42// Poem: Larawan

10 2 0
                                    

Isang umaga puso ko ay puno ng kaba
Habang dala dala ko ang aking kamera.
Hinanap kita sa dagat dagatang kulay,
Nagnanais na mga ngiti sa labi mo
Sa aking kamera ay sumilay.
Hinanap kita sa mga kabadong tao,
Hinanap kita sa iba't ibang grupo.

Nang bigla na lamang nagkagulo.
Mga tao ay bigla na lamang huminto
Kagaya nang paghinto ng mundo ko
Ng makita ko ang mukha mo.
Bigla na lamang akong napangiti
At ang pagod sa paghahanap sayo 
Ay bigla na lamang napawi.
Dali dali kong inayos ang sarili
Baka sakaling mga tingin mo saki'y magawi.

Nagsimula nang isalang ang mga tugtugin
At nagpakitang gilas sumayaw
Ang mga iba't ibang grupo sa masayang awitin.
Habang nakasalang ang panibagong tugtog
Puso ko ay di tumitigil sa pagkabog.
Naghihintay ng tamang oras
Na sa entablado ikaw ay lumabas
At sa mga manonood ikaw ay magpakitang gilas.
Ngunit naging masaya ang paghihintay
Ng mga ngiti mo sa aki'y sumilay.
Masayang nakatitug sayo
Habang kinukunan ka ng magandang anggulo.
Patuloy lang ako sa pagkuha ng litrato mo
Binibihag ang mga sandali
Sa mundong lahat ay nananatili
Iingatan ang mga ala ala 
Hanggang huli.

Nabihag ng kamera ko ang mga ngiti mo
Ngunit nabihag mo naman ang puso ko.

Inked.Where stories live. Discover now