na sa pang-iiwan mo? Kung ito talaga ang ikakabuti ng iniisip mo...then okay. Thank you for everything. Sana hindi mo pagsisihan ito.

Sinend ko ito at pagkatapos ay agad na tinawagan ang bestfriend ko na si Leigh Anne. Sinagot naman nito ang tawag at agad na nagsalita. "Cristina, bakit ka napatawag?"

"Can we go to the Club? I need to drink. I'm in Wilder's house." Pag-aya ko rito.

"Okay call. I'll pick you up there later." Sagot nito

"Thank you sissy." sabi ko at pilit na pinipigilan ang sarili na hindi umiyak.

"What happened? Bakit parang naririnig ko iyang paghikbi mo," Pag-aalala nito. "Cristina are you okay?"

"No, I'm not. I'll tell you later sissy." Huling sambit ko at pinatay ang tawag.

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now