Chapter Four

406 43 18
                                    


PARTY IN THE CLUB

Cristina Villareal

"WHAT? Iniwan ka talaga ni Rylan ng ganon-ganon na lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leigh Anne sakin. Nasa isang club kami at kasalakukuyang nakaupo sa harap ng bartender.

"Tingin mo ba iiyak ako kung hindi?" Inis kong sabi rito habang patuloy na iniinom ang isang mixed Bacardi cocktail. It tastes sweet unlike sa mismong 3 shotglass ng Bacardi 151 na natikman ko noong unang pasok palang namin dito sa club. That fucking Bacardi 151 is much stronger than drinking whiskey or vodka. Okay lang na malasing ako minsan lang naman ito!

"Hey! Hindi ka naman sanay na uminom Cristina. Baka mahirapan ako sa pagbalik sa iyo sa bahay ni Wilder." Aniya

"I don't care! I want to drink and drink and drink! I want to forget everything for now!" Wika ko rito at inilapag ang cocktail glass. "Psst! Isa pa nga." Maawtoridad kong utos.

Sumunod naman ang lalaking bartender at agad muli akong binigyan ng bacardi cocktail. Napangiti ako rito at kinindatan siya. "Thank you!" sabi ko at ininom muli ito.

"So anong plano mo ngayon sissy?" tanong nito

"Hindi ko alam gagawin ko sissy," Sigaw ko at biglang napaiyak. "Iniwan ako ni Rylan. Gago siya!"

"Para kang bata Cristina! Nandyan naman si Wilder. Hindi naman hamak na mas gwapo at mas hot——"

"Shh, wag kang maingay baka magselos si Rylan!" Pagputol ko sa sinabi nito at bahagya namang natawa.

Para sa akin mas cute si Rylan. Stick to one. Sa akin lang siya nagkakagusto. Unlike kay Wilder na marami na sigurong nakaka sex!

"Isa pang shot!" Sigaw ko sa bartender

"Hindi kana okay Cristina! Umuwi na tayo."

"Sissy please? Ngayon lang ito." I pouted my lips at pilit itong kinukumbinsi.

"Fine! Ngayon lang ito ah!" Paninigurado nito.

"Hmmmp..." Napangiti ako at muling ininom ang isang cocktail ng mixed bacardi.

"Cristina!"

"Oo na. I promised! Pero mag party muna ako roon!" Nakangiti kong sabi at agad na tumayo. Inayos ko ang suot kong white fitted dress at naglakad patungo sa dance floor. Sumingit ako sa maraming tao at nang magtagumpay ay agad akong naki party.

Np: Rise by Jonas Blue ft. Jack & Jack

"We're gonna ri-ri-ri-ri-rise 'til we fall. They say we got no-no-no-no future at all..." Sumabay ako sa mga taong kumakanta habang patuloy na nagpunta sa gitna ng dance floor.

"They wanna ke-ke-keep us out, can't hold us down anymore! We're gonna ri-ri-ri-ri-rise until we fall..." kasabay ng pagkanta ay ang ang biglang pag mix ng kanta. Agad nagsisayaw at naghiyawan ang karamihan kaya sumabay na rin ako.

"Party! Party! Party!" sigaw ko habang patuloy na ginigiling ang katawan. Nakakaramdam man ng sobrang pagkahilo pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsasayaw.

I want to forget Rylan. Gusto ko lang mag pakasaya ngayon dito!

"No, they don't speak our language
They say we're too savage, yeah
No, no, we don't give a FUCK anymore!" Madiing sabi ko at biglang napaupo.

"Hey! Are you okay?" Itinaas ko ang tingin at nakita ang isang babae. Medyo nahihilo na ako pero titigan ko siya ng malapitan. Napakaganda nito at nakasuot ito ng black backless dress. She had a perfectly tousled dark brown hair. Kahit pa man ganoon ang nakikita ko hindi parin ito nakabawas sa kanyang kagandahan. Her hair really fits to her heart shaped face. Para siyang isang celebrity sa ibang bansa. Pwede rin na isang Anghel na ibinaba mula sa langit...

"Angel!" Rinig kong tawag sa kanya ng isang babae. Ibinaling nito ang tingin sa nagtawag sa kanya at tila nagtataka.

"Sorry? I'm not Angel." Wika nito at nagulat ako nang itayo ako nito mula sa pagkaka upo.

"Thank you." Sabi ko at nginitian ito

"You're lying! I thought you are dead!" Hindi makapaniwalang sinabi ng babaeng kausap niya.

"I think you're mistaken miss? I'm not Angel. I'm Angelica Scarlette." Pakilala nito at tumalikod. Napansin ko ang tattoo na nasa likod nito at hindi maiwasang hindi magandahan. It's just a black rose at nakapahiga ito unlike sa ibang tattoos na nakikita kong nakatayo at nasa bandang nape.

"Cristina, there you are!" Agad akong napalingon at pilit na tinititigan ang taong nagtawag. "Oh sissy!" Masayang tawag ko rito.

Nagulat ako nang bigla ako nitong hilain palayo sa dance floor. "Why? Gusto ko pang mag party!" Padabog kong sabi at naglakad. Napansin kong medyo tumatagilid nilalakaran ko at parang bumabaligtad? Feeling ko nagsisimula nang umepekto ang ininom kong Bacardi. Napangiti ako. Ano bang ginagawa ko dito?

"Ihahatid na kita. Hinahanap kana sa akin ni Wilder at may pasok na tayo sa Monday!" Sabi nito

"Hey! Friday palang ngayon, and don't mind him. Walang pakialam yun. Baka nga may ka sex iyon." Natatawang sabi ko at bumalik sa upuan kung saan ang bartender. "Isang bottle ng Bacardi! Take out!" Natatawang sabi ko dito

"Are you sure you can handle yourself?" tanong nito

Napakunot ang noo ko dito. "Excuse me? I'm Cristina Villareal. Wala akong inuurungan kahit 10 pang bote!" Panghahamon ko.

Napahagalpak naman ito ng tawa dahilan para mas lalo akong mainis. "Hey! Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Galit kong tanong at hinamon ito ng gulo.

"Cristina stop causing trouble! Uuwi na tayo!"

"Isang bote nalang, please! Kahit yung Bacardi 151 nalang." Pagmamakaawa ko.

Agad namang sumunod ang bartender at agad na ibinigay sa akin ang isang bote ng Bacardi. Agad ko naman iyon binayaran at sumama na kay Leigh Anne. "I can't handle you! Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa iyo."

"Sorry na sissy..." Wika ko sabay tinungga ang inumin habang patuloy na tinatahak ang sasakyan ni Leigh Anne.

"Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Wilder. Baka malagot ako!" Malagot? Hahaha takot siya kay Wilder? Hindi naman siya papakialaman non may sariling mundo yun.

"Wag kang mag-alala sissy. Ako ang bahala sa iyo!" paninigurado ko at nagthumbs up sa kanya.



Leigh Anne Madrigal

NANG makarating sa sasakyan ay agad kong inuna si Cristina na ipasok sa bandang frontseat. Tipsy na ito pero pinagpapatuloy niya pa rin ang pagtungga ng iniinom niya. "Hey akin na nga iyan!" Sigaw ko at kinuha ang iniinom nito at binasag.

"Bakit mo binasag? Alam mo ba kung ano ang price ang isang bote non?" tila naiiyak na sabi nito.

"Ano bang price nun babayaran ko?" Tanong ko at mabilis ko na isinarado ang pinto sa kanya. Agad naman akong pumasok sa driver's seat at binuksan ang makina ng sasayan. I started to drive at napansin ang mahihinang hikbi ni Cristina. "What?"

"Halos 3k din yun sissy. Hindi pa ako nakaka kalahati." Mahinang usal nito ngunit naririnig ko. Teka, what?!

Halos 3k pala iyon? Putcha, edi paniguradong malakas din ang tama nun sa kanya? Mukhang malalagot talaga ako kay Wilder.

Noong time na nag-aya sa akin si Cristina na mag bar sinabi ko rin iyon kay Wilder dahil asawa niya na ito. Wala naman itong pakialam at sinabihan lang ako na i-monitor lang siya at wag sobrang maglasing. Pero baka naman isumbong niya si Cristina!

Mas mabilis ko pang pinaandar ang sasakyan at tumingin sa aking orasan. Halos mag-aalauna na pala ng madaling araw. Shit!

Nang makarating sa Villa nito ay agad kong itinigil ng sasakyan. "Cristina wake up!" Utos ko nagising naman ito. Agad ko siyang inalalayan papasok sa loob ng pinto at nakita ko rin namang nakaupo r'on si Wilder at mabilis kaming napansin.

"I'm sorry——"

"Thank you for bringing her safe." Tanging nasabi nito at lumapit sa amin. Medyo kinilig ako nang alalayan niya ito sa paglakad.

"I can handle myself." Sabi nito at agad umiwas kay Wilder. Hay nako talaga Sissy!

Pagewang-gewang itong naglakad at umakyat ng hagdan. "I'm leaving." Tanging nasabi ko sa kanila at umalis na.

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now