Chapter Eight

381 36 27
                                    


FOOD

Cristina Villareal

SA IKALAWANG BESES na pagpunta ni Manang Belen sa kwarto ay mayroon na itong bitbit na green bed tray table. Nakalagay doon ang isang bowl na naglalaman ng isang soup at isang malaking baso ng juice na sa pagkakakita ko ay parang mango o orange? Tinignan ko iyon nang maigi at hindi mapigilan ang pagkalam ng aking sikmura. Nararamdaman ko pa rin ang pagsakit ng aking ulo at bigat ng aking katawan.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at agad naman nilapag ni Manang Belen ang bed tray sa harap ko. "Ma'am ubusin niyo po ito. Mainam iyan para mawala ang masamang nararamdaman niyo."

Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ako iniwan ni Rylan. Siya may kasalanan nito!

Ngumiti ako kay Manang Belen. Buti pa siya may pakialam sa akin. Samantalang si Rylan 'di ko na alam kung nasaan. "Okay lang ako Manang Belen. Salamat sa paghahanda nito." Wika ko at sinumulan itong tikman.

Masarap siya infairness! I taste the vegetables in there same as the chicken flavor that isn't overpowering the whole soup. Medyo mainit-init pa ito at halos nagco-compliment lang ang lasa ng bawat sahog. I looked at the food and feel so satisfied. How Manang Belen managed to cut the carrots perfectly? Bilib na talaga ako sa cooking skills niya.

"Omg, I really appreciate this Manang Belen. Masarap siya at kahit papaano gumagaan na pakiramdam ko. Thanks to you." Papuri ko habang patuloy na kinakain ang hinanda nito.

"Ma'am mas magaling pa rin po kayo magluto. Si Sir Wilder po ang nagpahanda——" Halos masamid ko ang aking dila sa lumabas sa bibig nito. Si Wilder? "Ma'am okay lang po kayo?"

"U-ulitin mo sinabi mo? A-anong si Wilder?"

"Si Sir Wilder po ang nagpahanda sa akin nito Ma'am. Sa kanya po kayo magpasalamat." Aniya

This can't be! Kailan pa siya nagkaroon ng pake? Dahil ba sa nangyari na sinasabi nito?

"Sabihin mo nga sa akin Manang Belen. Alam mo ba ang nangyari?" Seryoso kong tanong.

"Ma'am nakakahiya po——"

"Please tell me. Ano ba ang ginawa ko sa kanya?"

"H-hindi ko po alam ang nangyari sa inyo ni Sir Wilder pero n-nakita ko po kayo k-kanina. P-papasok po sana ako sa kwarto ni Sir para maglinis pero nakita ko pong pareho kayong uhm..."

"Anong nakita mo?"

"Magkayakap po kayo." WHAT THE HELL!

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa galit. So tinake-advantage ng kupal na iyon ang kalasingan ko! Walang hiya siya!

"Nagising po siya sa dahil sa ingay ko tapos sinabi niya sa akin na may nangyari sa inyo kaya ayon po! Sorry po ma'am kung naka distorbo ako sa inyo ni Sir kanina." Dapat ginising niya ako huhu!

"Tama na iyang sinabi mo. Don't worry hindi ako galit sa iyo. You can leave now." Huling sambit ko rito at hindi na siya muling tinignan. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko at kasabay n'on ang paghinga ko nang malalim.

Peace offering mo siguro itong hinayupak ka! Yari ka sa'kin Wilder, once na gumaling ako babawian kita. Nakakabuwisit!

Tinapos ko na ang pagkain at pagkatapos ay nagpahinga muna ako saglit.

*****

Nagising ako sa matinding pawis na dulot ng aking katawan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kanina matapos kong hintayin na bumaba ang pagkain sa aking tyan. Maayos na rin ang pakiramdam ko, marahil nakatulong talaga ang niluto ni Manang Belen at ang pagpapahinga ako buong araw. Teka, anong oras na ba?

Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang alas otso na pala ng gabi at mukhang napahaba ata ang tulog ko. Napansin ko ang five messages na nagmumula kay sissy Leigh-Anne.

Agad ko iyon binuksan isa-isa.

From: Sissy My Labs ❤
   Sissy! Musta ka dyan?
Message Sent at 2:30 PM.

From: Sissy My Labs ❤
  Uy Sissy! Nag-aalala na ako sayo. Marami masyado nainom mo kagabi eh!
Message Sent at 3:35 PM.

From: Sissy My Labs ❤
  Galit ka ba sa akin dahil sa alak na tinapon ko? Don't worry babawi naman ako sayo sa susunod na ma broken ka ulit. :)
Message Sent at 3:40 PM.

From: Sissy My Labs ❤
  Hays. Okay, kung ayaw mo ako kausapin Cristina I'll call Wilder instead.
Message Sent at 4:00 PM.

From: Sissy My Labs ❤
  Now I know na! Get well soon Sissy. I love you. :*
Message Sent at 4:15 PM.

Nireplyan ko ito.

To: Sissy My Labs ❤
Maayos na ang lagay ko ngayon. Salamat sa pag-aalala. See you on Monday. I love you too sissy. :)
Message Sent at 8:13 PM.

Napag desisyunan kong maligo na para makaramdam naman ng kaginhawaan sa aking katawan. Bumangon na ako sa pagkakahiga at agad na nag punta ng cr.

*****

Nang tuluyang matapos maligo agad akong nagsuot ng pajama at white t-shirt. Tinanggal ko na ang tuwalyang nakalagay sa buhok ko at lumadlad naman ang mahaba kong buhok na hanggang dibdib. Medyo magulo-gulo pa ito ngunit mamaya ko na lang ito ibo-blower at susuklayin matapos kumain. Paniguradong sa mga oras na ito ay nakapagluto na si Manang Belen ng pagkain kaya wala na dapat akong alalahanin pa.

Lumabas na ako ng kwarto at agad na bumaba ng hagdan. Napansin ko naman ang pagtahimik ng paligid na siyang ikinapagtataka ko. "Ako lang ang tao? Nasaan sila?" I took a glance in every part of this house to find them ngunit nabigo ako. Ako nga lang talaga ang tao dito. Ang lungkot naman!

Nagpunta ako ng kusina at mas nadagdagan ang lungkot ko nang wala man lang ni-isang pagkain. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura at kasabay nito ang pagtingin sa mga wines na pagmamay-ari ni Wilder. Mayroong 12 different wines na nakalagay sa mismong wooden wine rack. Lumapit ako roon at tinignan ang bawat isang wine. Napansin ko na puro mga imported itong wines niya. Galing sa iba't-ibang bansa. "Sparkling Italian Prosecco, White German Riesling, California sparkling wine, French Champagne..."

"Muscat de Beaumes-de-Venise? Ano yon? Pero mukhang masarap ah!" Agad ko iyon kinuha. Wala naman sigurong masama kung iinumin ko ito nang walang paalam. Wala naman kasing pagkain dito at isa pa hindi naman kakayanin ni Wilder na ubusin lahat ng wines. Pantawid gutom ko na rin siguro ito.

Kumuha ako ng wine glass at agad iyong inilagay sa long table dito sa kusina. Binuksan ko ang mismong wine at naglagay ng kaunti sa wine glass. Inilapit ko iyon ng kaunti at bahagyang sinuri ang hitsura nito.

Hindi ko pa naman naiinom ang wine nang bigla akong makarinig ng mga hakbang na papunta sa direksyon ko. "Hep! Hep!" Hooray?

"What?" Medyo napalakas ang boses ko nang hindi sinasadya. Tumingin ako sa lalaki na ngayon ay nasa harap ko at bakas dito ang pagtataka sa ginagawa ko. I suddenly remember what Manang Belen told me lately. Ikinuyom ko ang aking kamao at kasabay nito ang pagtingin sa kanya nang masama.

Akala niya ba okay lang sa akin ang ginawa niyang iyon? Maski 'yong paghalik niya sa akin kanina sa comfort room ng kwarto niya. Ang kapal ng pagmumukha niya!

"Bakit mo iniinom ang wine ko? Nagpaalam kaba?" Kunot-noo nitong tanong.

"E bakit masama ba? I don't have any choice. Gutom na gutom na ako at wala namang——"

"I bought a food for the two of us so lets eat."

I Own You (Wild Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin