Chapter Ten

307 28 49
                                    



NO CHOICE



Cristina Villareal

"Ano akala niya isusuko ko ang sarili ko nang ganon-ganon na lang porke't sinabi niya? Ang kapal talaga ng mukha niya, asa siya!" Bulalas ko sa nasa kabilang linya.

It's almost 10:40 in the evening at sa halos lagpas na isang oras na tinagal namin ni Leigh Anne sa pag-uusap thru video call ay paulit-ulit ko lamang sinasabi ang mga hinaing ko kay Wilder. "Alam mo sissy you just have to be calm. Kakasabi mo lang kanina na okay na talaga pakiramdam mo. Baka bumalik ulit ang sakit ng ulo mo niyan kapag patuloy ka magpapa-apekto sa sinabi ni Wilder."

Kung alam mo lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung paano pigilan ang sarili ko na hindi na isipin pa ang sinabi niya. Hindi ko magawa na maging kalmado hangga't hindi ako nakakaganti ng sobra sa lalaking iyon.

"Paano ba naman ako kakalma kung malalaman ko na may nangyari sa amin nang hindi ko man lang nararamdaman sa sarili ko. I swear sissy wala talaga!" Na fu-frustrate kong sabi at nagpabalik-balik sa paglalakad.

"Is it possible na hindi totoo yung sinasabi niya? Baka kasi nagsisinungaling lang talaga si Wilder para buwisitin ako. Isa naman iyon sa mga expertise niyang gawin." Dagdag ko pa.

"That's possible sissy. Marahil gusto ka lang talaga niya buwisitin at nagtagumpay nga siya dahil sa reaction na pinapakita mo." Tumigil ako sa paglakad at napaisip sa sinabi niya. She has a point. Talagang nagtagumpay ang lalaking iyon na pikunin ako. Nakakainis!

Napahawak na lamang ako sa aking sentido at muling inalala ang pangyayari kanina...

"Bakit hindi natin i-try pagkatapos para malaman mo kung totoo." Napatigil ako nang bahagya at saglit na prinoseso ang kanyang sinabi.

Bakit hindi namin i-try mag sex para malaman ko kung totoo ba yung sinabi niya? Teka anong akala niya magpapa-uto ako? Hindi ako papayag na maging isa sa mga koleksyon niyang mga babae. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya!

Agad kong ikinuyom ang aking kamao at galit na tumayo sa upuan at sinapak ito sa pisngi. "Ang kapal din naman ng pagmumukha mo. Plano mo pa ako itulad sa mga babae mo." Nanginginig ang kamay ko sa galit na nararamdaman.

"Cristina..." Lumayo na ako sa kanya bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko. I don't want to see him now!

Mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan, kaagad na pumasok sa aking kwarto at mabilis itong ni-lock.

"Oo sige panalo na siya dahil na-buwisit niya ako." Inis kong sabi at huminga nang malalim.

"Nabuwisit ba talaga sissy?"

"Huh, anong ibig mo sabihin?" Pagtataka ko sa tanong nito.

"Baka naman kasi na a-attract ka na kay Wilder." Nagulat ako sa sinabi niya. Ako magkakagusto sa lalaking iyon?

Never! Over my dead body!

"Wala akong gusto kay Wilder." Mabilis kong sagot.

"Talaga lang sissy..." Nag-aalinlangan niyang sabi.

"What? Mas alam mo pa tumatakbo sa isip ko kaysa sa sarili ko? Mahal ko si Rylan, hindi ko magagawang magkagusto sa iba hangga't may mahal akong tao."

"Correction, mahal mo pero iniwan ka na," Napairap ako rito. "Sissy iniwan ka ni Rylan kasi alam niya na hindi kayo para sa isa't-isa. Diyan ka na lang kay Wilder tutal mag-asawa kayo at nakatira na sa iisang bubong. Normal na lang iyang gagawin niyong sex."

Teka, bakit parang mas kinakampihan pa niya si Wilder?

"Sissy hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo sa akin swear!" Mas lalo lang ako naiinis.

"But kidding aside, bakit kasi hindi mo magawang gumanti? I know you Cristina. Masyado kang palaban sa ganyan, but now it seemed you can't stand the goddamn Wilder Del Hiego. Anong nangyari sa'yo sissy?"

I gasped. "Simply because I don't know what to do." Sabi ko at umupo na muli sa kama.

"How about trying to tease him? O hindi naman kaya make him fall in love with you." Natatawa nitong suhestiyon.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Bahala ka na nga riyan!" Pinatayan ko ito ng tawag sa sobrang inis. Akala ko ba naman makakausap ko siya nang maayos.

Inilapag ko ang phone ko sa gilid ng kama at kaagad na humiga. Napatingin na lamang ako sa smart LED light na nasa ceiling. "Napakapangit naman ng buong araw na ito. Nakaka asar!"

"Alexa, please turn off the lights!"

*****

Kinabukasan maaga akong nagising kaya nag-asikaso agad ako at mabilis na naligo. Naisipan kong mag grocery para maka-alis muna rito, saka ako lang din naman talaga ang gagawa ng bagay na iyon dahil dalawa lang kami ni Wilder na nandito sa Villa.

Tsk, ang lalaking iyon...

Pagkababa ko sakto namang nakita ko ito na nanonood ng TV. Naglakad lang ako ngunit agad na napatigil nang magsalita ito. "I'm sorry about last night."

Tinignan ko siya at kaagad napangiwi sa pasa niya sa pisngi na ako mismo ang may kagagawan. Napalakas ata sapak ko sa kanya, pero kasalanan niya iyon! "Akin na card mo, ayan gagamitin ko para sa pag-grocery."

Agad nito pinatay ang TV at tumayo. "Sasama ako."

"Ayaw ko. Just tell to your driver na aalis kami within five minutes." Utos ko at akmang lalabas nang muli itong magsalita. "He's not here," Sagot nito.

Wag niyang sabihin na binigyan niya rin yung driver niya ng 1 month vacay? "You have no choice but to let me go with you." Sagot niya at dali-daling tumakbo para makapagpalit. Huminga ako nang malalim at nasimula na sa paglalakad. Nauna na akong sumakay sa loob ng sasakyan at pumuwesto sa likurang bahagi nito.

"Ang malas ko naman talaga."

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now