Chapter Two

477 49 41
                                    

UNEXPECTED WORDS

Cristina Villareal

MAHIGIT dalawang oras akong nagkulong sa kwarto masiguro lang na sa paglabas kong muli ay hindi ko na masasaksihan pa kung ano man ang nakita ng dalawang mata ko kanina. Huminga muna ako nang malalim sabay buong tapang na pinihit ang pintuan at lumabas na.

Nakahinga na rin ako nang maluwag dahil wala na akong nakita o narinig na bakas na nandirito pa sila. Dali-dali agad akong bumaba at nagtungo sa kusina para makapaghanda na ng makakain.

Marahil ngayon ay nasa kwarto na iyon at kasama ang nakatalik niya kanina lang. Buti naman naisipan nila na doon nalang ipagpatuloy ang ginagawa nilang kalaswaan. Siguro mabuti na din iyong ginagawa nila para masigurado ko na hindi niya ako sinumbong.

Just enjoy, Wilder!

Habang nasa kalagitnaan ng pagluluto, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano na nga ba ang ginagawa ni Rylan. Siguro ngayon, nagluluto na rin iyon ng makakakain niya.

Naguguilt ako sa nangyayari sa amin. Kung sana pinaglaban ko siya at hindi nagpakasal dito kay Wilder, masaya na sana ako kasama siya.

I remember the time when I saw him crying. Ang sakit makita na yung mga taong mahal ko nasasaktan nang dahil sa akin. Mahal ko ang mga magulang ko at mahal ko rin si Rylan. Hindi ko alam kung ano dapat kong piliin.

Ginusto ko na ring makipaghiwalay kay Rylan dahil mas masasaktan siya kapag nagpatuloy kami pero hindi siya bumibitaw sa amin. Mahal na mahal niya ako, kaya nasasaktan ako para sa kanya.

Am I selfish?

Nang matapos magluto ay nagsimula na ako sa paghahain ng pagkain sa hapagkainan. Umupo na ako sa upuan at nagsimula na sa pagkain. Nakakaramdam man ng init sa dila ay patuloy pa rin ako sa pagmamadali sa pagkain. Kailangan kong matapos ito para makabalik na ulit ako sa kwarto.

Hindi ko pa man naisusubo ang pangatlong nasa kutsara nang makarinig ako ng mga hakbang mula sa hagdan. "Eating alone?" Pumunta ito sa direksyon ko at kumuha ng plato, kutsara, at tinidor. Umupo ito sa tapat ko at sinaluhan ako sa pagkain.

"How's your day with your guy?" Panimulang tanong nito.

"Kailan kapa nagkaroon ng interes na magtanong ng tungkol sa amin?" Balik kong tanong sabay subo ng pagkain.

"Masama bang malaman ang nangyayari sa buong araw ng asawa ko?" Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Nakatingin din ito nang matalim at tila mangangain na ito ng tao.

"I'm waiting for my wife lately, while her, she's busy with her paramour." Napahawak ako ng mahigpit sa hawak na kutsara't tinidor.

Sino siya para sabihan si Rylan ng ganon?

"Ako lang ba? Ikaw din naman. You're busy with your girl." Nagulat ako nang kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bunganga ko. Shit! Lagot ako neto!

Kumunot ang noo nito at maya-maya'y humagalpak ng tawa. "Did you saw it lately, Cristina?"

Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi magandang pag-usapan ang ganong bagay sa hapagkainan. Nakakadiri! Bahala siyang kumausap sa sarili niya!

Nang matapos kumain, agad kong inilapag ang plato sa hugasan at naghugas narin ng kamay. Kinuha ko ang tubig sa ref at naglagay sa baso. Ininom ko ito at pilit na hindi nagpapadala sa patuloy na pagtitig sa akin ni Wilder.

Umalis na ako ng kusina at nagtungong muli sa kuwarto para muling maging mapag-isa. Ayokong nakikita ang pagmumukhang iyon. Naiirita ako sa kanya!


Kinabukasan, maaga akong nag-asikaso para sa planong pagbisita kanila mom at dad. Inayos ko ang aking mukha at naglagay ng kakaunting make-up.


Nang matapos mag-asikaso, lumabas na ako sa kwarto at dali-daling bumaba sa hagdan. Hindi ko nakita si Wilder, marahil ay nandoon na siya ngayon sa kumpanyang pinapasukan niya.

Lumabas na ako ng bahay at sakto namang kakadating lang ni manang Belen. Atleast may magbabantay sa pamamahay ng Gago.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Pagtataka nito.

"Somewhere. Uuwi rin ako agad." Ngumiti ako dito at tuluyan nang umalis.

"Ingat po kayo Ma'am!"

Lumabas na ako at nagpara na ng masasakyan. Nang may huminto, agad akong sumakay at nagbayad na. "Manong, sa Placencia po."

Napatingin ako sa labas at tanging mga malalaking bahay lamang ang nakikita ko. Mayroon namang iilang tao na nasa labas, ngunit halos limang bahay muna ang malalagpasan bago muling madagdagan ang mga taong nakikita ko.

Samut-saring emosyon ang nangingibabaw sa akin. Nakakaramdam ako na parang may hindi magandang mangyayari ngayon...

Tumigil ang sasakyan nang marating na ang lugar na aking sinabi. Agad akong bumaba sa Taxi at dumiretso na sa loob ng bahay nila mom at dad. Nakita ko sila sa sala at tila may pinag-uusapan. Naisipan ko munang magtago panandalian sa gilid at palihim na pinapakinggan ang pinag-uusapan nila. "Cristina is now in the adult stage. She can handle things now, Dino. Don't you trust your daughter?" Rinig kong sabi ni Mom.

"She can't. Tignan mo ang nangyayari ngayon. May asawa na siya pero lumalandi pa rin siya sa iba. Tama ba yun, Fe? Hindi ko hahayaan na kunsintihin mo iyang anak natin sa mga maling bagay na ginagawa niya."

Nakaramdam ako ng galit nang marinig iyon. Sa buong buhay ko ngayon lang ako sinabihan ni Dad ng malandi at ang sakit sa pakiramdam...

Bakit niya nasasabi sa akin 'yong bagay na 'yon? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya kay Rylan? Siya naman ang mas nauna kumpara kay Wilder pero bakit pinipilit nila ako sa taong hindi ko naman mahal...

"Dino, bakit mo sinabihan ng malandi ang anak natin!" Kahit na nasasaktan ay patuloy parin akong nakikinig sa usapan nila.

"Napaka tonta ng babaeng iyon. Pinalaki ko siya ng maayos pero ni kailan hindi man lang niya yun sinuklian ng maganda. Lagi niyang sinusuway ang bawat utos ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Kailan ko pa hindi sinuklian yung mga ginawa niya sakin?

Hindi pa ba sapat na nagpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal para lang masuklian ang mga ginawa nila?

Ginawa ko naman lahat. Sinusunod ko siya kahit minsan nagmumukha na akong tanga kasi nagiging sunod-sunuran na ako. I can't imagine na masasabi niya ang mga bagay na yun!

Hindi na ako nagpakita sa kanila at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon. Agad akong nagpara ng masasakyan at dali-daling sumakay.

Kailangan kong puntahan si Rylan at makausap. Naniniwala ako na ipaglalaban namin ang isa't-isa at ngayon na ang tamang panahon para rito.

I Own You (Wild Series #1)Where stories live. Discover now