Chapter Eleven

280 25 10
                                    

GROCERY

Cristina Villareal

WALA pang limang minuto nang mapansin ko mula sa side mirror ang pigura ni Wilder na papalapit sa sasakyan kung nasaan ako. He's wearing a casual gray polo that paired into his black pants.

I can say it really suited to his well-built body. Hindi na kataka-taka ang galing niya sa pagdadala ng damit dahil bukod sa mundo ng business industry, kilala rin ang pamilya ni Wilder sa pagiging model. Nalaman ko lang ang tungkol doon nang magpakita sa akin si sissy ng mga proofs, and guess what? I realize na nakikita ko na pala sila sa mga magazines, at nadadaanan ko lang talaga ang billboard na kung saan model ang magkakapatid na sila Glay, Knoxon, at Wilder Del Hiego. Endorse nila ang brief na kinakabaliwan ng mga babaeng patay na patay sa kanila.

Noong time naman na iyon ay hindi ko pa sila kilala. Before Wilder and I got married, nagkaroon ng engagement party at pinakilala sa akin ni Dad ang pamilya nila.

Doon ko lang unang beses nakita ng personal si Wilder at feeling ko rin na pinilit lang din siya based on his actions. Wala siyang pinakitang emosyon noong time na iyon at patuloy lang sa pakikipag-usap sa ibang guests.

I'm not even interested to know them like seriously? Sapilitan lang naman ang lahat dahil kay mom at dad. Dad even told me to pretend that I'm interested at huwag na huwag ipahiya ang pamilya namin.

I followed him that time at kunwaring interesado sa lahat. Hindi pa man nakakatagal nakitaan ko agad ng ugali ang magkakapatid.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto sila ng karamihan eh ang sasama ng mga ugali ng mga yun at pare-parehong womanizer!

Napansin ko ang pagbukas ng pintuan sa driver's seat at nakita ang pagpasok ni Wilder sa loob ng sasakyan. Kaagad ko inayos ang sarili at hindi ito kinausap. Narinig ko ang malakas na pagsarado nito ng pintuan at maya-maya pa'y sinimulan na nito ang pagmamaneho.

The car filled with silence and I decided to keep myself busy typing non-sense to my phone. Ngunit hindi pa man nagtatagal, nakaramdam na ako ng sobrang pagka awkward sa sitwasyon namin ngayon. No one likes to talk or even start a conversation.

Naalala ko ang pasa na ako mismo ang may kagagawan. Hindi naman kalakihan ang pasa na natamo niya sa pisngi pero nakakaramdam ako ng guilt at pagkahiya kahit na alam ko na siya naman ang nauna.

At ngayon napapa-isip na rin ako sa sorry na sinabi niya kanina. I can feel his sincerity as he said that word.

Hindi ko alam na sa sapak lang pala titino ang lalaking yun.

Maya-maya pa'y napansin ko na lang na nadaanan na namin ang mismong supermarket. Wilder parked the car on the parking area. Nauna na akong lumabas at naglakad na papasok doon.

Kaagad kong hinanap ang escalator pababa sa UG dahil sa pagkaka alam ko ay pagkababa mismo roon ay nandoon na ang grocery area. Napansin ko naman na nakasunod na sa akin si Wilder kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Pagkababa ng escalator ay pumasok na ako sa grocery area at lumingon sa kanya. "You can wait here o kaya maggala ka na lang muna sa buong SM. Ako na lang ang mag grocery, I'll text you once I'm done." Ani ko at kinuha ang malaking shopping trolley.

"I'll help you." Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-are y-you s-sure you want to help me?" Hindi maka paniwalang tanong ko. Ito na naman siya sa pagiging weird at sa tingin ko ay may gagawin na naman siya na hindi maganda.

Hindi na ito sumagot pa at nauna na sa paglalakad tulak ang shopping trolley na kinuha ko. Inuna ko muna ang pagkuha ng mga canned goods, at kaagad inilagay sa shopping trolley.

Naglakad pa kami hanggang sa mapunta kami sa drinks & beverages. Kumuha ako ng halos 10 sodas at maraming snacks in case na ka-kailanganin ko ng pagkain tuwing midnight o sa tuwing trip ko kumain.

Nagpa ikot-ikot lang kami hanggang sa madaanan namin ang Fruit Section. Kumuha ako ng Lemon at Grapes habang si Wilder naman ay kumuha ng limang apple at buwig ng saging?

"Teka ang dami niyan," Natatawa sa isip kong sabi at kaagad na ibinalik ang apat na buwig ng saging sa pinaglagyan nito. "Ano mauubos ba natin iyon?"

Ay natin? Niya lang pala…

"I don't know." Tanging sagot nito at kaagad na tinulak ang trolley sa Meat/Fish & Frozen food section. Kunot-noo ko itong sinundan at nagulat nang ibinato niya lang sa mismong trolley ang fries, hotdog, skinless, tocino.

I glared. "Ako na ang mamimili hindi mo kailangan magpanggap na gusto mong tumulong." Sabi ko at akmang aagawin sa kanya ang trolley.

Mas tinaasan ko pa ito ng kilay nang hindi nito ibinigay sa akin ang trolley. He seriously looked at me. "Bilisan na na'tin. Kakain muna tayo bago umuwi." Sambit nito

"Busog pa naman ako. Ako na lang ang mag grocery, just give me your card."

"I don't trust you." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"I don't trust you too," Inirapan ko ito. "Kung ayaw mo ibigay sa akin ang card mo, hintayin mo na lang ako sa counter. If ever na mag babalak ka na iwanan ako——" Aba bastos talaga ng mokong inalisan talaga ako!



Huminga ako nang malalim. "Kalma ka lang Cristina. Sanay kana sa ganong ugali ng hayop na yon."


Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng mga bibilhin. Kumuha na rin ako ng Milkfish, Tilapia, Chicken, Beef, at Bacon. Naisip kong bumili na rin ng Ice cream dahil favorite ko iyon. Pagkatapos mamili sa parteng iyon ay nag-ikot ikot pa ako at naghanap pa ng ibang mabibili.

Nang tuluyang matapos kakahanap ay dumiretso na ako sa counter para magbayad. I was about texting Wilder nang mahagip na ito ng aking mga mata na papunta sa direksyon ko.

"Here." Inabot nito sa akin ang na-withdraw niyang cash sa card at tumingin sa ibang direksyon.

"Akala ko iniwan mo na ako eh." Sabi ko at tumingin sa lalaking cashier na kasalukuyang bina-bar code scan ang bawat pinamili namin.

Nang matapos nitong ma-scan lahat ng pinamili namin agad siyang tumingin sa akin. "Ma'am ganda 5,689 pesos po lahat."

"Tss." Narinig ko ang pagsinghal ni Wilder.

"Ito oh! Keep the change." Nakangiti kong sabi sa lalaking cashier at inabot sa kanya ang buong P6,000.

"Hala thank you po ma'am ganda!" Natutuwang sabi ng lalaki at kaagad na inayos ang lahat ng pinamili sa paglalagyan nito.

"What the hell Cristina that's my cash why——" Nagtagis ang kanyang bagang nang tignan ko siya at magkatitigan kami. Sa huli siya rin ang sumuko. Kaagad niya kinuha ang mga pinamili nang matapos at naunang umalis.


"Thank you po ulit ma'am...Cristina." Tumango naman ako rito at naglakad na para sundan si Wilder.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now